Chapter 28 (Betrayal of trust)

Começar do início
                                    

         "Sa pagsapit ng iyong kaarawan, pormal ka nang ipakikilala sa buong Hermanos, na tagapagmana ng ating pamilya. Ngunit kailangan mong magsana'y ng mga tamang kilos at galaw upang makasabay ka sa mga alta-sosyal. Nasabihan ko na si Mr. Pern, matagal na siyang image consultant ng ating pamilya."

          Biglang pumasok tuloy sa kanyang isipan si Mr. Pern. Ang istrikto nitong kilos at matalas na pamumuna sa damit. Kumunot tuloy ang kanyang nuo. Mukhang kailangan daw niyang sumabay sa ikinikilos ng mga katulad nila.

         "Kailangan pa po ba?"

        "Hija, kailangan mong matutong makibagay sa kanila, sa bawat hakbang at kilos ay bitbit natin ang pangalan ng ating pamilya. Nararapat lang na matutunan mo rin ang tamang pagkilos, galaw at etiquettes."

         Kung iisipin niya parang napakabilis ng mga pangyayari, ilang buwan pa lang ang nakakaraan kung saan ordinaryo lang ang kanyang buhay ngunit heto't ngayon ay nabibilang na raw siya sa mga taong dati-rati'y tinitingala lang niya. Kaya niya bang panindigan ang mga responsibilidad na i-aatang nito sa kanya? Ang kilalanin na nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya.

          Pumasok naman ng silid si Madam Saima, hindi masadlakan ang saya nito ng makita muli ang heredera.

         "Kamusta po kayo, Lady Kassandra?"

         "Mabuti naman po, Madam."

         "Saima, handa na ba ang kanyang silid?" Sumingit naman si Chairman.

         "Nakahanda na po, Don Arseo. Dumating na po ang ilang sa mga gamit na in-order natin mula sa Italia at ipinaayos na po ni Mr. Pern."

           "Ahh... Maaari ka na palang lumipat dito, hija. Mas mapapanatag ang aking loob kung nandirito ka na sa aking poder."

          "P-pero may kasama po ako. S-si Rosie po! Ayoko naman po s'yang iwan."

          "Ahh, siya ba ang matalik mong kaibigan?"

           Pumasok naman ang isang unipormadong serbedora bitbit nito ang isang silver tray ng mga tasa ng t'sa.

          "Ilapag mo rito sa tapat nila." Asiste naman ni madam.

         "Ang t'sa n'yo po Chairman at lady Kassandra." Magalang nitong pagbati.

         Nanlaki ang mata niya.

        "R-ROSIE! B-bakit ka nandito?" Napapangiting pagtataka naman niya nang makita ang kaibigan na nakadamit serbedora.

         "I hired her to be your personal assistant at sa tingin ko nama'y magkakasundo kayo." Wika naman sa kanya ni Chairman.

         "R-Rosie, bakit ka pumayag? Hindi ba—"

         Bahagyang yumuko naman ito at bumulong sa kanya. "Huwag ka nang kumontra d'yan, triple na nga ang susuwelduhin ko rito. Sister! Pera-pera lang yan!" Ngumise ito sa kanya at magalang na nag-bow sa tapat ng mga amo.

          "Enjoy your, MEAL!" Ngiting hirit naman nito ulit.

           Dismayadong umiling-iling si Madam Saima, mukhang mahihirapan ito sa pagtuturo sa bagong tauhan.

          "Maiwan po muna namin kayo chairman. Halika na— Rosalia." Paalam naman ni Madam Saima.

          "Bye! Kita tayo mamaya!" Tuwang kumaway pa ito kay Kassandra na ngiting ginantihan din naman ng paalam.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora