KABANATA 1

28.9K 756 44
                                    

KABANATA 1
Mafia Boss: Gunner Mondego

Azariah's POV

          SIMULA NANG NAMATAY si itay sa isang aksidente ay dito na kami sa tiyuhin ko tumira na kapatid ni inay. Lahat ng raket ay pinapasukan ko para magkaroon lamang kami ng pagkain sa hapagkainan naming araw-araw. Ang tiyuhin ko kasi ay isang sugarol at nakaasa lamang din sakin. Si inay naman ay isang mananahi. Narito lamang siya sa bahay dahil bukod sa may edad na siya ay may sakit na rin siyang iniinda.

Palabas ako ng kwarto ko nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo ng inay. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang laman ng wallet ko. Tatlong daan na lamang ito.

"Nay," agaw ko sa atensyon niya. Nilingon niya ako at ngumiti na 'tila walang iniindang sakit. "Ibibili kita kita mamaya ng gamot mo ha?"

"Huwag na, anak! Mawawala rin ito. Para ubo lang ito!" Ani niya na bahagya pang tumawa.

Napailing ako sa tinuran niya. Ayaw niya talagang gumagastos ako pagdating sa gamot niya.

"Ubo 'yan na pwedeng lumala, 'nay..."

"Wala pa bang pagkain?!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang sigaw ni tito. Nakaramdam ako ng takot nang sumalubong sakin ang mga matatalim nyang mata.

"M-mayroon na d'yan, hindi mo naman kailangang sumigaw." Mahinang sambit ni inay.

Siya ang panganay pero hinahayaang niyang sigaw-sigawan siya ng nakababata niyang kapatid. Ewan ko ba naman kay inay.

"Ikaw, Azariah," turo nya sakin. "Sumama ka sakin mamaya at may raket na ibibigay ako sayo." Nakangisi niyang sabi.

Napalingon ako sa inay nang tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan ako. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata habang umiiling kay tito.

"Maawa ka naman sa anak ko..."

Paiyak niyang sabi habang nakaharang ang katawan niya sakin.

"Tsk! Wag nyo nga akong dramahan na mag-ina! Hindi nyo ako madadaan sa iyak n'yo!" Duro niya sa aming mag-ina bago bumaling muli sa akin ang matatalim niyang mga mata. "At ikaw, siguraduhin mong maaga kang uuwi mamaya, kung hindi malilintikan ka sakin!"

Tumango na lamang ako para matapos na ang usapan, Ang inay naman ay niyakap ako ng mahigpit at tila takot na takot. Inismiran lamang kami ni tito bago nagdadabog na naghanap ng pagkain sa kusina.

"'Nay, raket lang 'yon.Extra income rin 'yon 'nay, kaya wag kana pong umiyak. Walang gagawin na masama sakin ang tito," umiling-iling siya sa sinabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hinagod ko ang likod niya. "Sige na, 'nay, male-late na po ako. Mamaya bibilhan kita ng pasalubong ha? Wag kana po mag-alala. Okay lang po ako."

Bumitaw siya sa akin at tahimik na pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Napahinga ako ng malalim habang tinatanaw siya. Nang mawala siya sa paningin ko ay dumiretso labas na ako ng bahay. May raket ako ngayong umaga at sayang 'yon kung hindi ko mapapasukan.

Pumara ako ng jeep at sumakay bago nagbayad. Napapaisip ako kung bakit ganoon na lang ang naging reaction ni inay kanina.Ipinilig ko ang nasa isipan ko at pumara para bumaba. Pagkababa ko ay tinakbo ko ang paniderya ni Aling Nena. Ako ang tindera niya sa araw na ito. Ang sahod ko rito ay ang siyang idadagdag ko sa pambili ng gamot ni inay at pasalubong.

"Hi, Riah! Lalo kang gumaganda ngayon ah?" bati ni Berting na ikina-iling ko.

"Matagal na akong maganda. Ano bibilhin mo?"

"Bente pesos lang na pandesal at ikaw sana." sabay kindat niya sa akin.  Gusto ko siyang sukahan. Feeling gwapo , e, mukhang naming kurimaw!

"Oh, ayan na pandesal mo! Akina yung bayad mo!" Pagsusungit ko na ikinatawa lang niya. Inismiran ko siya bago inabot ang sukli niyang trenta pesos dahil singkwenta pesos ang ibinayad niya.

Mafia Boss: Gunner MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon