Tumango ako. "I'm sorry po, naaawa lang ako sa bata." Sabi ko sabay tingin sa sanggol.
Mom smiled at me. "I understand."
"Iyan! Iyan na nga ba kasi ang sinasabi ko eh! Masyado niyong ginagawang hobby ang pambababae! Gagawa-gawa kayo ng milagro hindi niyo naman kayang panindigan, tignan niyo ngayon 'yan?! Karma mo na 'to ngayon Ryan! Kung sino mang babae ang naikama mo noon, magpapasalamat ako sakanya na iniwanan ka ng sukli! Karma mo 'yan!" Panunuya at tila galit na sabi ni Tito Carlos.
Nakita ko ang pagpikit ni Kuya Ryan at ang pagkuyom ng kamao nito, halatang nagpipigil ng galit kay Tito Carlos.
"Dad." Cole said. Tila sinasaway ang kanyang ama.
"Manahimik ka Cole! Isa ka pa!" Galit na sabi ni Tito Carlos kaya hindi na ulit nakapagsalita si Cole.
"Hindi ba nakita sa cctv kung sino ang nag-iwan ng bata dito?" Mahinahong tanong ni Tito Norman.
Umiling si Tita Irish. "Hindi namin makilala iyong babaeng nag-iwan sa baby, balot na balot siya." Malungkot na sabi ni Tita Irish.
"Ilang babae ba ang naikama mo at hindi mo matukoy kung sinong nanay niyan?" Tanong ni Tito Carlos.
"Carlos!" Suway ng panganay nila na si Tito Luisito.
"Hindi pa sigurado kung anak ko siya, tito." Mariing sagot ni Kuya Ryan.
"It's your child, Ryan." Sabi ni Tita Annalyn.
Napatingin kami sakanya.
"Kamukhang-kamukha mo siya noong sanggol ka palang." Nakangiti niyang sabi habang nilalaro ang kamay ng bata.
Tinignan ko ang ekspresyon ni Kuya Ryan, malayo siya sa bata pero ang titig niya ay nasa bata. Alam kong kahit walang DNA test, tatanggapin niya ang bata. Kitang-kita ko sa mga mata ni Kuya Ryan ang kasiyahan pero pinipigilan niya lang ang sarili dahil sa gulat.
"I will call my friend, ako ng bahala sa DNA test. Papapuntahin ko siya dito mamaya." Sabi ni dad.
"Salamat, Allan. Pero baka busy iyong kaibigan mo, kami nalang ang pupunta ng ospital mamaya." Sabi ni Tito Anton.
Umiling si Dad at tinapik sa balikat si Tito. "He will understand, I will text him."
"Salamat!" Sabi ni Tito.
"Boys, this will serve as your consequences kapag pinagpatuloy niyo parin ang pambababae niyo! Tignan niyo nalang si Ryan, batang ama na ngayon. Kung ayaw niyong maging ama ng maaga, iwasan niyo ang pambababae at lalong iwasan niyo ang pakikipagtalik!" Pangangaral sakanila ni Tito Carlos.
"What's your problem with me, Tito?" Iritadong tanong ni Kuya Ryan ng lumapit na siya kay Tito.
Pumagitna sakanila ang kalmadong si Tito Norman.
"Ryan, tito mo parin siya. At ikaw naman Carlos, ayus-ayusin mo ang pananalita mo." Sita ni Tito Norman.
"Carlos! Parang hindi mo gawain 'yan noon ha, kung makapag salita ka?" Iritadong sabat naman ni Tito Thomas.
"Been there done that!" Tawa ni Tito Ferdinand na siyang nagpapagaan ng atmosphere.
Sakanilang magkakapatid, ang daddy ni Kuya Dan ang panganay, si Tito Luisito. Sumunod ang daddy ni Brian na si Tito Norman. Pangatlo naman si Tito Thomas na daddy ni Diego, sumunod sakanya ang daddy ni Kuya Ryan na si Tito Anton. Ang pangalawa sa bunso naman ay si Tito Ferdinand na daddy ni Peter at ang bunso ay si Tito Carlos na daddy ng kambal.
"Magsitigil kayo! Iba noon at iba ngayon!" Pikon na sabi ni Tito Carlos at lumapit sakanyang asawa.
Napangiti ako. Tulad ni Cole, nabubully rin pala si Tito Carlos ng kanyang mga kapatid.
BINABASA MO ANG
I'm only just your Tinkerbell
ChickLitTinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing the things that "bestfriend" don't usually do. Until they caught. And Wendy, came into the picture. ...
Chapter 15
Magsimula sa umpisa
