"You're not treating me like your son! You used me for the black organization! You used my ability! My intelligent but you're never ask me if I'm okay."

"Fabio anak." Naiiyak na sabi ng mama.

"At dahil lang sa umasa sa wala ang anak ni Governor Alcantraz halos patayin mo ako sa galit. Napakaliit na bagay!" Sigaw ng kuya. Hindi naman nakapag salita ang papa at napaatras ang dila.

"Malinis ka? Bakit hindi mo sabihin sa kanila kung ano talaga ang sekreto ng pamilya natin!" Paghahamon ng kuya.

"You bastard!" Sigaw ng papa.

"You're the one who made me like this! So don't you blame anything on me. Don't you ever put a blame on me cause you're not a victim!" Sagot ng Kuya Fabio at padabog na inayos ang damit na napahiran ng dugo.

"Where are you going?" Galit na tanong ng papa.

Hindi nagsalita ang Kuya Fabio at dire-diretso ito palabas ng hacienda.

"Fabio don't turn your back on me!" Sigaw ng papa.

Pinipigilan naman ito ng mama. Hindi na muling lumingon ang Kuya Fabio at nang madaanan niya si Kuya Matias ay tinitigan lamang niya ito ng masama.

Umalis na ang Kuya Fabio. Naiwan kaming tulala lahat dahil sa mga nangyare. Bakas pa ang ilang bahid ng dugo sa sahig na alam kong nagmula kay Kuya Fabio. Sumagi rin sa isipan ko ang sinabi niya. "Black Organization?" Sabi ko sa isip ko. Never kaming pinatuntong ng papa sa kumpanya. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa sa loob nito.

Pabadog na inihagis ng papa ang baril sa sahig at umalis ito patungo sa taas ng hacienda. Lumapit naman ako sa mama para yakapin ito.

"Hija pagpasensiyahan mo na ang papa mo. Nadala lang 'yon sa pagod. Marami kasing ginagawa sa kumpanya at nakadagdag pa ang pag babanta ni Governor Alcantraz sa Kuya Fabio mo."

"Anong pagbabanta mama?" Napahinga lang ito ng malalim at hinawi ang buhok ko.

"Wag mo ng alalahanin 'yon. Maaayos rin ang lahat. Nagkainitan lang ang kuya at papa mo."

"Ma sagutin niyo naman ako. Tsaka tungkol saan ang black organization?"
Takang tanong ko. Gusto kong malaman, ano nga ba ang sekreto ng pamilya namin. Ano ang sekreto ng mga Montague?

"Please magpahinga kana. Kumain nalang kayo riyan. Nagpahanda na ako ng gabihan. Please Alena wag ngayon." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito. Tumingin ang mama kay Kuya Matias.
"Matias ikaw ng bahala sa kapatid mo. Aakyatin ko na muna ang papa niyo." Pagkasabi ay umalis na ito. Naiwan naman kami ng Kuya Matias. Lumapit sa gawi ko ang kuya at pinulot ang hand gun na nasa sahig. Tinitigan lang niya ito at malalim ang iniisip.

"Kuya ano bang nangyayare?" Palagay ko'y mayroon silang hindi sinasabi sa'kin. May nililihim ang mga ito at gusto kong malaman kung ano.

"I don't know Alena. I don't know." Maging ang Kuya Matias ay walang alam. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga katanungan sa isip na hindi masagot sagot.

Pasado alas dose na ng hating gabi.

Paikot ikot ako saking kama dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Maya maya lamang, nadinig ko ang ugong ng sasakyan at alam ko kung kanino ito. Sasakyan ng Kuya Fabio.

Sumilip ako sa bintana para tanawin siya. Nakatapat naman kasi sakto ang bintana sa kwarto ko sa gate kaya makikita talaga ito. Pagkahawi ko ng kurtina ay hindi nga ako nagkamali. Sasakyan ng kuya ang nasa labas. Matagal ito bago lumabas sa itim na kotse. Hindi ko alam kung bakit pero nag aalala ako para sakanya. Hindi kaya nakainom nanaman ito?

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Where stories live. Discover now