017

268 19 2
                                    

"Hi, Soonyoung."







"Uh, hello, tito."








Isang katahimikan ang bumalot sa buong sala kung sa'n nakaupo sila Jihoon, Soonyoung, ang mama nila at ang papa nila. Walang umimik at tanging ang tunog lang ng tv ang maririnig.








"Tumahimik ata? O, ayan, may mga regalo akong dala, tara na't buksan natin-"








Napangisi naman nang maliit si Soonyoung at saka napailing. Hindi mo talaga mapansing hindi ka namin gusto ni Jihoon, 'no?








"Saka na ho, tito."








Napatingin naman sa kanya ang papa nila at saka niya nakita ang inis sa mga mata nito. Simula talaga no'ng bata pa lang ako, ayaw mo na talaga sa'kin, ano?








"Nako, Soonyoung. Ngayon na nga lang ulit kita mabibigyan ng regalo!" nakangiting sambit ng papa nila. Alam ni Soonyoung na peke ito kaya nanatili siyang nakatingin nang seryoso sa ama. Ramdam naman ni Jihoon at ng mama nila ang tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawa kaya agad tumayo si Jihoon at hinawakan ang kamay ni Soonyoung. "Pa, masama pakiramdam niyang si Soonyoung." pagdadahilan ng nakababata at saka mas hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Soonyoung. Napatingin naman si Soonyoung kay Jihoon at saka nagtama ang mga tingin nila. Napangiti na lang siya nang kaunti.








"Hindi naman mukhang masama ang pakiramdam ni Soonyoung, Jihoon. Ayaw mo ba ng mga dala ko?"








"Ayoko." malamig na sambit ng nakatatanda at saka tiningnan nang seryoso ang ama nila. 'Yung dapat nag-aalaga sa mama nila kaso may ibang babaeng inaalagaan.








Tahimik lang naman ang mama nila na nakikinig sa usapan ng panganay niya at ng asawa niya. Hindi niya alam kung kanino siya kakampi, mahal niya ang asawa niya kaso mahal niya rin ang anak niya.








"Ano na naman bang arte 'to, Kwon?" marahas na saad ng lalaking nakatatanda sa binata. Alam ni Soonyoung na kapag tinawag na siya ni Mr. Lee sa apelyido niya, sa apelyido ng ama niya, sigurado siyang nag-iinit na ang ulo nito.








Kaso sino ba siya para katakutan niya?








"Wala akong arteng ginagawa, Mr. Lee. Siguro naman halata niyong wala akong pakialam sa pagdating niyo dito." pagsabog ni Soonyoung. Noong nakaraang araw pa siya nagtitimpi sa ama ng kapatid niya, e. Napangisi naman siya sa nakatatanda at saka napailing.








Bakit ba kasi bumalik ka pa?








May babae ka na, 'di ba?








Wala kang kwentang asawa't ama.








"Wala ka talagang galang na bata ka, manang-mana ka sa ama mo!"








Doon nagpantig ang tainga ni Soonyoung at saka agad na dinambahan ang papa nila. Napahawak naman agad si Jihoon sa dibdib ng nakatatanda para awatin ito. Napatayo naman ang nanay nila at saka pumagitna sa dalawa. "'Wag na 'wag mong idadamay ang ama ko rito. Walang-wala ka sa ama ko, at saka sagutin mo 'ko, sino ka ba sa bahay na 'to noon? Kabit ka lang naman, 'di ba? Kabit ka lang."








Kitang-kita ni Soonyoung kung paano napuno ng galit ang mata ni Mr. Lee at saka agad na itinulak ang mama nila. Hinawakan niya naman ang collar ni Soonyoung habang pilit na inaawat ni Jihoon ang dalawa.








"Soonyoung, pa, tama na!"








"Oo, kabit ako. E ikaw ba, alam mo kung sino ka sa bahay na 'to? Hindi ka naman anak niyan-"








Napatigil naman ang papa nila sa pagsasalita noong agad na tumayo ang mama nila at saka sinampal nang malakas si Mr. Lee. "Lumayas ka. Wala na akong pakialam. Mas mahalaga ang anak ko sa'yo."








Hindi na namalayan ni Soonyoung ang mga sumunod na nangyari. Siya? Hindi anak? Hindi anak nino? Paulit-ulit ang mga katagang 'yan sa isipan niya. Napatingin na lamang siya sa ulo ni Jihoon na nakasandal sa balikat niya. Hinawakan niya naman ang bewang nito at saka itinaas ang mukha nito.








Umiiyak si Jihoon.








"S-Soons."








Napalibot naman siya ng tingin sa paligid niya at saka do'n napagtanto na nasa playground pala silang dalawa. Kung sa'n sila madalas maglaro ni Jihoon dati. "Hmm?"








"Ang walang kwenta ng ama natin."








"Alam ko."








"Ang walang kwenta niya."








Mas walang kwenta akong kapatid.








"Sana hindi ko na lang siya naging ama."








Sana rin hindi mo na lang ako naging kapatid.








"Kaso mahal ko si papa, e."








At alam mong mas nakakatawa? Gusto na ata kita, e.








"Hays, Soons."








Mali, mahal na pala kita, Jihoon.









- - - -

fast forward tayo ✊🆗🆒

nostalgia | soonhoonWhere stories live. Discover now