Natigilan ako.

Parang ngayon lang nag-sink in sa akin yung sinabi niya. Agad akong lumayo at umayos ng upo sa sofa. I forgot I’m with vampires. I almost forgot this night is not normal anymore, i should expect the unex[pected. Kinilabutan ako dahil ang katabi ko ay mukhang seven year old pero mas matanda pa siya sa lolo ko o baka kahit sa ninuno ko, i think. 

Lumapit sa akin si Lucas handin me a glass of water.

“Isa si Madonna sa mga sinaunang mga bampira. Siya ang pumapangalawa sa pwesto at hindi ka niya sasaktan.” He explained

“pe-pero…lahat ba ng sinaunang bampira mga bata?” tanong ko

Tumawa naman si Madonna at Lucas samantalang si Rom ay nakita kong nakatitig lamang sa akin na parang binabasa ang mga mata ko.

Lucas composed his self ng mapansin niyang kumunot ang noo ko.

“Si Madonna, seven years old siya ng mamatay.” Sabi ni Rom sabay tayo sa upuan para lumapit kay Mariel na ngayon ay nagkakamalay na. Tinalian niya ang kamay nito

Namatay si Madonna? Pero bakit nandito siya?

“Payapa pa ang mundo noon. Lahat tao at pantay pantay. Walang nagkakasakitan at walang gulo hanggang sa dumating ang isang grupo at pinatay ang lahat.----“ Napapikit si Madonna para pigilan ang nagbabadyang luha. “Madugo, punong puno ng walang buhay na tao ang paligid. Nandidiri ako habang pinapanuod ang isang lalaki na inuubos ang dugo ng babae. Nag iisa lang siya, walang kahit sino ang nasa paligid tanging siya lang. Siya ang umubos sa lahi ng mga tao noon. Pinatay niya ang lahat……maliban sa akin”


Napansin kong napaupo si Rom at Lucas at taimtim na nakikinig. Ngayon lang ba nila nalaman? Ngayon lang ba naikento ni Madonna?


“Paano?” tanong ko. Paano siya nakaligtas?

“May dumating, dalawang lalaki sakay ng kabayo. Naglaban sila, pero sa huli, nakatakas din yung lalaki. Batang bata pa ako noon ang naaalala ko na lang, pinainom ako ng dugo. Hanggang sa makatulog ako. Pag-gising ko, nakangiti sila sa akin. Yun na ang naging simula. Napagtanto ko na lang ang nangyari nang isang daan taon na ang nakalipas pero bata pa rin ako. Doon ko nakilala ng lubos ang nagligtas sa buhay ko…Si Anulfo at ang pinuno ng lipon na ito, ang unang nabinyagan bilang isang bampira, si Ovin. Bata lang din siya kung titignan, nasa katawan siya ng isang disi-sais na lalaki. Hindi ko alam kung paano siya naging bampira pero hindi ko na rin inusisa dahil seryosong tao si Ovin. Nagdaan ang panahon at nakilala ko si Gregory, siya pala ang umubos sa lahi ng tao. Sa kanya na din nagmula ang mga nightwalkers. Naging bampira lahat ng sinasakop niya. Iyon ang naging purpose namin tatlo, ang ubusin ang mga nightwalkers pero hindi na namin kaya, kaunti kami masyado, kaya humanap kami ng iba pang salinlahi. Naglakbay kami ng mahabang panahon at natagpuan namin ang ikatlong salinlahi….si Pola. Habang tumatagal, lumalaim ang samahan namin hanggang sa mapansin ko na lang na parang may mali, hindi pala kami umuubos ng mga bampira, si Gregory pala talaga ang puntirya namin at doon ko nalaman na may itinatago si Anulfo at Ovin….si Lucille at ang batang dinadala nito.” Tumigil siya at tumingin sa akin…sa mga mata ko.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now