Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

PROLOGUE

50 2 0
                                        

This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictiously


Any resemblabce to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

This story contains mature scenes that are not suitable for young readers. Read at yout own risk.

________________________

Prologue

I can clearly remember everything. 

Kung paano sila kinawawa, kung paano sila pinatay.

"Blythe, sabihin mo saamin. Sino sakanila?" Mahinahon na tanong nila saakin.

Inangat ko ang paningin ko sakanila saka ko kinagat ang labi ko.

"Blythe, anak, be brave."

It has been weeks since they're gone, at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko.

My life turned into a complete mess.

Naguguluhan na ako sa sarili ko.

Should I tell them?

"Blythe, kailangan mong sabihin saamin kung sino sakanila ang pumatay." Sabi saakin ng isang pulis na babae habang nakakrus ang dalawa niyang kamay.

"Ayaw mo bang makakuha ng hustisya para sa mga magulang mo?"

Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga sketches ng ibang nakasaksi.

Pero imbes na sumagot ako, yumuko lang ako saka ko pinaglaruan ang nga daliri ko.
Narinig ko naman na bumuntong-hininga yung isang pulis na kasama niya.

"Officer Baltazar, bakit hindi na muna natin hayaan ang bata?" Suhestiyon ng isang lalaking pulis.

"Sir, hangga't hindi sinasabi ng bata kung sino ay pumatay, maaaring may mabiktima pa silang iba." Sagot naman ng babae.

Nag-usap pa sila ng ilang minuto, pero wala na akong pake kung ano man ang pinag-uusapan nila.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Pagka-angat ko ng tingin sa loob ng madilim na kwarto, tanging ako nalang ang natitira.

Nanatiling nakasindi ang kaisa-isang ilaw sa kisame na mukhang konti nalang ay hindi na gagana.

"Don't worry about us. Okay lang kami. Dali, Blythe! Umalis ka na!"

Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko saka ko hinayaang tumulo ang aking mga luha.

Ang sakit.

Ang hirap panooring mamatay ng unti-unti sila mama at papa.

Yung unti-unti silang pinapahiran at sinasaktan ng mga taong hindi ko naman kilala.

Mga baboy.

Nakakadiri sila.

"Blythe, anak, tumakbo ka na!"

Bakit ko ba kasi sinunod yung gusto nila? Bakit ko sila iniwan?

Kinagat ko ang labi ko. Pinipigilan na tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko habang binabalikan ko ang kababuyan na ginawa ng mga hayop na yon sa mga magulang ko.

Ano bang nagawang mali ng mga magulang ko sakanila?

Buong buhay ko, tanging kabaitan ang nasaksihan kong ugali ng mga magulang ko. Wala akong nakitang tao na sinungitan nila. Ni tinaasan nga boses ay wala akong maalala.

Pati nga yung asong kalye na pakalat-kalat sa tapat ng bahay namin, hindi nila tinaboy.

Kaya bakit nila yun nagawa?

Ganun na ba talaga ka-walang hiya yung mga tao na yun?

Pinunasan ko ang mga luha ko saka na ako tumayo mula sa pagkakaupo ko.

Lumabas na ako ng kwarto na iyon saka ko sinundan ang mahinang mga putok ng baril.

Napunta ako sa tapat ng isang pinto, na pinaniniwalaan ko ay kung saan nag-eensayo ang ibang mga pulis upang bumaril.

Binuksan ko yon, at walang kaduda-duda na siya agad ang nakita ko.

"Baltazar," Walang galang kong tawag sakanya.

Napatigil naman siya sa pag-aayos ng gwantes niya. "Sasabihin mo na ba?"

Kinuyom ko ang kamao ko saka ko siya tinignan ng matalim. "Hindi."

Pinagmasdan ko ang baril na nakalatag sa lamesa bago ko ibinalik ang tingin ko sakanya.

"Gusto ko, ako mismo ang papatay sakanila."

_____________________________

012219

Red BulletStories to obsess over. Discover now