028

223 9 0
                                    

Pangatlong klase na ng araw na 'yon nang biglang may inanunsyo ang adviser nila Jihoon na si Mr. Park. "Magkakaro'n ng camping ang school. Pambawi na rin daw para sa mga araw niyong walang pahinga."


Napuno naman ng sigawan at hiyawan ang buong classroom, may iba namang tahimik lang sa isang tabi at may ibang walang pakialam sa nangyayari. "Sir! Saan tayo pupunta?" sigaw ng isang kaklase nila—si Baekhyun. Kahit kailan talaga 'yong bibig ng binatang 'yon. "Sikreto muna sa ngayon. Aalis tayo sa 22, kaya siguraduhin niyo ng libre kayo no'n."


Napuno na naman ng sigawan ang buong room kaya napatakip na lang ng tainga si Jihoon at saka tumungo. Kanina pa siya inaantok, e, kaso hindi siya makatulog dahilan na nga na ang ingay ng mga kaklase niya. "Hoonieee." bulong ni Soonyoung na nasa tabi niya ngayon at saka sinundot nang mahina ang tagiliran nito. "Ano na naman?" iritadong tanong ni Jihoon at saka pumikit ulit. "Tara cutting. Mukhang inaantok ka e, matulog ka muna."


Mukhang hindi naman masamang magcutting kahit minsan. Kahit naman magcutting 'yang si Jihoon e ayos lang, e. Nagbabasa't nag-aaral na rin kasi siya sa bahay kaya alam niya na kung anong ituturo ng mga teachers nila.


Kaso hindi naman gano'ng klaseng estudyante si Jihoon. "Ayoko." sagot niya at saka itinuon ang atensyon sa sinasabi ng guro nila. Pipikit-pikit na siya nang bigla ulit siyang kalabitin ni Soonyoung. "Jihoon kasiiii." pangungulit nito at saka ngumuso pa. Napakunot naman ng noo ang nakababata at saka naparolyo na lang ng mata. "O sige tangina ka."


Napangisi naman si Soonyoung at saka napaayos ng upo. Napakunot naman ng noo si Jihoon sa ikinilos ni Soonyoung. Pakiramdam niya e may pinaplano na namang kalokohan, e. Lumibot naman ang tingin ni Jihoon sa buong classroom at saka hinanap sina Mingyu. Hindi pa rin sila pumapasok, at mukhang kakailanganin nang kausapin ni Soonyoung 'yong dalawa. Mabuti na nga lang at pumapasok pa rin si Junhui, e.


Napatayo naman si Jihoon nang marinig ang tinig ng guro nila—tapos na ang klase. Agad naman siyang lumabas, habang si Soonyoung naman ay nakasunod lang sa kanya. "Tara sa garden." pag-aaya ni Soonyoung kaya napatango na lang si Jihoon.


Uji... nanghihina na 'ko...


Nanigas naman sa kinatatayuan niya si Jihoon at saka nanlaki ang mga maya niya. Napahinto rin si Soonyoung at saka napakunot ng noo. "N-Narinig mo ba 'yon?" utal niyang tanong kay Soonyoung, "Alin?"


"'Yong boses..." wala sa sarili niyang sambit at saka napahawak sa braso ni Soonyoung. "Jihoon? Hoy Jihoon!" sigaw ng nakatatanda at saka hinawakan ang bewang ng nakababata. Napahawak naman si Jihoon sa ulo niya at saka napasandal kay Soonyoung.


Pamilyar 'yong boses...


"Jihoon!" ang huli niyang narinig bago siya mawalan ng malay.


nostalgia | soonhoonWhere stories live. Discover now