Part 18

289 12 1
                                    

Part 18

“Hello, how are you?” Sabi ko sa kanya.

“Doing good. Ikaw ba? Kailan ka babalik dito?”

“I don’t know. Bumisita ka kaya dito?”

“Don’t worry, next week nandyan na ako. Sige na, bye.” Pinatay niya na. How could I forget that person? Grabe, namiss ko siya.

Alam kong hindi pa naman ganoon katagal since bumalik ako sa Pilipinas pero syempre hindi ko rin maiiwasan na mamiss iyong sira ulo na iyon! Siya ang naging katuwang ko lalo na nung time na nasa Korea pa ako.

After kong gawin ang night ritual ko, natulog na ako. Medyo nakakapagod din itong araw na ito, bukod sa pag-balik ko e ang different revelations na narinig ko. Pero no, huwag mo nang isipin iyon Jess, nakakatanda lang.

“Anak, gising na.” Naalimpungatan ako dahil kay Mama.

“Ma naman, natutulog pa ako e.”

“Anak, let’s eat breakfast together with your Dad. Ang tagal na natin hindi nakakakain magkakasama dito sa bahay e.” Si Mama naman e.

“Fine. Maghihilamos lang po ako.” Tumayo na ako then lumabas na siya.

Inalis ko yung morning glory ko tapos nag-toothbrush. Hindi na muna ako nagpalit since balak kong matulog ulit after namin kumain.

“Good morning Ma, Dad.” I said then kissed their cheeks.

“Kain na anak.” Sabi ni Dad.

“Oo nga pala anak, I talked with your Dad about sa plan mo na maging model ng company ko and napagusapan naman namin na hindi kami papayag.” Nagkatinginan sila ni Dad. “Since you’re our only daughter napagisipan namin na…”

“Na ipasok ako sa arranged marriage?! Like yung napapanood ko sa K-Drama since mayaman tayo and we need to expand our company, hahanap kayo ng prospect?!” Napanganga naman sila.

“No! Bakit naman namin gagawin iyon?!”

“Ma naman, syempre malay ko ba? Ang tagal mo kayang mag-salita.”

“Whatever anak.” Napairap naman si Mama.

“Ang naisip namin e pumasok kang employee sa company natin, you choose kung sa akin or sa Dad mo.” Napatingin naman ako sa kanila.

“Anong position naman?”

“Well, simple employee lang naman muna. Syempre you need to start from the beginning para maranasan mo ang ginagawa nila para once na ikaw na mag-handle ng company, you already know how to handle it properly.”

“Para bang ‘A great leader must become a great follower first’ parang ganoon po ba?”

“Exactly.” Napangiti naman sila.

“Sure! Exciting ito!”

“Pero the thing is, don’t ever mention na anak ka namin para naman they will treat you equally.” Napatango naman ako. Ramdam ko yung excitement na nabubuo sa puso ko.

“When will I start?” Tanong ko sa kanila.

“E saan mo ba gusto mo?” Napaisip naman ako. Kung sa company ni Mama, kadalasan e puro babae doon kasi nga kadalasan ang mahilig sa fashion e babae, right? Kung kay Dad naman, alam na.

“Kay Dad na lang!”

“Okay. Bigay mo sa akin ang resume mo and I’ll talk with the HR. By tomorrow, you can already start na, okay?” Tumango naman ako nang nakangiti.

“For today, maglibot ka na muna with Bia. What do you think?” Napaisip na naman ako. Kahapon kaya nagpakilala ako as a model e, tapos kung haharapin ko siya and sabihin ang totoo, hindi ba kaya siya magagalit?

“Fine. Give me her number.” Mas mainam na umamin agad.

Umidlip na muna ako then pagkagising ko e tinawagan ko na si Bia.

“Hello! Who are you?”

“Hey, it’s me!”

“Je-jess?”

“Oo naman! Sino bang akala mo?”

“Wala. What do you want?” Bakit parang hindi siya masaya?

“I just want to know if you are free today?”

“I am. So what now?”  I sighed because of the tone she’s using to me.

“Aren’t you happy na I’m here na?”

“Fine. Let’s meet later sa SM North, mga 12 noon. Let’s eat lunch there.” Then binaba niya na. Ano bang meron? Nagtatampo ba siya kasi ngayon ko lang siya tinawagan? Sorry naman po.

Ginawa ko na ang ritual ko bago ako mag-bihis. I wore a simple Sunday dress tapos doll shoes na lang. I don’t need to wear something extravagant since wala naman akong balak gawin catwalk yung mall. Nagulat ako dahil biglang tumunog yung phone ko.

“Where are you?”

“I’m on my way na. 5 minutes and I’ll be there na. Where do exactly we will meet?” I asked her.

“I’m craving for pizza so sa may Pizza Hut na lang tayo.”  Then binaba niya na. I can really feel her coldness towards me. Nakakainis na ha?

Suprisingly, nakakuha agad ako ng space to park my car. Inayos ko na yung bag ko then lumabas na ako. I also made sure kung na-lock ko ba yung car ko. Medyo paranoid kasi ako e.

Thankfully, nakarating agad ako sa destination ko and nakita ko naman agad siya. Bineso ko naman agad siya and napansin kong nagulat siya. Umupo na rin ako sa harap niya.

“It’s been a while ha? Bakit ka nagsinungaling kahapon?”

“Y-you knew?”

“Of course! You’re underestimating me.”

“H-how?”

“Duh, we grew up together kaya malamang alam ko kung ano ang itsura mo. And it doesn’t mean na kapag pumayat ka e hindi na kita makikilala.”

“Pero bakit  hindi ako nakilala ni Johann?”

“Alam mo naman iyon, medyo tanga.” Tapos natawa siya.

“So it is true na kayo na ng bwiset na iyon?” Tapos humalakhak siya.

“W-what? Did I say something wrong?” Umiling naman siya.

“Tara. Order na tayo, nagugutom na ako.”

Pagkarating ng order namin e sinumulan na namin kumain.

“So, saan ka nag-tatrabaho?” I asked her.

“Actually, tinuloy ko sa med.” Napalaki naman ang mata ko.

“Really?!”

“Oo at tae, ang daming gwapo! Lalo na sa klase ni Night. Grabe lang.” Napatahimik naman ako upon hearing that name.

“Is there any problem Cous?” Umiling naman ako.

“So ikaw, what are your plans?” Napangiti naman ako kasi naramdaman ko ulit yung excitement.

“I’ll work sa company ni Dad!”

“Wow naman! Pakilala mo ako sa mga artista na makikilala mo ha?” Napangiti naman ako.

“Oo naman!” Tapos tinuloy na namin yung pagkain namin para daw makapag-shopping na kami.

“So kaya pala hindi ka nakipagkita sa akin kasi kasama mo siya.” Nanlaki naman ang mata ko.

 ---------------------------------------

Hi guys! Tagal na rin no? Hahaha Oo nga pala, kung may time kayo e pabasa naman ng isa kong gawa. Just click the external link. Thanks. :)

ChubbyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora