2. Continuation

313 14 1
                                    

"Andito na 'ko."

 

Nawala ang takot na dinaramdam ko nang marinig ko siyang nagsalita sa likuran ng mga lalaking papalapit sa akin.

 

Sa wakas, ligtas na rin ako, kami. May kakampi na ako.

 

"Boss, salamat sa birthday gift." Sabi niya.

 

Boss? Birthday gift? Anong ibig sabihin nito?

 

"Walang problema. Tutal napagsawaan ko na siya. Sayong sayo na." Bago pa man siya makaalis ay tumakbo ako palapit sa kanya.

 

*Paaaaaak!* I slapped him so hard.

 

"Gago ka! Minahal kita. Walanghiya ka!" Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako.

 

"Hoy kayong tatlo! Kunin nyo na 'to bago pa makawala. Enjoy your night honeyyy!" Sabay halik sa pisngi ko.

 

Walang hiya. Minahal ko siya. Tapos ganito? Pinagkatiwalaan ko siya.. Tapos ano?

 

"H-huwag! Ma-maawa kayo sa'kin. Pakawalan niyo ako." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang binabanggit ang mga katagang 'to.

 

"What made you think we're going to do that?" Sabi nung isang lalaki.

 

"Please, pa-pakawalan niyo na ako." Nag-uunahan ng magbagsakan ang mga luha ko.

 

Hinawakan ako nung dalawang lalaki sa magkabilang braso. Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko kaya, sadyang malakas sila. Wala na akong nagawa.

 

"Wag... Please..." Pagmamakaawa ko at patuloy pa rin sa paghikbi. Nakuha na nila ang labing anim na taon kong iniingatan.

__

cc/n:

FVC haaa?

(Follow . Vote . Comment)

hahaha!

Her Untold SECRETWhere stories live. Discover now