"Yeah, dinaanan kita dahil alam ko na walang susundo sayo. Lunes ngayon naka day off si Manong Jose." Ani niya.

"Oo kuya pero may pasok ka pa bukas hindi ba?" Tanong ko.

"Lilipat ako ng Claret Alena." Nagulat ako sa sinabi nito. Sister school ang Stella Maris at Claret University. Ibig sabihin kung sakali na lumipat ang kuya malaking posibilidad na makasama ko siya araw araw.

"Talaga?" Masayang tanong ko.

"Yes Princess." At hinagkan niya ako pisnge tsaka ginulo ang buhok ko.

"Get in Alena." Tawag nito sa'kin. Pumasok na ako sa loob at nagmaneho na ito.

Ilang araw pa ang bibilangin para ma proseso ang paglipat ng kuya. Naiwan niya si Ate Monica sa Manila. Hindi ko alam kung bakit bigla biglang nag desisyon ang kuya na lumipat.

"How are you doing?" Kamusta nito sa'kin. Napaisip ako. Magkasama naman kami kahapon.

"I'm fine kuya. Busy lang kanina sa school. Ang dami kasing ginagawa." Dahilan ko. Napatango tango naman siya.

"Kamusta si Ate Monica? Kailan siya uuwi dito satin?" Tanong ko naman dito. Natahimik naman siya at nawala ang ngiti. Napakunot noo ako kung bakit.

"Wala na kami ng Ate Monica mo." Diniretso na niya ako. Napalingon ulit ako dito. Bakas ang lungkot sa mga mata nito. Kahit naman kasi may pagka babaero eh alam ko na mahal niya ang Ate Monica.

"Kuya Matias." Hinawakan ko ang kamay niya. Alam kong malungkot ito. Kaagad naman niyang inihinto ang sasakyan at bumaling ng tingin sa'kin. Ngumiti ito.

"I'm okay." At hinawakan ako saking pisnge. Maya maya lang ay nagmaneho na ulit ito.

Kalahating oras lang nang makarating kami sa hacienda. Nakababa na kami ng Kuya Matias ng marinig ang sigawan sa loob ng hacienda. Dinig na dinig ko ang pagsisigaw ng mama na para bang may inaawat.

"Kuya!" Dali dali kong tinawag ang Kuya Matias. Maging siya ay gulat rin at nalilito. Sabay kaming pumasok sa loob at bumungad samin ang papa na pinag susuntok ang Kuya Fabio.

"Papa!" Pigil ko dito. Nakangisi naman ang Kuya Fabio na para bang hindi iniinda ang mga sugat sa mukha at kahit pa putok na ang labi nito.

"Zalazar tama na! Mapapatay mo ang sariling anak mo!" Ani ng mama.

"Mapapatay ko talaga yan!" Kumuha ng baril ang papa at itinutok dito. Kaagad naman akong humarang kay kuya.

"Papa tama na!" Pigil ko. Humihinga ng malalim ang papa sa sobrang galit. Hindi ko alam kung ano ba ang pinag mulan ng gulo.

"Tumabi ka diyan Alena mapapatay ko ang tarantadong yan!" Galit na galit ito. Ngunit hindi ko siya sinunod. Nanatili ako sa tabi ni Kuya Fabio. Ang mama naman ay nakahawak sa braso ng papa para pigilan ito.

"Alam mo ba ang ginawa niyan? Nagpunta ang mga Alcantraz dito at naghahamon ng gulo. Ginago lang naman ng magaling mong kuya ang nagiisang anak ni Felipe Alcantraz. Pinaasa mo ang anak ni Gov. Alcantraz. Anong kahihiyan to Fabio? Kailan kapa nagsimulang manloko ng babae!"

"Tsk that's not my fault. Kasalanan ko bang marupok siya at umasa sa wala?" Sagot ng kuya.

"Tarantado ka! Hindi kita pinalaki—" Pinutol ng Kuya Fabio ang sasabihin ni papa.

"Hindi mo naman talaga ako pinalaki. All my life I'm alone." Natigilan ang papa sa sinabi ng kuya. Tumayo ito at padabog na pinahid ang dugo sa gilid ng labi.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя