Part 10

1.1K 24 8
                                    

Part 10

“Wow, ang ganda naman talaga dito kapag gabi na. Wait, bakit parang ang lakas naman nang hatak mo dito?”

“Hindi pa ba halata?” Tumawa na naman siya. “Ikaw talaga, anak ako ng owner nito, so few years from now akin na ito.” Wow, rich kid pala talaga to, pwede ng asawahin. Hindi, loyal ako kay Night ko.

“Grabe, you na. Kainggit ka naman.”

“Hindi rin, actually nakakapagod din. Nawawalan ako ng social life kasi dapat kong tutukan na ito.” Kawawa naman siya, pero akong bahala diyan.

“Don’t cha worry, bibigyan kita ng social life hanggang sa umalis ako.” Sabi ko then nag-wink ako. Inubo siya, why?

“Really?! Baka naman maistorbo kita sa pakay mo dito.” Bigla siyang nalungkot, sabi na nga ba e, nabihag na siya ng charm ko. Oh well, ako pa.

“Actually, wala akong plano sa pag-punta ko dito. Basta ang gusto ko lang ay makalayo. Madrama ako? Pero mukha ka namang enjoy makasama e. So simulan na natin?” Then killer smile. Oh well, mawawala ba naman ba yon.

“Sure! Pero anong gagawin natin ngayon?”

“Actually wala akong maisip. Siguro let’s try to know each other baka may same interest tayo so ayun.” Wala talaga akong maisip ngayon, sabaw ako. Siguro someone is thinking of me kaya ganito.

Nag-usap lang kami sa may dalampasigan, wow lalim! Nalaman ko na Dylan Villafuerte ang name niya, kaka-graduate niya lang daw and he took BAA sa may UP Diliman! Grabe, two degrees yun tapos ang hirap pa makapasok doon kasi nga quota degree yon wait tama ba yung term ko? Basta konti lang yung nakakapasok doon. At kaka-22 lang daw niya! Batang-bata, pwede na ito. Marami pa akong nalaman sa kanya so hindi ko na ime-mention kasi nga sobrang dami. Inabot na nga kami ng 12 midnight so nag-paalam na kami sa isa’t isa.

“Wait, Jess.” He can’t get enough of me. Ayaw pa ata akong paalisin.

“Yes? You still want me to accompany you?” Nanlaki naman yung mata niya. Oh well, naunahan ng crush niya e.

“Hindi, hihingin ko lang sana yung number mo so I’ll just call you tomorrow.” Woshoo, ganoon din yun. Ito talaga palusot pa. Binigay ko na rin sa kanya at pinalayas na niya ako. Siguro kasi kapag hindi pa ako umalis e hindi na niya mapigilan yung sarili niyang iuwi ako.

Pagkadating ko sa kwarto ko e hindi muna ako natulog, grabe kaya ang pagod ko at saka ang sakit ng pwet ko. Tagal ba naman namin na nakaupo. Dahil abot ng WiFi ang kwarto ko e nag-bukas muna ako ng FB ko. At nagimbal ako! 50 messages ba naman! Tapos ang dami rin na friend request at eto pa umabot ng 100 ang notifications ko! First time ito!

At dahil curious ako kung bakit ang dami edi tinignan ko yung mga messages, una kong nakita yung kay Night ko. At tae, nakalimutan ko na manliligaw ko na nga pala siya. Ano bang utak ang meron ako.

Night Samonte: Jess! Where are you?!

Night Samonte: I’m worried na, dumaan ako sa bahay niyo at nalaman kong umalis ka, nasaan ka ba?

Night Samonte: Bakit mo naman iniwan cellphone mo??

Night Samonte: Jess, hindi na nakakatuwa. Sana man lang e sinama mo ako.

Night Samonte: Jess, if ever na mabasa mo tong messages ko, I hope na replyan mo agad ako.

Jessica Martinez: Night, don’t worry kasi babalik naman ako. Hahaha Sorry if I didn’t tell you about this pero babalik talaga ako promise. I’m just having my vacation lang. :D

Iba talaga ako. Tignan mo naman, ang lakas ng tama sa akin. Oh well, that’s life.

Bianca Santos: Cous! Where the hell are you?! Bakit hindi mo man lang ako sinama?!

Bianca Santos: Wait, madami bang papables diyan sa pinuntahan mo? Kaasar ka talaga.

Jessica Martinez: Oh well, may new found friend ako na sobrang gwapo! Mainggit ka. Hahaha See you when I see you! <3

Ibang klase talaga kaming mag-pinsan. Hahaha Ang hilig naming sa gwapo. Oh well. Tinignan ko na lang yung ibang messages yung iba nirereplyan ko while the others nakakatamad kaya hindi na. Parents ko naman e hindi ko friend so wala silang message sa akin. Pero isa lang nakakuha ng attention ko.

Johann Marquez: Tindi mo, pumunta ka sa Cebu para lang may makamiss sayo. Ahahaha Peace, pero paano kaya kung sabihin ko sa kanila kung nasaan ka? >:)

Walang hiya talaga itong mokong na ito. At friend ko pala siya! Akalain mo yun. Buti na lang talaga hindi niya na ako inaalila, nakalimutan na niya siguro ay, tinigil niya nga pala. Oh well, ako naman ang nag bebenefit kaya ayos lang. Hindi ko siya nireplyan kasi epal siya.

Nagising ako sa katok sa kwarto ko. Grabe naman, makakalabog. Nag-ayos muna ako bago ko buksan pero nagulat ako kung sino yung kumakatok.

“Jess! Pinag-alala mo ako nang sobra!” Si Night, tapos biglang niya akong hinug. Dahil dakila akong flirt. Yinakap ko rin.

“Pa-paano niyo ko nahanap?” Kasi wala naman akong pinagsabihan kung nasaan ako. Hindi kaya si Bwiset?! Pero hindi naman niya alam kung saan ako tumutuloy pero baka sinundan niya ako tapos sinumbong niya ako?!

“May nag-text kasi sayo kagabi, Dylan ata yun. Tapos iyon, tinanong namin kung nasaan ka.” Tae, ang tanga ko! Iniwan ko nga pala yung phone ko!

“Pero ang mahalaga ay safe ka. Don’t worry, sinabi ko na kila tita na ako na bahala sayo at hindi daw sila galit.” Nakahinga ako nang maluwag kahit ang higpit ng yakap niya.

“Pero anong ginagawa mo dito?”

“Bukod sa namimiss kita, I want to be with you kahit saan pa yan.” Sabi niya then nag-smile. Oh well, kill me now. Kilig much e.

ChubbyWhere stories live. Discover now