“Nang isilang ang anak ni Lucille at Anulfo, ako ang unang nakatitig sa mga mata niya…ang pares ng kulay chocolateng mata galing mismo sa kanyang ina.”

Nakaramdam ako ng hindi komportbale sa mga titig niya sa akin. Parang may ibig siyang iparating sa tingin niya. Parang may gusto siyang halukayin sa kaluluwa ko.

“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!”

Naramdaman ko na lang na tumalsik ako at tumama ng malakas ang likod ko sa kahoy na dingding.

“IRA!” sabay na sabi ni Rom at Lucas

“Arrggg!!! Ack!”

“Uubusin ko ang dugo mo sa katawan hanggang sa mamatay ka!” sigaw niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang matulis na pangil niya at ang mapulang mata. Galit na galit siya sa akin.

Sinubukang lumapit ni Lucas pero mabilis kumilos si Mariel at nadala niya ako sa bubong ng bahay. Napansin ko na lang na dumudugo na ang kanang bahagi ng braso ko, ako ang pinambasag niya sa salamin na dingding.

Hawak hawak niya ako sa leeg. I struggle on two things: On her hand strangling me at sa pagmamanage kung paano ako hindi mahuhulog.

Pinagsasampal niya ako, halos pumutok na ang labi ko sa sampal na nakukuha ko sa kanya.

“Ano ba mariel! Tumigil aka!” sigaw ko

Pero imbis na sumagot,lumapit siya sa akin. Alam ko na ang gagawin niya kaya nagpumkiglas ako. Ang tanga tanga ko para hindi maisip na bampira na siya…hindi ko na siya kayang labanan pa.

“ACK!”

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon