Part 9
What the hell! Bakit ang hinayupak na ito ay nandito rin sa Cebu! I thought makakahanap ako ng peace of mind!
“What the hell are you doing here?!” Grabe, kasing hot ko yung ulo ko right now.
“Bakit? Iyo ba itong lugar na ito? Pasalamat ka nga e, hindi ko na tinuloy yung pagpapa-hirap ko sayo.” Yeah, naaalala niyo pa ba yung punishment ko dahil nabato ko siya ng bato? Tinigil niya na, ayaw na daw niya kasi akong makita. If I know, naiilang lang siya sa akin kasi crush niya na ako.
“May sinabi ako?! Pero ano nga ang ginagawa mo dito?” Ayan na, mahinahon na yung pagkaka-tanong ko, kapag ito hindi sumagot ng matino kukutusan ko to. Promise.
“I’m here for a business that doesn’t concern you, so ciao!” Lintik! Umalis na kasama yung taxi na ako dapat yung sasakay, walang hiyang lalaki yun, maaksidente sana!
Pumara na lang ako ng panibagong taxi kesa naman tumunganga ako dito. Next time na lang muna ako hahanap ng papa, I’m so tired right now.
“Ma’am, saan ho tayo?”
“Sa pinakamalapit na hotel po.” Edi iyon, umandar na siya. Grabe sobrang pagod ko ngayon, napipikit na nga ako. I need something para magka-energy ako.
“Ma’am, nandito na po tayo.” Tinignan ko naman yung pangalan nung lugar, pagka-kita ko…
“What the hell Manong! Sabi ko hotel hindi motel!” I know na parehas lang naman ang service pero the hell! Paano na lang kapag pumasok ako diyan, bakit madaming sumama sa akin sa kwarto, aba SOGO Hotel ba naman yan, alam na.
“Sorry ho ma’am, may hotel naman po kasi sa pangalan. Sige po doon na lang tayo sa may Villa Villafuerte.” Hindi ko na lang pinansin kasi nga I’m so tired. Pero hindi dapat ako matulog! Baka kung saan ako dalin nitong manong na ito! Baka gawin pa akong high class prostitute! Kasi itsura ko pa lang mukha nang kikita siya ng malaki! Pero think positive! Hindi yun mangyayari!
“Ma’am nandito na po tayo. Ayan ha, dinala ko na kayo sa matinong lugar ha? Subukan mo umangal,ihuhulog kita sa may pusali.”
“Grabe ha? Eto na po yung bayad, pakitulungan na lang po akong ibaba yung gamit ko.”
“Wow ha, miss driver ako hindi katulong mo.” Tae. Lumabas na lang ako then sinara ng malakas yung pinto. Buti na lang tinulungan ako nung crew para ibaba yung gamit ko. Dumiretso na ako doon sa may reception area, nakalimutan ko yung tawag sa sobrang hotness ko e nalulusaw na utak ko. Okay walang connect.
“Good morning ma’am.”
“Good morning, one suite please. For six days and five nights.” Ang tagal ko no? Dito na lang ako mag-stay kaysa naman palipat-lipat ako ng lugar kaka-stress iyon.
“Room 123 Ma’am. Here’s the key, someone will usher you. For the payment, it will be before you leave.” Grabe, dinugo ilong ko doon. Buti na lang dumating na yung tutulong sa akin.
“Here’s your room, Ma’am.” Grabe, pati ba naman siya e spokening in dollars. Grabe ha. Mukhang pang-rich talaga yung lugar na ito. Binigyan ko na lang siya ng tip para umalis na, grabe makatingin e. After kong i-lock yung door e humiga na ako, mamaya na yung gamit ko. Tamad e.
Pag-tingin ko sa may orasan e 5:00 p.m. na! Grabe! Ganoon ako katagal natulog?! Hindi pa ako nakakain ng lunch, di bale, diet nga pala ako. Inayos ko na yung gamit ko then nag-shower ako. Grabe, ang sarap sa pakiramdam kaso nabawasan ang hotness ko. Pero di bale, mag-rerecharge na lang ako later.
Grabe, ang daming restaurants dito sa may seashore. Tapos mga nagbo-bonfire pa karamihan sa mga tourists dito. Oh well, I must say na this place is really cool. Next time isasama ko sina Night ko at Bia. Pumunta na ako sa restaurant na hindi ko maintindihan yung name, French cuisine siguro yung dito. Dahil feeling rich ako, dito ako.
“O.M.G! Ay, sorry.” Grabe kasi! Nakaka-ilang grabe na ba ako. E kasi naman hindi ko man lang maintindihan yung mga pangalan so nag-turo na lang ako ng mukhang masarap. Wala ding picture so kung ano yung mahaba yung name eh ayun yung kinuha ko.
“Okay ma’am, it will be served after 10 minutes.” Then umalis na siya. Honestly, cute yung waiter. Pero ayaw ko sa kanya. Mas gusto ko pa rin si Night ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Oh my, ang daming papables kaso may mga kasama. Di bale, nandito ako para mag-hanap ng peace of mind.
“Here’s your order Ma’am.” Grabe, umabot na ba ng 10 minutes ang kakalingon ko sa ibang customers dito? Haay, wala akong maisip bakit ganoon, ganito talaga ata kapag walang boyfriend. What?!
Kumain na lang ako kesa mag-mukmok, aanhin ko ang boyfriend baka mag-kasala lang ako kasi panigurado maraming gusto akong gawing girlfriend so dahil mabait ako, pag-sasabayin ko silang lahat. Chos Nangangarap na naman ako. Kinuha ko na yung bill ko after.
“Ma’am, here’s your bill.” Tinignan ko, oh my inabot ng 1,500 yung kinain ko e parang breaded porkchop lang ito na may tomato sauce basta ganoon. Bibigay ko na sana yung credit card ko nang mapansin kong wala akong dalang wallet!
“A-ano… Pwede bang balikan ko na lang yung bayad?”
“E ma’am ako po yung papagalitan e, tawagan niyo na lang po yung mga kasama niyo.”
“Hala! Wala akong kasama! Anong gagawin ko?”
“Wait, manager!” Tinawag niya yung magandang babae na dumaan.
“What is happening here?”
“Wala daw po siyang dalang pera.” Tapos nakita kong nanlaki yung mata nung babae.
“What?! Miss, isa yan sa pinakamahal na dish dito. Miss, hindi naman pwede na kakain na lang kayo nang basta-basta tapos wala kayong pera. Aba, luma na yung style na yan. Masyado ng maraming dishwasher dito.”
“E sa naiwan ko yung wallet ko sa room ko e. Babayaran ko naman kung papayagan niyo akong kunin yun.”
“Miss, luma na rin yung style na yan. Hala dalin mo na yan sa kitchen, dagdag dishwasher.”
“What?! Miss!”
“What’s happening here?” Pag-lingon ko, oh my! Hinawakan ko agad underwear ko. Ang hot!
“Mr. Villafuerte, wala daw po siyang pambayad so gagawin na lang po naming dishwasher.” Tapos tinignan niya ako, napahawak tuloy ako sa waiter kasi parang naging jelly yung knees ko.
“I-charge mo na lang sa akin.”
“What sir?!”
“Ms. Lopez, you know that I hate repeating what I said.”
“So-sorry po.”
“Miss, come with me.” Napahawak na lang ako sa dibdib ko nung sinabi niya yun. Don’t tell me, katawan ko yung kapalit nung pag-charge ng food sa kanya?!
“Mr. Kung ano man yun. Hi-hindi p-po ako papayag na katawan ko yung kapalit! Babayaran na lang po kita!”
“W-what?!” Tapos humalakhak siya. Grabe ang gwapo niya kaso pervert.
“Paano mo naman nasabi yan. Aayain lang sana kitang mag-lakad in exchange, wala kasi akong kasama. So tara?”
Papayag naman akong ibigay yung katawan ko, sana pinilit na lang niya ako kahit konti.