"Kawawa ka naman pala, Cole." Pang-aasar ko sakanya.
Sinimangutan niya ako. "Huwag ka na ngang gumatong, Tink." Aniya kaya natawa ako.
Biglang dumating si Tita Clarisa at lumapit samin.
"Mommy, tapos na po kayong mag-usap doon?" Tanong ni Peter.
Umiling si Tita at ngumiti. Binalingan niya si Tito Norman na hanggang ngayon ay kasama parin namin pero busy na sakanyang cellphone.
"Kuya Norman, akyat ka daw sa itaas dahil kailangan ka doon. Pababalikin ko rin si Carlos." Sabi ni Tita.
Tumayo si Tito Norman at tumango. "Ako na ang tatawag kay Carlos sa labas. Sabay na kaming aakyat doon." Aniya at lumabas ng bahay.
Samin naman bumaling si Tita.
"Guys, kung gusto niyong umuwi na or may pupuntahan pa kayo, you may go now. Matatagalan pa kami sa taas." Aniya.
"Wala naman po kaming pupuntahan. Dito nalang kami, maghihintay." Sagot ni Diego.
"Alright. If you want to eat, magpaluto nalang kayo kay manang or magpadeliver nalang kayo." Sabi ni Tita.
"Tita, kamusta po pala ang baby at si Kuya Ryan?" Tanong ko.
"Maayos naman. Kinakausap nila si Ryan, any minute now darating na iyong kaibigang doctor ng daddy mo. Ngayon at dito kasi gagawin ang DNA test. They want to see the result, as soon as possible." Aniya.
Tumayo si Kuya Dan. "Is that even possible, Tita? Ngayon din agad malalaman ang resulta?" Kunot noong tanong ni Kuya Dan.
Tumango si Tita. "Walang imposible sa magkakapatid. They want to know kung anak nga ba talaga ni Ryan ang bata."
"Hindi ba nakaramdam si Kuya Ryan ng lukso ng dugo?" Singit ni Cole.
"He's kinda off, today. Medyo naguguluhan pa si Ryan sa nangyayari ngayon. Maiwan ko na muna kayo." Aniya at tinalikuran kami para bumalik sa itaas.
Biglang tumawa si Cole. "Kung anak nga ni Kuya Ryan ang batang 'yun. Tapos na ang maliligayang araw niya! Turn off sa mga sexy babes ang may anak na, so akin na sila ngayon." Aniya.
Binato siya ni Peter ng throw pillow sa mukha. "Asshole! Kapag ikaw naman ang may na anakan, humanda ka samin! Maliligo ka ng pang-aasar samin." Sabi ni Peter.
Ngumisi si Cole. "Matalino kaya ako, palagi akong may baon na condom sa bulsa ko e, so wala akong mabubuntis." Aniya at may inilabas na isang pack ng condom galing sakanyang bulsa.
Napangiwi ako.
Humagalpak si Diego. "Putangina, strawberry flavor. Napaka manyak mo talagang hayop ka!"
Kinagabihan ay nalaman din agad ang resulta. Tunay na anak ni Kuya Ryan ang sanggol na iniwan sa tapat ng bahay nila. Iyak pa nga ng iyak si Tita Irish, dahil may apo na daw siya. Si Kuya Ryan naman ay walang imik pero siya na ngayon ang may buhat sa bata. He's a father now.
"Wow! Tatay na tatay ah?" Pang-aasar ni Cole kay Kuya Ryan.
Nag dirty finger naman si Kuya Ryan habang kalong ang cute niyang anak na si Baby Ryle.
"Tangina Cole, manahimik ka nga!" Saway sakanya ni Diego.
"Bakit ba?" Natatawang sabi niya.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko silang mag-ama, he's now a father at alam kong maluwag na tatanggapin niya ang katotohanang iyon. I know for sure na magiging mabuting ama siya sakanyang baby. Sempre, nandito kaming lahat para suportahan siya at tulungan sa pag-aalaga kay baby.
YOU ARE READING
I'm only just your Tinkerbell
ChickLitTinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing the things that "bestfriend" don't usually do. Until they caught. And Wendy, came into the picture. ...
Chapter 15
Start from the beginning
