Nagpunta sila Tito kasama ang kanilang mga asawa sa library, sempre kasama si Kuya Ryan at ang baby. Naiwan dito kasama namin si Tito Norman.
"Tito Norman, sa tingin ko kailangan niyo ng pauuwiin si Mica dito." Biglang sabi ni Cole.
Nagtaas ng kilay si Tito. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tanong niya.
"No! Kung gusto niya sa states, doon nalang siya. Huwag na siyang babalik dito!" Iritadong singit ni Brian sabay walkout.
Binatukan ni Peter si Cole.
"Masyado kang insensitive eh! Alam mo naman may galit si Brian sa kapatid niya?" Sabi ni Peter.
"Malay ko ba?! Akala ko tapos na 'yon matagal na." Saad ni Cole sabay himas sakanyang ulo. "Tangina ang sakit ng batok mo!" Reklamo ni Cole.
"Tito, hindi parin po ba uuwi si Mica dito? Kahit noong bakasyon, hindi siya umuwi eh." Tanong ko.
Umiling si Tito. "Hindi ko alam sa batang 'yon kung ano ang gustong mangyari sa buhay niya. Hinahayaan nalang namin siya." Sagot niya.
"Sarap naman maging daddy si Tito." Pilyong saad ni Cole sabay tawa.
Tito chuckle. "Baka marinig ka ng ama mo, Cole. Pagalitan ka na naman."
Nagtawanan kami maliban kay Clayton na tahimik lang katabi si Kuya Dan.
"Nakukuha niyong magtawanan diyan, samantalang pinagbagsakan ng langit at lupa iyong pinsan niyo!" Sabi ni Tito Carlos na kadarating lang at may hawak ng isang pack na sigarilyo.
"Carlos, labas na 'tong mga bata sa problema ni Ryan, ang kailangan nalang nilang gawin ay ang suportahan ang pinsan nila." Tanggol ni Tito Norman samin.
"Oo nga naman, dad. We are here to support." Singit ni Cole.
"Shut up, Cole! Walang tigil 'yang bunganga mo, ayaw mong gumaya sa kakambal mo!" Galit na sabi sakanya ng kanyang ama.
Nagpipigil naman ng tawa si Peter, samantalang si Diego ay malaki ang ngisi. Pinapagalitan kasi Cole sa harapan namin.
"Oh c'mon! Here we go again." Tamad at tila walang pakialam na sabi ni Cole sa ama.
"Carlos!" Saway ni Tito Norman.
"It's okay, Tito. Sanay na ako diyan kay dad. Nagmana yata ako diyan." Ngisi ni Cole.
"Cole." Nagbabantang tawag ni Kuya Dan sakanya.
Inilahad ni Tito Carlos si Cole at tumingin samin.
"See? Ganyan 'yan kabastos. Hindi na ako ginagalang niyan." Iritadong sabi ni Tito Carlos.
Tumayo na si Clayton at iritadong tinignan ang kanyang ama at si Cole.
"Puwede ba? Hanggang dito dinadala niyo 'yang init ng ulo niyo sa isa't isa." Aniya at nailing sabay naglakad palabas ng bahay.
Nailing lang rin si Tito Carlos at sumunod na palabas kay Clayton, siguro para magyosi.
Bigla naman nagpakawala ng malakas na tawa si Peter at Diego sa nakasimangot na si Cole.
"Dude! Thas was an epik! Ganoon ba talaga kayo mag-away ni Tito?" Tumatawang sabi ni Diego.
"Bakit ko sasabihin? Edi inasar mo ako ng inasar?" Sabi ni Cole.
Ngumisi si Kuya Dan habang nakahalukipkip. "Palagi mo kasing ginagalit si Tito, maging mabait na anak ka naman."
Nagtaas ng kilay si Cole at tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Kuya Dan.
"Mabait kaya akong anak! Paborito lang talaga ni Daddy si Kuya." Depense niya.
ESTÁS LEYENDO
I'm only just your Tinkerbell
Chick-LitTinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing the things that "bestfriend" don't usually do. Until they caught. And Wendy, came into the picture. ...
Chapter 15
Comenzar desde el principio
