17. Expect the Unexpected

163 9 0
                                    

"Bakit mo sinasabi lahat 'to sa akin?" Tanong ko naman sa kanya.

"Naniniwala naman kasi ako na walang Lihim ang hindi nabubunyag." Sagot niya.

"Yung pagkamatay ni Alvin at ni Carlo, alam kong siya yung may kagagawan nun.. Ang akala namin namatay na siya."

"Ano?! Pinatay niyo siya?"

"Hindi ...namin sinasadya ang nangyari.. Nagkaroon kasi ng sunog ang akala namin ay nasama siya doon at pinangako namin na magbabago na kami. Kakalimutan na namin ang nangyari.. Pati si JL humiwalay na din sa amin."

"Alam kong siya yung naghihiganti sa amin ngayon. Gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko mahanap kung san man siya nagtatago, gusto kong humingi ng sorry dahil sa ginawa namin noon." Umiiyak na siya ngayon. Halatang totoo na nagsisisi na siya.

"Kung pwede lang balikan ang nakaraan, hinding hindi ko na gagawin iyon sa kanya." Dagdag pa niya.

"Ipagsisigawan ko pa." Tumayo siya at sumigaw ma.

"Patawad kung ginulo man namin ang buhay mo. Patawad AL-."

*BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!*

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, In just a blink of an eye, tumigil siya sa pagsasalita kasi tumatalsik na yung dugo sa bunganga niya..

 

And the next thing I knew is, Nakabulagta na sa harap ko ang duguan niyang katawan.

Her Untold SECRETWhere stories live. Discover now