Taehyung's Heart 16

5K 191 187
                                    


Taehyung's Heart 16 – Favor: Please be open-mined while reading this chapter and the whole story as well. Thanks! Enjoy reading guys! i miss u x– Ate nessa



Taehyung's POV

Beijing Stadium, China 17 July

BIGHIT WORLD TOUR 2nd day

'Yan yung mga katagang kanina pa nagfflash sa mga screen sa may stage. Ngayon ang second day ng concert namin dito sa Beijing. Kasalukuyan kaming nagpa-practice para sa concert namin mamayang gabi.

"V-ssi! Focus naman please lang! Part mo 'to sa Fire pero di mo magawa ng maayos. Angasan mo naman ng kunti, pakiusap!" sigaw sa akin ng production manager namin.

Napatigil kaming lahat sa pagsasayaw. Napatingin silang lahat sa akin, at yung ilang PA namin inabutan ako kaagad ng tubig. Napatingin lang ako sa sahig nang maramdaman ko ang pagtapik ni Jimin ang balikat ko.

"Taehyung bro, huwag mo munang dalhin sa concert natin yung problema niyo sa bahay ni Quin, arasseo? Para 'to sa ARMY." paalala niya sa'kin. Kinuha niya ang bottled water sa kamay ko saka doon uminom.


Napapikit nalang ako saka napabuntong-hininga. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari ilang linggo na ang nakaraan. Wala akong alam sa kung anong ginawa nina Quin at Bambam nang gabing 'yun--yung gabing umalis siya sa tabi ko para lang puntahan si Bambam. Hanggang ngayon hindi kami nag-uusap, hindi ko siya. Nagmumukha lang kaming bati sa harap ni Theo. Ayokong madamay ang bata sa nangyayari sa pagitan namin ni Quin.


"Kim Taehyung! Wala sa choreo niyo ang tumunganga. Hindi mo ba ako naririnig o ayaw mo lang talagang magpractice ngayon? Sabihin mo lang para hindi nasasayang ang oras natin, may vocal practice pa kayo!" Strike three. Pangatlong beses na akong nasigawan at napuna ngayong araw.


Napatingin ako sa mukha ng production manager namin, badtrip na badtrip siya. Kulang nalang nga itapon niya sa mukha ko ang hawak-hawak niyang mic. Hingal na hingal sina hyung habang ako pawisan lang.

Inirapan ko lang sila. Tapos binagsak ko sa sahig ang mic, sobrang sakit ng feedback ng mic na halos mapatakip sila ng tenga. Nag-walk out ako sa stage saka dumiretso palabas. Wala akong pakialam kung may makakitang fan sa akin. Ang importante makaalis ako sa lugar na 'yun.



Sa isang bench ako nakaupo sa labas. Pinagmamasdan ko ang ilang nagdaraanang mga tao. Kinuha ko ang mask sa may bulsa ng suot kong pants saka sinuot ito. Sa di kalayuan isang pamilyar na sasakyan ang huminto. Bumukas ang sasakyan at lumabas galing dito ang manager ng Converse High. Napatingin ako sa orasan ko, oras na pala ng practice ng Converse High para sa presentation nila.

Bumaba na ang lahat ng members na nakamask at hoodie saka nagmadaling pumasok papunta sa backstage. Nakasunod naman ang sunod na van, doon nakasakay ang mga stylist nila at assistant.

Nakita kong bumaba ng sasakyan si Quin. Dala-dala ang ilang damit ng Converse High, siya ang pinakahuling bumaba ng sasakyan. Sinara niya ang pinto saka napatingin sa dako ko. Agad naman akong napaiwas ng tingin. Ilang segundo lang, sinilip ko kung nandun pa siya pero wala na siya.

Buti naman.


Quin calling...

Naka-pokeface lang ako habang nakatingin sa caller ID sa cellphone ko. Hindi ko sinagot ang tawag, ni-long press ko ang cellphone ko saka in-off. Ayokong lalong masira ang araw ko ngayon lalo na't may concert kami ngayon dito sa China.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon