Part 16

604 14 7
                                    

Part 16

“Yu-yung kamay ko.” Tae. Bakit kinikilig ako? Hindi dapat ito nangyayari! After niya akong insultuhin at alalian noon? No. Just no.

“Sorry. Akala ko kasi nakahawak ako sa tali ng aso ko.” Kainis talaga ito forever.

“Ah… Oo nga pala. Pwedeng humingi ng favor?”

“Ano iyon?”

“A-ano… Pwede bang huwag mong ikalat na pumayat na ako? What I mean is isipin mo na lang na hindi ako yung Jessica na kilala mo. Pwede ba?” Kasi nga malakas trip ko sa buhay, and may gagawin ako so hindi pa time para i-expose yung kasexyhan ko.

“Give me a valid reason to do that.” Landi nito.

“Kasi ganito iyon…” Then kinuwento ko yung last time na magkakasama kami. Yung narinig ko mula kay Night. Wala ng ‘ko’ since I hate him na.

“Sira ulo pala iyon eh”

“Puso mo, ako yung nasaktan hindi ikaw.” Ang OA naman kasi. Pero hayaan na, medyo kinilig ako e.

“Johann! What are doing here with her?” Bakit nandito si Night?! Narinig niya ba yung usapan namin? Tae.

“Well, I’m her boyfriend that’s why she’s with me.” Then inakbayan niya ako. Kinikilig na ako. Nakakainis.

“Really? Okay, gotta go. Bye.” Ganoon lang yung appearance niya? Maigsi lang? Pwedeng tagalan pa? Tinanggal na kasi ni Johann yung akbay niya, bitin!

“Kilig ka naman dyan.”

“What…” Hindi ko na natuloy hirit ko since may tumawag sa kanya then sinagot niya na.

“Hi babe. Bakit ka napatawag?” Babe?! Tama ba yung rinig ko?! May girlfriend na siya?!

“Okay. Kita tayo bukas. Bye.” Then hinarap niya na ako. Laki nang ngiti ng gago. Oops. Bad word, hindi bagay sa ganda ko.

“Sino yun?” Syempre curious ako, I know kayo rin.

“Ah, si Bia. Yung cousin mo.” Sabay ngiti niya. What the hell?! Bakit ko ba nakalimutan na nililigawan niya nga pala yon?!

“Alam ba ni Night yan?”

“Oo naman.” So ang iniisip ngayon ni Night na two-timer tong loko na to? Iniisip siguro noon, “Swerte ng gago na ito, gaganda nang pinagsasabay e.”

“Let’s go, pakainin na kita, malapit na mag-sara oh.”

“No need. Kumain na ako e. Sige na, uuwi na ako. See you when I see you.” Umalis na ako kahit hindi pa siya nakakasagot. Walang kwenta. Tinext ko na rin yung parents ko na mauna na sila since may dala naman akong pera, mag-commute na lang ako.

Papara na sana ako ng taxi noong may huminto na sasakyan sa harap. I am not into cars kaya hindi ako familiar kung anong klase to pero what I can say is super ganda niya. Mukhang mayaman at gwapo may ari nito.

“Hi Jess. Tara, hatid na kita.” Si Night pala, let me rephrase what I said, mukhang gago pala may ari nito. Feel na feel ko yung hatred na nabuo sa puso ko e.

“No need. Sasakay na lang ako sa Taxi.”

“Huwag na. Hatid na lang kita, para makatipid ka na rin.” Ang kulit niya ah. Kainis. Sumakay na rin ako since baka hindi matapos yung usapan namin.

“So how are you? Bakit ka nawala nung time ng outing natin?” Nagulat ako. Nakilala niya ako?

“What are you talking about?” Syempre, pasimple.

“Jess, you can’t fool me.” Sabi niya sabay lingon sa akin. Nagulat na lang ako na hindi ito yung way papunta sa amin.

“Saan mo ako dadalin?” Syempre, baka irape niya ako. Aba, ang yummy yummy ko na ngayon e.

“Sa may seaside lang.” Tumahimik na lang ako. Nag-iisip na pwede kong iplano bilang revenge ko sa kanya. What’s the use of pretending, kilala na rin naman niya ako. So what should I do now?! Boring na ng kwento na ito kung walang revenge thingy. Charot.

“Tara?” Tae, ganoon na ba kahaba yung naisip ko? Nandito na agad kami sa destination namin e tapos nasa tabi ko na siya, binuksan na yung pinto. Hindi ko inabot yung kamay niya since kaya ko naman.

“Ang tagal mo rin nawala ha.”

“I know. Naging busy e.”

“I’m sorry.” Hihingi na ba siya ng patawad sa ginawa niya sa akin?! After ilang years, ngayon lang niya gagawin?!

“For what?!” Agitated ako. Since bumalik yung sobra sobrang inis ko.

“Na dinala kita without your consent pero alam ito ng parents mo ha.” Walang hiya.

ChubbyWhere stories live. Discover now