Two

298 5 0
                                    

Aki's POV

    "Hoy Jacky!"

    Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Betty, I swear pag tinawag mo ako uli ng ganun di kana sisikatan ng araw."

    She mimicked me with matching actions. "Whatever, whatever. Kanina ka pa hinahanap ni Madam! San ka ba galing?"

    "May competition kasi sayang naman pag di ako sumali, tinapos ko lang. Second lang ako ee. Andun pala sa bag ko ang medal. Kunin mo yun ah, nasa likod ng halaman, dun sa backgate."

    "Yan naman talaga ang role ko sa bahay na ito, utusan. Muchacha. Alipin. Katulong." May papahid-pahid pa itong nalalaman. Tita kasi nito ang mayordoma ng bahay. Bagaman hindi siya kasambahay pero tumutulong din siya paminsan-minsan.

    "Wag kang OA. Starbucks tayo pagkalabas natin ng school next week. Promise yan."

    "Yan, yan ang gusto ko sa'yo. Umalis ka na. Mag aacting ka na naman. Kung ako sayo, seseryosuhin ko yan baka kumita pa ako ng pera."

    "Baliw." Iniwan ko na siya at haharapin ko na naman ang mundong pilit kong pinakikibagayan.

    "Hi Mom!" bati ko kay Margarette. Ang babaeng ipinalit ni Papa kay Mama. Kakambal ni Mama si Margarette. Hindi naman siya masungit, hindi din niya ako sinasaktan pero sadyang ayaw ko lang sa kanya.

    Limang taon lang ang nakalipas ng mamatay si Mama pero sinulot agad ni Margarette si Papa. Bitch.

    Nangunguna ang mukha nito sa mga party at ang kung ano pang social gatherings. Ang hindi ko maintindihan ay magkasabay namang lumaki sina Mama at Margarette pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali.

    Ito ako ngayon pilit siyang pinakikibagayan dahil ayaw diumano nitong masira ang reputasyon namin.

    "Darling! How's your piano lesson?"

    Alang-alang sa reputasyon kailangan kong matuto ng piano, violin, at kung ano-ano pang gawaing nagsasayang lang ng pera. Mabuti nga at wala akong mga step-siblings na dapat pakibagayan.

    "Doing great Mom." Halos isuka ko na ang salitang 'Mom.'

     "Good. By the way I want you to meet Mr.Valderrama. Owner of Valderrama Corporation. One of our big clients. Mr.Valderrama, si Jacquiline."

    Hinarap ko ang sinabing tao ni Margarette. Typical 50+ year-old businessman. Medyo malaki ang tiyan, halatang maykaya sa buhay, at sa pagkain.

   "Hi hija. Siya nga pala, ang asawa ko." May lumapit sa aming isang 40+ na babae. Halatang alaga sa clinic ang mukha pero hindi naman tadtad ng opera. Unlike Margarette's.

   "Good evening Mrs.Valderrama."

   "Tita Cory na lang hija. Ito pala yung anak ko. Si Drake, magkalapit lang ang edad niyo." Ahhh, sinasabi ko na nga ba ee. Mukhang alam ko na kung saan pupunta ang usapang ito ee.

   "Hi Drake." Ngumiti ako kunwari.

   Ngumiti lang din si Drake sa akin. Parang pilit lang din ee.

   "May isa pa pala akong... Oh there you are! Come here Terrence." May tinawag ito sa likuran namin.

    "Good evening Ma'am, Sir."

   Para namang nasa fastfood chain kung bumati itong si Terrence. Babatiin ko na siya ng biglang nanlaki ang mata ko.

   "Ikaw?" I can't hide my horror. Bakit hindi ee ito yung lalaki na nakakita ng sekreto ko?!

   

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon