Chapter 35: Days With You

Start from the beginning
                                        

Pagkababa ko ay nakita kong mukhang maayos naman silang nag-uusap. Tumuloy ako sa kusina para kumuha ng meryenda. Naabutan ko si yaya Maring na naghahanda ng suman at juice.

"Yaya Maring ako na po." I took the tray at tututol sana si yaya pero nauna na ako sa kanya. "Tingin niyo po pasado si Prince?" Inginuso ko si Mommy. Natawa si yaya sa akin.

"Ay kagwapo niyan at malambing pa, oo naman. Basta hindi stressed yang mommy mo tiyak mahuhuli ni Prince ang kiliti niya." Yes, love talaga ako ni Yaya Maring. Saka parati kasi siyang tinutulungan ni Prince maghanda ng pagkain kapag andito kami sa bahay kaya naman super love niya ang boyfriend ko.  

"Uy si yaya, love mo talaga si Prince, no?"

"Syempre naman iha. Nakikita kong mahal ka niya at mahal mo siya, bakit ko naman siya hindi mamahalin? Saka magalang na bata yang si Prince," naku mukhang naluluha pa si yaya. "Pero dapat talagang seryoso siya sa'yo. Ayokong paglalaruan ka niya... naku baby kaya kita." Kinurot-kurot pa ni yaya yung pisngi ko. Simula baby pa ako ay yaya ko na siya. Originally, si Kuya Alfredo ang talagang baby boy niya kasi pumasok siyang yaya para kay Kuya Alfredo. That was twenty four years ago. Hanggang sa inalagaan niya na rin si Kuya Ali at panghuli ay ako. Si yaya na ang naging pangalawang mommy ko kasi nga busy ang magulang namin tapos nung nagkaroon ng ibang pamilya si Dad ay lalong isinubsob ni mommy ang sarili sa trabaho.

"Prince simple lang naman ang gusto ko, ang maging masaya ang anak ko," inilapag ko yung tray saka naupo sa tabi ni Prince. Agad niyang inabot yung kamay ko at pinisil.

"Tita yun din naman po yung gusto ko. Hindi ko naman po pababayaan si Aya," I leaned my head against his shoulder.

Bumuntong-hininga si Mommy, "Bata pa kayo, mapusok. Basta isipin mo lang na dapat maging responsible ka bilang lalaki. Kung hindi mo pa siya kayang buhayin na hindi umaasa sa iba, wag mo siyang mamadaliin. Ayoko na basta mo lang siya kukunin tapos pahihirapan mo. Once ialis mo si Aya sa poder ko, responsibilidad mo na mag-provide sa kanya."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Ayokong saklolohan si Prince kasi siya naman ang dapat sumagot para sa sarili niya. Ayokong magmukhang kinakampihan ko siya. Lalong ayokong magmukhang pinangungunahan ko siya.

"Simple lang ang rules ko. Wag kayong magtago. Pag itinatago, may stigma nang ikinakahiya, at ang bagay na ikinakahiya, hindi dapat ginagawa. Kaya lumaking hindi sinungaling ang mga anak ko dahil iyan ang itinatak ko sa utak nila. Kumilos lang nang tama sa lugar at yung may respeto sa sarili at isa't-isa."

"Opo Tita," Sagot ni Prince. Bumaling sa akin si mommy.

"Aya, kailan niyo balak sabihin sa akin ang engagement niyo?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Mommy.

"Hindi pa naman po official yun," Hala... nagtatampo ba si Mommy? Na-guilty ako bigla. "Sorry po, mommy." Agad akong tumayo at umupo sa tabi niya. Yinakap ko si mommy.

"Hindi ibig sabihin na wala ako dito sa bahay lagi ay wala akong pakialam sa'yo. Pumayag kang magpakasal kay Prince, pero hindi mo man lang ako sinabihan." Hala ka, nagtatampo nga si mommy.

"Sorry po mommy," I murmured and hugged her tightly. "Hindi pa naman po kasi yun ngayon. Gusto ko pong mag-aral muna. Saka baka po kasi magalit kayo. Alam ko naman pong kaka-eighteen ko lang tapos first boyfriend ko si Prince."

"Tita ako po ang dapat mag-sorry. Dapat po una akong nagpaalam sa inyo bilang magulang ni Aya." Napayuko si Prince.

"Hay naku ang babata niyo pa talaga," My mommy stroked my hair, "Aya isip-bata ka pa. Gusto kong mag-mature ka muna bago mo maisipang gumawa ng bata." I felt my face heat up with what she said.

It Started in the Library (Completed and Editing)Where stories live. Discover now