Taehyung's Heart 40

1K 41 38
                                    

Taehyung's Heart 40




TAEHYUNG'S POV

Nang imulat ko ang mga mata ko, sinalubong kaagad ako ng sakit ng ulo. I got up while rubbing my eyes and trying to adjust to the bright surrounding. Una kong napansin na nakasuot na ako ng sleeping pajama at nakalapag sa cabinet ang suot kong white long sleeves, blue necktie at ang tuxedo kagabi. Napasapo ako noo at mariing napa-aray nang may maramdaman akong masakit sa braso ko, isang malaking pasa.

Tumingin-tingin ako sa paligid ko. 'Di ko alam kung nananaginip ako ngayon o sadyang wala na akong kaalam-alam sa totoong nangyayari sa akin. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang ilang nakatuping damit ni Quin na iniwan niya, pati na rin ang stuffed toy ni Theo.

Things went spiraling in me once again.


Nagmadali akong naghilamos at nagbihis. Kailangan kong puntahan at makausap si Hoseok hyung. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko, pati na rin ang isang malinis na pares ng medyas, saka binuksan ang pinto. Sakto naman pagbukas ko, nandun sa Jin hyung at may hawak-hawak na tray ng pagkain na parang ihahatid niya sana sa akin.

"Oh? Taehyung-ah, ba't parang nagmamadali ka? San ka pupunta?" gulat na tanong sa'kin ni hyung.

"Pupuntahan ko si Hoseok hyung." sagot ko sakanya habang nagmamadaling sinusuot ang medyas sa paa ko.

"Mamaya mo na puntahan si Hoseok. Kainin mo muna 'tong hinanda kong breakfast para naman naman bumalik ang lakas mo. Alam mo bang natumba ka sa tabi ng daadn? Buti nalang dinala ka kaagad ni JK dito." paliwanag niya.

Napairap ako at napakuyom ng kamao nang marinig ko ang pangalan ni Jungkook. Mas lalo akong nawalan ng ganang kumain.

"Salamat, hyung. Pero kailangan ko na talagang umalis." sabi ko saka tinapik siya sa balikat at nagmadaling pumunta sa pinto palabas ng dorm.

"Yah! Mamaya na, kainin mo muna 'to." pagpupumilit ni Jin hyung habang maingat na hinahawakan ang tray para hindi matapon sa sahig ang mga hinanda niya. "Yah, Kim Taehyung!"



*****



paragraphs in italics are in hoseok's pov :)


Pagpasok ko sa private room ni Hoseok hyung, naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit niya. Hindi na rin siya nakasuot ng hospital gown; mukhang magaling na nga siya at pinayuhan na ng doktor niya na makakauwi na siya. Agad siyang napangiti nang makita ako. Lumapit siya sa akin, niyakap ako saka hinalikan ang buhok ko at ginulo-gulo ito. Typical Jung Hoseok.

Itinabi niya ang mga gamit niya saka umupo sa kama at tinapik ang space sa tabi niya kung saan ako pwedeng umupo. 'Di pa rin mawala sa mukha ni hyung ang mga ngiti niya. Sa mga oras na 'to, nagsisisi ako sa lahat nang mga nasabi at nagawa ko kay hyung na wala naman pala talagang kinalaman sa lahat.

"Simula palang alam ko nang si Ice ang may kagagawan ng lahat." panimula niya.

Tumingin ako sakanya, "Pano mo nalaman?"

Tipid siyang ngumiti at huminga ng malalim bago ako sinagot, "Dahil ako ang una niyang nilapitan at pinilit na makisama sa plano niya."


"Alam kong may gusto ka kay Quin, Jung Hoseok.'" mariin na sabi ni Ice sa akin. Nasa studio ako noon nang pumasok siya at bigla-bigla nalang nagsalita ng ganun. Masyadong direct to the point, walang oras na sinayang.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon