21. Diary Part 1

163 7 0
                                    

Titig na titig pa rin ako sa black notebook na 'to.

Bubuksan o Bubuksan?

In the end, binuksan ko pa rin.

Derecho na ako sa 2nd page nang magulat ako sa'king nabasa.

Ang pangalan niya.

"So ang ibig sabihin ba nito, hindi yung babaeng nagtanong sakin kanina ang may-ari nito?"

"Diary niya ito?"

Next page..

June28

Yung minahal ko ng buong-buo ipinagkaluno lang ako kung kanino. Hinayaang babuyin ako. Iniwan ako basta-basta. Walang hiya. Wala man lang awa.

 

Isinusumpa ko ang araw na ito! Pinatay nila ang dating ako. Pwes! Magdusa sila sa gagawin ko.

 

Sila ay paghihigantihan ko!

 

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Totoo nga yung sinabi ni Keisha na may naghihiganti sa kanila. Alam kaya niya na siya iyon?

Next page...

 

ALVIN TOQUERO

Alam kong alam mo na wala kang ginawa sa akin pero hindi mo pa rin ako pinakawalan . Hindi ka naawa sa ginawa nila sakin. Pinanuod mo ang kaibigan mo habang ako nagpupumiglas at umiiyak. Wala kang ginawa. Yun yung kasalanan mo! Hayaan mo. Uunahin kita.

 

Siya yung nagpapadala ng deathnote kay Alvin noon?

Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa niya ang mga ito?

Masyado siyang mabait sa panlabas na anyo.

Next page...

 

CARLO HUFANO

Katulad ni Alvin, wala ka ring ginawa. Ikaw ang sumunog sa buhay kung saan ako naroon. Mabuti na lang na bago mangyari ang sunog ay nakatakas na ako mula sa kamay niyo. Tanaw na tanaw ko pa kayo habang nagkakasiyahan samantalang pagkatapos niyo akong babuyin, iniwan niyo ako dun at hinihintay na maging abo.

 

Hindi ko akalaing magagawa ito ni Carlo at ang mga kaibigan niya.

Her Untold SECRETWhere stories live. Discover now