"What? What do you want me to do?" Halata ang pagkairita nito.

"You know what I mean."

"Hon pabigla bigla naman ata. Pabayaan nating makapag isip si Fabio."

"Kailangan ito para sa Black Empire." Wala akong kaalam alam sa mga pinag uusapan nila.

"Hindi ka pa ba nakakapag isip? Paulit ulit na lang ba ako Fabio?" Bakas ang galit sa boses nito.

"What do you want me to do with that silly girl?" Wala ng respetong natira dito.

Pabalang na hinampas ng papa ang malaking mesa.

"You have to marry her." Nanlaki ang mga mata ko. Nabitawan ko ang basong may laman ng orange juice at nag mantsa ito mismo sa bestidang puti na suot ko.

"Hija are you okay?" Ani ng mama at natuon ang atensiyon nila sa'kin maliban kay Fabio na nakatingin ng masama sa papa.

"I-I'm okay ma." Nagsalita naman bigla si Fabio.

"I don't want to." Napatayo ang papa. Galit niya itong hinawakan sa kwelyo ng damit tsaka marahas na itinayo. Nagkatinginan sila ng masama.

"Sino ang nakapagpabago ng isip mo ha? Sino!" Napalunok ako.

Nanginginig ang dalawang kamay ko habang hawak hawak ang isang basong may laman na Juice.

"Ikakasal ka sa anak ng Duke sa ayaw o sa gusto mo!"

Nabitawan ko ang hawak na baso dahilan para mabasag ito. Nanginginig ang buong sistema ko. Hindi ako gaanong makapag isip ng tama.

"Walang kasalang magaganap. I told you J don't want. Sasayangin niyo lang ang mga oras niyo." Galit na saad ni Fabio. Nakatanggap naman ito ng malakas na suntok mula sa papa dahilan para mapaupo sa sahig.

"Kuya!" Kaagad ko siyang nilapitan. Marahas nitong pinunasan muli ang kaunting dugo sa gilid ng labi.

"Zalazar! Wag mong saktan ang anak mo!" Kaagad na tumayo ang mama para umawat. Tumayo na rin ang Kuya Matias ngunit walang nag bago. Pasugod ang papa kay Fabio.

"Umalis ka diyan Alena. Malilintikan ang isang yan sa'kin!" Hindi ako nakinig dito. Tumayo naman si Fabio at sinamaan ng tingin ang papa. Hawak hawak ko ang braso niya. Natatakot ako sa susunod na maaaring mangyare.

"Sumagot ka! Anong nagpabago sa isip mo!" Nanlaki ang mga mata ko nang humugot na ng baril ang papa. Kaagad akong humarang ngunit marahas na hinawakan ng papa ang braso ko at saka ako itinulak.

"Zalazar nasasaktan ang bata!" Sigaw ng mama.

Mas lalong sumama ang pagkakatitig ni Fabio sa papa.

"Sinong nag bigay ng pahintulot sayong itulak siya!" Nagulat ako ng sumigaw ito. Umapila naman ang Kuya Matias at humarang sa dalawa.

"Hudas ka Fabio! Hudas ka kung sagot sagutin mo ang papa!" Ani ng Kuya Matias.

"Wala kang pakialam!" Isang malakas na suntok ang iginanti ni Fabio na tumama sa sikmura ng Kuya Matias. Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin muli sa papa.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon