Huminga ako ng malalim at inabot ang cellphone ni Natalia at sumenyas sa kanya na isa lang. Tumango siya habang kilig na kilig. Napailing ako at hinarap na ang cellphone niya para ma-open ang camera.

Napalunok ako at muling tinitigan si Johnny na nakapikit parin. Ayokong mahuli niya ako na pini-picturan siya kundi lagot ako.

Itinutok ko kay Johnny ang cellphone at mabilisan siyang pinicturan. Napangiti ako nang makita ang kuha ko pero agad rin iyong napawi nang makita ko ito ng maayos. Nakadilat si Johnny at nakatingin sa camera ng matalim. Fuck.

Napaatras ako nang hablutin nya ang cellphone ni Natalia mula sa kamay ko at ihagis iyon sa kung saan. Lahat ng maingay sa classroom ay nakuha namin ang atensyon at mga natahimik. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko e.

"I.. i'm sorry. I just want to- "

"Fuck off!" Nakaramdam ako ng takot sa singhal nya sakin.

Marahas nyang kinuha ang bag nya sa kanyang upuan at dire-diretsong lumabas ng classroom. Napalunok ako at napahinga ng malalim bago bumaling kay Natalia na naka-peace sign na sakin. Inirapan ko lang siya at tumahimik na lamang. Hindi na ako uulit. Pangako.

Mangha akong luminga sa resort na aming pinuntahan. Kaya naman pala tinawag na Happy Mountain Resort ito ay dahil nasa baba ito ng bundok. Napakarami nitong mga slides at ilang mga disensyo na nakakaakit sa mga turista. Mula sa taas ng bundok ay may rumaragasang napakalinaw na tubig at bumabagsak ito dito sa resort. Makulay dito na talaga namang napakagandang tingnan. Napangiti ako sa kawalan. Ngayon lang ako ngumiti ulit ng ganito. Yung totoo.

"Oh diba, Riah? Ang ganda dito. Halika pasyal tayo banda doon." Hinila niya ako patungo sa napakadaming bulaklak.

Isa iyong garden at napakaraming halaman at mga bulaklak na iba't-ibang uri ang nakatanim.

"Dito ang paborito kong parte sa Happy Mountain Resort, Riah. Kasi ang gaan sa pakiramdam kapag nandito. Nakakawala ng mga problema." Nakangiti niyang sabi habang inaamoy ang kulay pulang rosas.

Tama siya, gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko palang ang mga bulaklak na makulay.

Lumakad pa ako para libutin ang buong garden habang kasunod si Zeus.

"Zeus?" Agad naman siyang lumapit sakin.

"Bakit ang daming tauhan ni Gunner sa bahay kanina?"

"Para iyon sa seguridad mo Señorita." Napatango ako.

Hindi ko kailangan ng maraming bodyguard dahil kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ko malaman kay Gunner kung bakit ganito siya ka-over protective sakin. Napailing na lamang ako at napatingin kay Natalia na tumatakbo papunta sakin.

"Ayaw na maayos ng cellphone ko, Riah. Sana pala hindi nalang kita inutusan kanina na picturan si Johnny e. Inaway ka pa niya tuloy at nawalan ako ng cellphone. Sorry ha?" Ngumisi lamang ako sa kanya.

Alas-siyete na ng gabi nang makauwi kami ni Zeus sa bahay. Dinaan nalang namin si Natalia sa kanilang bahay, tutal ay malapit lang naman ang kanila.

"Señorita may bisita ka po." Bungad sakin ng isang katulong. Sino naman ang magiging bisita ko sa ganitong oras?

Pumasok ako agad ng bahay at ang nabungaran ko ay isang babae. Nakatalikod siya sakin at tinitingnan ang mga picture namin ni Gunner na naka-display. Picture namin nung kinasal kami.

"Magandang gabi po. Ano pong kailangan ninyo sakin?" Agad siyang lumingon sa kinaroroonan ko.

"Hi, Belinda." Kumunot agad ang noo ko sa naging tawag niya sakin. Kailan pa naging Belinda ang Azariah?

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Mar 21 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Mafia Boss: Gunner MondegoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt