16. Confession

166 9 0
                                    

At Canteen..

"Asan na yun dito? Sabi canteen, wala naman. Psh."

May naramdaman akong humila sa aking kamay mula sa likuran ko.

"Je-?" Bago pa man ako magsalita ay tinatakbo na niya ako at nakarating kami sa isang park.

Silence takes over.

"Bakit dito? Akala ko ba canteen?" Basag ko sa katahimikan.

"Alam kong hindi na ako magtatagal pa." Panimula niya.

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Gusto ko lang malaman mo na Crush na crush kita.. Nakakahiya lang kasi lumapit. Lalo na't alam kong boyfriend mo pa si Justin Lawrence." At hindi na niya napigilan ang sarili na mapakwento..

"Kilala mo si JL?"

Tumango siya.

"Since Highschool kami ang magbabarkada. Si Alvin. Si Carlo. Ako at Si JL."

Tahimik lang akong nakikinig. Iniintindi ang bawat salitang binibitiwan niya. Then out of the blue, he suddenly asked me..

"Maiba ako, alam mo bang ikaw lang ang sineryoso ni JL na babae?"

"Ha? Ako lang?" Tumango ulit siya.

"Wala ba siyang nababanggit sa mga naging ex niya?"

Umiling ako. Kasi wala naman talaga.

"Nangyari ang lahat 2years ago, may isang babaeng nagpatibok ng puso ko. Pero hindi ako ang mahal niya, kundi si JL.. Akala ko dati hindi na 'to mangyayari pero wala e. Ikaw na naman ang natipuhan niya. We're under the influence of drug that time, ako yung gumahasa sa gf niya, na parang laruan niya lang na ibinigay sa amin, na napagsawaan na daw niya ito kaya binigay na lang basta basta." Basag na ang boses niyang nagkwekwento.

So, nakokonsensya na ba siya sa ginawa nila?

Her Untold SECRETTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang