Part 5

2K 27 9
                                    

Part 5

“Jess! Ikaw nga!” Wait? Bakit siya nandito?

“Omo. Night, ikaw pala! Bakit ka nandito?” Siguro nasa isip niyo yung ex ko or something then magkakabalikan kami tapos happy ending na.  Pero pwede naman sigurong si Night ang makasama ko sa happy ending di ba?

“Kasi di ba nga iniinvite kita kanina. Papasama sana ako dito sa mall para bumili.”

“Ah ganoon.” Akala ko pa naman aayain ako sa date. “Gusto mo samahan kita ngayon?” Sabi ko tapos killer smile ulit.

“Hindi na, nakabili na ako e. Pero salamat. Ano nga pala ginagawa mo dito? Nasaan si Johann?”

“Mag iikot lang sana, hinihintay ko yung sundo ko. Siya? Lumayas na, hindi man lang ako inihatid.” Tapos nakita kong nag-frown siya. Siguro nasa isip nito: “Bakit hindi niya hinatid siya? Paano kung may nangyari sa kanya? Edi wala na yung babaeng papakasalan ko.” Sana nga ayun yung laman ng isip niya.

“Tara, samahan kita.” Tapos ngumiti siya. Grabe kinikilig ako.

“A-ano, huwag na kas baka mabagot ka lang. Tambay na lang tayo, you want?”

“Sure, tara doon tayo sa bench.”

Edi iyon nga, umupo kami tapos nagkwentuhan. Di ko na sasabihin para ako lang makaexperience ng kilig. Madamot muna ako ngayon, aba syempre naman! Si Night ata ang kasama ko.

“Ma’am Jess, tara na po. Ihahatid ko na kayo.” Wrong timing naman ang dating ni kuya e. Ang sarap na kaya ng kwentuhan namin. Dadalin ko na sana sa topic na love life e.

“Sige po, wait lang.” Sabi ko muna kay kuya kaya umalis na siya kasi nga susunod na lang ako. “Night, alis na ako ha? Bukas na lang. Bye!” Sabi ko tapos nag-wave na ako sa kanya. Palayo na sana ako nang tawagin niya ako.

“Jess!”

“Bakit?” Lingon ko, slow motion syempre.

“Ingat ka!” Tapos ngumiti na naman. Why so gwapo ba? Kinikilig tuloy ako.

“Ikaw din! Bye ulit!” Then umalis na ako. Baka humaba pa usapan tapos hindi na niya ako pauwiin.

“Haa, Prelims na. Nakakatamad.” Sabi ni Hands. Hindi pala siya bading, nahawa lang daw siya sa mga kapatid niya. Babae yung mga yon ha?

“Mage-exam na nga pero hanggang ngayon tamad ka pa rin.”

“Ayos lang kesa naman sayo mataba ka pa rin.” Tapos nag-belat ba naman! Close na talaga kasi kami kaya ginaganyan ganyan niya na lang ako. Ang sakit.

“Whatever! Wala kang makukuha sakin.”

“Hoy, joke lang yon. Ikaw naman e, kay sexy mo nga e. Woot woot.” Tapos tumawa siya. Sige lang tawa lang. Ang sama niya no? Kailan kaya dadating ang aking NIGHT in shining armor. Naeexcite na ako e.

“Woah, may dumadaan na baboy! Ay, tao pala yon.” Sabay halakhak. Sige lang Johann, pagtripan mo ko. Makakaganti rin ako sayo. Hindi man ngayon, pero dadating din yung araw na yon.

“Akala mo naman kung sino.”

“May sinasabi ka?” Wow, gwapo sana. Sobrang hina naman nang pandinig. Pero bulong nga lang pala iyon.

“Wala po boss. O, ayan na po. Uuwi na ako ha?”

“Whatever.” Argh! Bakit ko ba kasi ito ginagawa?! Gwapo nga siya, kaso bakit kailangan kong magpaalila. Di bale, maganda naman yung view eh. Next time kapag bumalik ako, magdadala ako earphones para hindi ko na lang marinig hirit niya.

“What took you so long bago umuwi ha, Hija?” Wow, ang aga naman ni father. Naunahan ako e.

“May ginawa lang po ako dad, bakit ang aga ninyo po?”

“I just want you to know na gusto kitang maging artist ng network natin, ok lang ba sayo anak?” Woah! Ako? Mag-aartista? Pwede!

“Oo naman dad! But, hindi ba ako mahihirapan niyan? Tsaka bakit nga po pala dad?”

“Weekends lang ang magiging training mo, then for your next question. Gusto ko lang ipakita sa mundo kung gaano kaganda anak ko.” Naman e. Kinikilig ako sa banat ni dad.

“And another thing, this Saturday morning, you need to go to the Sexy gym to meet the one who will help you to stay fit.”

“Hindi ba ako sexy dad?”

“Ano kasi anak. Kasama yon sa routine ng trainees.” Sabi niya tapos parang nag aalinlangan?

Pero di bale, how I wish na lalaki at gwapo siya. So excited na.

ChubbyWhere stories live. Discover now