"P-please Seth, ako na lang ulit... Ako na lang..." I beg.

Hinimas niya ang likod ko, hindi ko na kayang pigilan pa, tumulo na ang luha sa aking mga mata.

"Kasal na ako Jash, alam mong ayokong nasasaktan ka. Please palayain mo na ang—"

Humiwalay ako sa yakap at hinaplos ang pisnge niya at tinitigan siya sa mga mata.

"No! Seth makinig ka... Ayos lang naman sa akin na dalawa kami 'Diba mahal mo naman ako?"

"Jash mahal kita, pero kasi—"

"Sa ngayon panghahawakan ko 'yang sinabi mo. Mahal na mahal din kita Seth."

Iniwan ko na siya, Hindi ko na inantay pa ang mga sasabihin niya. Ayoko, hindi ako papayag na mawala pa si Seth. Buong buhay ko siya lang ang inibig ko... Siya lang.  Hindi kakayanin ng puso ko kung ano man ang susunod niyang sasabihin, hindi pa ako handa.

"Colleen, nakabalik ka na pala?"

Napahinto ako nang makita ang babae sa harap ko.

"Oo andito na siya, we talked."

Kahit hindi ako lumingon, alam kong si Seth 'yon. Ang lalaking laman ng puso ko, ang lalaking dahilan kung bakit parang lalabas na ang puso ko sa dibdib. Lumapit siya kay Hannah at hinagkan ang pisnge nito, umiwas ako ng tingin.

"It's good to see you Colleen, bigla ka na lang naglaho... Kamusta ka na?"

Gusto ko mapairap sa hangin, ikaw kamusta na? Hindi halatang naka abot ka na sa rurok ng pangarap mo puny*ta ka.

"Im fine, very fine. Kinausap ko lang si Seth, I mean Levi Seth. Kayo na pala  noh? Sa wakas natupad na rin 'yong pangarap mo."

Matamis ko siyang nginitian at nilagpasan sila pero hinawakan ni Hannah ang kamay ko. Para akong nakuryente sa paghawak niya, gusto ko kong putulin ang kamay niyang nakadampi sa balat niya.

Hindi ko siya nilingon.

"Ngayong andito ka na, some other times let's go out. Miss ko na kasi bonding natin. What do you think?"

Walang pinag bago. Tsk.

"Busy pa siya darling, baka hindi rin niya gusto."

Napasinghap ako. No, hinarap ko si Hannah at deretsa sa mata ko siyang tinignan at matamis na ngumiti.

"Sure bes, basta ikaw o kaya gusto mo bukas na agad eh."

"Talaga?"

Kita ang saya sa mukha niya, Tsk.

"But I need to rest, maybe some other times mag ko-cross pa rin naman ang landas natin."

Akmang yayakapin niya ako ay nilaglag ko ang dala kong pouch kaya napalayo siya sa akin at pinulot ko iyon.

Tinitigan ko silang dalawa.

"See you soon..."

At lumakad na ako paalis.

Parang sinasaksak ng ilang libo ang puso ko. Seing them so close together... Calling her darling by my love... Pathetic.

I wipe my tears and smile.

Akin ka lang Seth...

I maybe desperate but that's love, walang mangyayari kung wala kang gagawin.


Crap it's raining. I smile,

"I am willing to do everything Levi... After all it's my fault that I leaved you once but I promise you I won't do that again. I'm here so please come back to me."

The Secret Mistress Where stories live. Discover now