001

748 26 52
                                    

"Kwon Soonyoung!" nanggigigil na sigaw ni Jihoon sa kapatid niyang tumatawa ngayon.



Dinilaan lang siya nito at nagpatuloy sa pag-tawa. Paano ba naman kasi, biniro na naman niya si Jihoon at dahil isang dakilang pikon si Jihoon, mas napagtrip-an siya ni Soonyoung.



"Gwapoooooo!" sigaw ni Soonyoung pabalik habang tumatawa. Pinapatay naman ni Jihoon si Soonyoung ngayon sa isip niya, kung nakamamatay lang ang tingin e baka kanina pa knock-out si Soonyoung dyan. Namumula na rin ang mukha ni Jihoon sa inis si kaya naman tumayo na siya at inabot si Soonyoung. Nagulat naman ang nakatatanda at muntik pang mapasubsob sa kapatid niya.



"Akala mo ba, nakakatawa 'yung ginawa mo?" mahinang bulong ni Jihoon sa tainga ni Soonyoung. Napalunok naman si Soonyoung at dahan-dahang tumingin kay Jihoon. Patay na, sambit niya sa sarili.




E sa kung hindi mo sana inasar ano.



"B-binibiro lang naman kita, Jihoonie. Sorry na hehe."



"Kwon Soonyoung, umayos ka."



Napatingin naman si Soonyoung sa mukha ni Jihoon na sobrang lapit na pala sa kanya. Lumunok ulit siya at agad umiwas ng tingin. Alam niyo 'yung pakiramdam na parang may kung ano sa tiyan mo tapos bigla-biglang bibilis tibok ng puso mo? Ganon.



"A-Ah, Jihoonie?"



Napatingin naman si Jihoon sa mukha ni Soonyoung na sobrang lapit na pala sa kanya. Dumako ang mga mata niya sa mapula-pulang labi nito, at agad niyang iniiwas don ang tingin. Napahinga siya nang malalim, akmang lalayo na siya sa nakatatanda ng biglang hilahin ni Soonyoung ang batok niya at agad siyang binigyan ng isang matamis na halik.



"Hmp-"



Agad itinulak ni Jihoon ang nakatatanda pero hindi ito natinag. Hindi man lang 'to tumigil. Napahawak naman si Soonyoung sa pisngi ng half-brother niya at saka kinagat nang kaunti ang labi nito. Pilit itinutulak ng nakababata ang nakatatanda pero hindi nagtagal ay humalik din siya pabalik.



Naghahalikang magkapatid.



May kung ano sa loob-looban nila na nagsasabi na tama ang ginagawa nila, na tama ang maghalikan kahit na magkapatid sila.



Napahawak si Jihoon sa pisngi ni Soonyoung at agarang kinagat ang pang-ibabang labi nito. Ibinuka naman ng nakatatanda ang labi nito at agad na ipinasok ni Jihoon ang dila niya.



Umungol naman si Soonyoung at doon agad na napabalikwas si Jihoon, at agad na napahiwalay kay Soonyoung. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa nakatatanda. "Putangina."



Halata ang gulat sa mata ni Soonyoung at napaawang ang bibig.



"J-Jihoon. . ."



"Putangina, Kwon. Putangina."



Akmang hahawakan na ni Soonyoung si Jihoon pero agad itong umiwas. Pinahid niya ang mga labi niya at agad sinamaan ng tingin si Soonyoung.



"Wag kang lalapit sa'kin, tangina mo."



Ni hindi napansin ni Jihoon ang bilis ng tibok ng puso niya. Naguguluhan siya, hindi niya matanggap na nakipaghalikan siya, at kung tutuusin, first time niyang makaranas ng ganoong halik. At sa kapatid pa niya. Kay Kwon Soonyoung pa.



Sa kabilang banda e gulat din si Soonyoung. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya para halikan si Jihoon. Tila may nagtulak sa kanyang gawin 'yon, hindi nga lang niya alam.



"S-Sorry. . ."



Agad na niyakap ni Soonyoung si Jihoon ngunit agad itong humiwalay. Napailing ito at tumingin sa kanya, kita ang mga luhang namumuo sa mata niya. "Soonyoung, kapatid kita!" sigaw nito at saka tumalikod at lumayo sa nakatatanda.



Tinungo naman ni Jihoon ang kwarto niya at agad na nagbihis. Ayaw muna niyang makasama ang kapatid niya. Ayaw niya muna dito. Pakiramdam niya e hindi siya makakahinga. Hindi siya makapaniwala na hinalikan niya ang kuya niya.



Nanginginig naman niyang kinuha ang phone niya at agad na tinawagan ang taong 'yun. 'Yung taong pinakapinagkakatiwalaan niya.



"Hello, Seungcheol?"


- - - -

nostalgia | soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon