TRAVIS's POV~
Nakapasok na ako ngayon sa Bar ni Dylan. Kung nagtataka kayo kung anong pangalan ng bar niyang ito, napa-face palm nalang ako noong nalaman ko kung ano lang ang gusto daw niyang ipangalan dito. He just named it "My Bar". Napakatalino talaga ng isang toh, tingin ko, pinaghirapan niyang pagisipan yang magandang pangalan na yan eh. Pawang henyo lang ang nakakaisip. Tss.
Maraming tao pa rin din as usual, birthday man niya o hindi. "Hey, boys."- Sabi nung babaeng lumapit sa amin ni Dylan, as usual nilingkisan kaagad si Dylan at hinalikan sa cheeks. Napatingin lang ako sa kanila.
"Hey gorgeous."- Malanding sabi ng ugok dun sa babae niya. Playboy rin kasi ang isang toh eh. Feeling pogi talaga, eh alam naman naming mas gwapo ako sa kanya.
"Hmm..*smirk*"- I just smirked. Kasabay namin maglakad yung babaeng Gorgeous yata ung name, ay ewan, yun kasi ang tinawag ng ugok sa kanya eh. Wala kasi talaga akong kaalam-alam sa mga ganyang flirting moves. Matagal na niya ako tinuturuan ng mga diskarte at mga moves niya daw, pero wala akong pakialam. Ni hindi ko magawang tumingin sa ibang babae, makipag-flirt pa kaya? Loyal ako kay Shanelle noh!
Umupo kami sa isang pang VIP lounge, may mga lumapit kaagad sa aming mga babae at umupo sa tabi namin. Naglagay nalang ako ng alak sa baso ko at sinimulang lagukin yun ng straight bago ako magsalita.
"Asan si Bricks?"- Nilingon ko lang si Dylan na nakasandal sa sofa na inuupuan namin at nakagitna siya sa dalawang babae na nakaupo rin sa kabilaan niya. Mukhang enjoy na enjoy ang ugok ah.
"On the way na raw siya eh. Ayaw daw kasi siyang payagan ng girlfriend niya kaya kinu-convince niya pa. Hahaha, ang lame niya talaga."-Natutuwang sabi sa akin sabay lagok ng alak sa baso niya.
Uminom nalang ulit ako at sumandal sa sofa. Hindi pa kasi nai-inlove ang isang toh eh, kaya hindi marunong magpahalaga. Different girls every night, literally girls. Dahil hindi lang iisa ang naikakama niyang babae gabi-gabi. Binibigyan pa nga ako ng loko, ugok talaga. Hindi ko sasayangin ang virginity ko para lang sa isang slut. Kung makikipag-sex man ako syempre kay Shanelle lang. Siya lang naman kasi ang gusto kong makasama habang buhay eh.
Kahit tinutukso ako palagi nila Dylan at Bricks, ang dalawang bestfriends ko, na 23 years old na ko pero virgin pa rin, wala akong paki. Sinasabi ko nalang sa kanila na at least malinis ako, wala sakit. Asar na asar din naman yung mga gago. Hindi ko naman kinakahiyang virgin pa ako, hindi pa naman din kasi ako nagkaka-girlfriend, kasi nga si Shanelle lang ang mahal ko. Hindi ko magagawang makipag-sex sa ibang babae dahil hindi ako naakit sa kanila.
Kahit na maraming umaaligid sa akin at mga naghahabol, hindi ko sila pinapansin, sabi nga ni Shanelle, I shouldn't be this cold and rude to other girls, paano daw ako magkaka-girlfriend kung suplado at wala akong paki sa mga babaeng nakapaligid sa akin. Eh sa anong magagawa ko? Wala talaga akong interest sa kanila, kay Shanelle lang talagang lahat ng atenson at pagmamahal ko eh.
YOU ARE READING
Because We're Having a Baby (COMPLETED)
ChickLitWhat if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a Relationship with? A total Strangers or just a Faith? Does this Baby matters leads them into a Love and being Responsible? Or it will just...