Part 3

3K 48 24
                                    

Part  3

“Hi Ms. Chubby, long time no see a?” Yung kahawig ni Mario Maurer!

Shemay! Bakit nandito siya?! Sinusundan ba niya ako?! E binayaran ko naman yung sa ospital so bakit kailangan pa ako sundan. Asar naman o! Feeling ko tuloy sobrang ganda ko kasi hinahabol habol na ako.

“Jessica ayos ka lang?” Tanong sa akin ni Night.

“O-oo, sige una na ako. Bye!” Lumayo na ako, baka kung ano pa yung lumabas sa bibig nung kamukha ni Mario Maurer e.

First day pa lang pero feeling ko, feeling lang naman, na hindi ko maeenjoy itong school year. Kasi naman e, why me kita pa him. What? Nagiging conyo na tuloy ako. Pero siguro magiging masaya rin kasi nandyan si Night. Lumalabas na tuloy ang slight na pagiging malandi ko. Pero hayaan na, aba sobrang libre kayang mangarap. Kumontra, dadaganan ko.

Pagpasok ko pa lang sa room, may nabavibes ako. Aba, mapagkakatiwalaan ata ang instinct ko! Syempre, maganda ako e. Pero panay bulungan yung classmates ko. Anong meron?

“Alam mo ba?”             

“Hindi, ano ba yun?”

“Yung captain ng basketball team sa university na kakumpetensya natin e lumipat dito!”

“Weh?! Si Hands Some? Yung gwapong lalaking yun?”

“Siya nga! At balita pa e magiging classmate natin kaso irreg nga lang.”

“Aw, sayang pero ayos na rin. Busog naman lagi mata natin.” Kinikilig pa si ate.

Grabe itong mga kaklase ko, ang lalandi. Nakarinig lang ng gwapo e mga kinikilig na! Wait, natamaan ako. Pero sino kaya itong Hands Some na ito? Kakaintriga! Pangalan pa lang gwapo na, yung mukha kaya? Pero nandyan na yung instructor namin sa first class! At bata siya a, tapos panay ipit pa ng buhok niya sa tenga. Alam mo yon? Yung parang nanlalandi or pa-cute.

“Ahmm, class. I’ll be your adviser this semester and I’ll be teaching PGC. By the way, you’ll have a new classmate. Mr. Some, please introduce yourself.” Wow ha, kailangan talaga nang ganoon? Iyong ibang irreg nga umuupo na lang basta at wala ng ganitong bagay. Pero isipin niyo na lang na may landing tunog habang sinasabi niya yan. Grabe, pero sabagay bata pa naman, halos nagkakalapit ata edad namin. Pero, bakit pa lumipat kung sino mang lalaki yon! Dalawang taon na lang e hindi pa nagtiis tapusin.

“Hi! I’m Hands Some and I’m a transferee.” O my! Bagay na bagay yung name niya sa kanya! Grabe! Parang kaharap ko lang si Lee Min Ho! Tama ba? Basta yung sa B.O.F.! Pero akala niyo yung kamukha ni Mario no?! Pwes, papanalangin ko na hindi na magtagpo landas namin.

After niyang magpakilala e umupo na siya at sa tabi ko pa! O my ulit! Kinikilig ako. Baka siya na ang magpupuna ng kalungkutan sa aking puso! Kaag nagkataon kakainggitan ako ng lahat. Aba, gwapo ba naman ng future boyfriend ko! Pinagpapalit ko na si Night! Kay Hands na lang ako. Tae, kinikilig talaga ako!

“Hi! Hands nga pala, ikaw?” Siya pa talaga nag-initiate nang usapan o! I’m so lucky naman.

“Jessica, Jess na lang para cool.”

“Pwedeng makipagkaibigan? Ikaw lang kasi nafefeel ko dito.” Syempre! Maganda ako sabi ng nanay ko! K, walang connect. Pero may feel ek ek pa siyang nalalaman ha.

“Osure! Friends na tayo!”

“Really? Salamat.” Sabi niya and I smell something fishy. I know kayo rin. Tama ba ang naiisip ko? Pero huwag sana, dumadami na sila e. Ako ang nang hihinayang.

ChubbyWhere stories live. Discover now