25. Im So Dead

180 9 0
                                    

[Akeisha's POV]

"Ateeee! Why did you do that?" Patay na si JL. Pinatay siya ni Ate.

"Bakit hindi? Sila ang sumira ng buhay ko!"

"I-ikaw? Ikaw yung kinukwento sakin ni Je?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ako nga." Tipid na sagot niya.

"You killed them?" I asked bravely. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kanya.

"Si Alvin? Yes, binigti ko siya sa backstage."

"Si Carlo? Ako yung bumangga sa kanya."

Why all of a sudden she's confessing to me?

"Mr. & Mrs. Mendoza? Sinadya kong sirain ang preno nung van para madisgrasya sila."

Nanlaki ang mata ko sa'king narinig.

"You did what?" Galit kong tanong.

"I killed them." She chuckled.

"You killed our parents?"

"Your parents."

"No. It's 'our' parents. They loved us both. Paano mo nagawa sa kanila 'to?"

"Sinira kasi ng tatay mo ang pamilya ko!"

Para akong naestatwa sa narinig. Alam kong hindi niya biological father ang Papa ko. Pero bakit sinasabi niyang si Papa ang sumira sa pamilya nila kung ang sinabi ni Mama ay sumakabilang bahay ang Papa niya.

"Ikaw lang ang mahal nila, ikaw lang ang magaling, sige! Ikaw na lahat." Sarkastikong sabi niya.

"Ni hindi man lang nila ako hinanap nung nawala ako." Umiiyak na siya.

"We thought na binisita mo ang Papa mo Ate kaya ka nawala."

"Ha-ha. Really?" Saka niya itinutok yung baril sakin. I don't want to panic pero kinakabahan at natatakot na ako.

"Si Je, ako yung bumaril sa kanya. And now, si JL.. And next.."

"M-Me?" Napaatras nalang ako nung tumango siya.

Tutok na tutok ang baril niya sakin. Isang kalabit lang patay na ako.

"Isa... Dalawa... Tatlo!"

Napapikit na lang ako. Oo katapusan ko na nga.

 

*BANG! BANG! BANG!*

Her Untold SECRETWhere stories live. Discover now