"Ne? Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Chloe? Nasaan ang apo ko?" Lola Saling was carefully looking at the vacant bed, trying to find her grand daughter.

Mabilis na itinago ni Jiwon ang cellphone ni Chloe sa likurang bulsa ng pantalon niya. Witnessing how Lola Saling was clueless sa kinaroroonan ni Chloe, isang malakas at hindi kagandahan na kutob ang naramdaman niya. "Hindi ho ba nagpaalam sa inyo si Chloe? Tulog ho ba siya noong iniwan ni'yo siya dito?"

"Hindi! Eh ang ganda ganda ng usapan namin. Sabi niya eh gusto na niyang lumabas dito para maasikaso na 'yung libing ng ate niya. Pinapaayos niya lang sa akin 'yung bill sandali para makalabas na siya. Ang haba naman ng pila sa loob kaya medyo natagalan ako! Saan na naman ba nagsusuot ang batang 'yon?" Napakamot na lamang sa ulo ang nag-aalalang matanda. "Nangako na siya sa akin na hindi na siya sasamang muli sa mga barkada niya! Umalis pa rin siya ngayon! Lintik na batang 'yan talaga! Hindi pa nga humihilom ang sugat sa pulso, lumayas na naman ng hindi nagpapaalam! Ano bang gagawin ko sa batang 'yan!"

'There's something going on with Chloe. Hindi pa oras ng pakikipagkita niya sa tinutukoy niyang bangungot, pero umalis na siya agad dito sa ospital. If she really made a promise sa lola niya, I don't think she will attempt to kill herself again.'

As soon as Jiwon went out of the emergency room, tinawagan niya si Lieutenant Lim upang humingi ng tulong.

***

Sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan, agad na nagtatakbo si Chloe Lechuga pasilong sa front porch ng bahay na parati niyang pinupuntahan sa Clover Field Subdivision. Dahil wala pang luxury cars na nakaparada sa harapan ng malaking bahay, panatag ang kalooban ng dalaga na wala pang tao sa loob.

Fortunately, the door was not locked.

Malaya siyang nakapasok sa loob ng abandonadong bahay. Bitbit ang isang brown paperbag na galing sa supermarket na sandali niyang dinaanan bago dumeretso sa naturang subdivision, Chloe was determined to carry out her plan. Bakas iyon sa madidilim niyang mga mata na nagpapahiwatig ng katibayan ng kanyang kalooban.

Sandali siyang kumuha ng basahan sa storage room atsaka binalikan ang  front porch. Masuri niyang pinunasan ang bakas ng putik na nagmula sa kanyang sariling mga sapatos. Pagkatapos ay bumalik siya sa loob at isinara ang pinto without locking it.

Going back to the kitchen's counter, isa-isa niyang inilabas ang mga items na kanyang pinamili. 1 liter bottle of strong liquid bleach, pocket knife, and a thick rope. Without wavering, hinaluan niya ng liquid bleach ang kakalahating alak na nakahanda sa glass table sa living room.

Matapos niyang tanggalin sa kahon ang pocket knife, itinago niya iyon sa loob ng kanyang kanang rubber shoes. Ang makapal na lubid naman ay kanyang ipinulupot at ikinorteng malaking bilog. Isinuot niya iyon sa kanyang braso at ulo.

Habang inililigpit ang mga basura, naramdaman ni Chloe ang presensya ng tao sa labas ng bahay. She also heard a loud screech sound na mukhang nagmula sa sasakyan. Dahil sa pangamba na baka mahuli siya ng kung sinumang tao na dumating, mabilis siyang nagtago sa loob ng cr.

Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ng bahay at pumasok sa loob si Rayven Salamangca. Being the first one to arrive, he welcomed himself by drinking the alcohol on the glass table. In one gulp, agad niyang ibinuga ang natirang likido sa kanyang bibig. Inihagis niya ang bote at pilit na isinusuka ang lason na nainom niya. Halos pagapang niyang tinungo ang nag-iisang comfort room sa first floor.

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now