13. Wish Granted

171 11 0
                                    

Hello bhie?

 

[Oh bhie? Napatawag ka?]

 

Uhm.. Ano kase, tutuparin ko na yung kahilingan mo.

 

[Really bhie? Bibigyan mo na 'ko ng baby?]

 

Perv! Hindi no!

 

[Joke lang naman bhie. May respeto ako sa mga babae]

 

Papakilala na kita sa parents ko.

 

[Ta-talaga?]

 

Oo nga. Sunduin mo ako mamaya after class. Don't be late bhie. Love you!

 

[Love you too bhie]

I ended the call cause I have a class na.

After Class*

Pagkalabas ko pa lang ng school ay nandoon na siya naghihintay sa akin.

"So, let's go my Princess?"

"Uhh. Corny!"

Nang nasa bahay na kami kita ko sa mukha niya ang pagtataka, ay oo nga pala, hindi ko pa nabanggit sa kanya na pumanaw na ang mga taong matagal na niyang gustong makita.

"Bhie, hindi mo naman sinabi sa akin na dadaan muna tayo sa lamay." Imbes na ako'y magsalita, hinila ko na siya palapit sa dalawang kabaong at saka nagsalita.

"Andito na po kami, Ma, Pa, boyfriend ko po. He's Justin Lawrence." At hindi ko na naman napigilan ang aking sarili. Umiiyak na naman ako.

"Bhie, hindi mo sinabi sa akin. Condolence." Pinunasan niya na ang luha ko at kinulong sa kanyang mga bisig.

"Bhie, alam mo ba na-immune na ata ako sa mga patay-patay na yan." Sabi ko habang nagmemeryenda. Nasa labas na kasi kami. Nakaupo lang.

"Bakit naman?"

"Kase kahapon may namatay na naman sa school."

"Ha? Sino? Napano?"

"Si Carlo Hufano. Hit&Run. Mabilis ang mga pangyayari." Habang binibigkas ko ang mga 'to ay titig na titig ako sa kanya.

 

Bakit ba nang banggitin ko 'to sa kanya e hindi na naman siya komportable?

Her Untold SECRETWhere stories live. Discover now