KABANATA 16

10.8K 593 65
                                    

(UNEDITED)

Azariah's POV

Tulad ng sabi ko, hindi ko alam ang sasabihing vows para kay Gunner. Hindi ko rin naman pwedeng isagot sa kanya na mahal ko rin sya dahil kung ang sarili ko nga ay hindi pa maintindihan ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Siguro, nasa stage palang ako na parang teenager na may crush sa kanya?

"Ms.Azariah Cadiente, do you take this man to be your lawfully wedded husband? Will you be to him a faithful, loving, and devoted wife? Will you honor, obey and love him, and remain with him in sickness and in health, in prosperity and adversity; and, forsaking all others, keep yourself only unto him, so long as you both shall live?"

Napalunok ako at napatitig kay Gunner na mataman lamang akong tinititigan din.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Kinapa ko ang sarili ko kung may pag-aalangan pa ba akong nararamdaman. Dumilat ako at sinulyap ang mga magulang ni Gunner na ngumiti sakin at tumango. Muli akong tumitig kay Gunner at hinawakan ang isa nyang kanang kamay.

"Y-yes, I do.."

"Mr.Gunner Mondego, do you take this woman to be your lawfully wedded wife? Will you be to her a faithful, loving, and devoted husband? Will you honor, obey and love her, and remain with her in sickness and in health, in prosperity and adversity; and, forsaking all others, keep yourself only unto her, so long as you both shall live?"

"Yes, I do." Walang gatol na sagot ni Gunner habang hindi bumibitaw ng titig sakin.

"You may now kiss the bride."

Huminto ang mundo ko nang itaas ni Gunner ang belong nakatakip sa buong mukha ko kasabay nang mabilis nyang pagyakap sa bewang ko at halikan ako sa labi. Pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid namin ay nawala. Tanging kami lang ang naiwan.

Ang mga nagpalakpakan at sigaw ng ilan sa mga saksi sa aming pag-iisang dibdib ay hindi ko na narinig dahil nabingi na ako sa halik ni Gunner.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa engrandeng kasalan namin na'to ni Gunner. Unang-una, ang bilis ng pangyayari para sa amin ni Gunner. Pangalawa, hindi ko sigurado kung alam nga ba talaga nya ang salitang mahal kita. Pangatlo, masamang tao sya na may katiting na kabutihan. Pang-apat, alam kong magkaiba ang mundong ginagalawan namin, ibang-iba kumpara sa mundo ko. At pang-lima, hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit kailangan nya akong pakasalan.

Ramdam at alam ko na marami pa syang mga bagay na sikreto sa buhay. Hindi ko agad malalaman ang mga yon lalo na at isa lamang akong pretending wife here.

"Best, lalim ng iniisip ha?" Napalingon ako kay Hannah na mukhang ine-enjoy ang reception na mukha talagang pinaghandaan ni Gunner.

"Bakit mukhang happy ka pa dyan na nasa ganito akong sitwasyon?" Irita kong sabi sa kanya na ikina-ngisi nya.

"Goodluck for your first cherry boom boom later, best!" Tumatawa nyang sambit na ikina-kunot ng noo ko.

"Cherry boom boom?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Bago pa sya makasagot ay may yumakap na sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaki, ang boss naming si Mr.SD. Kahit gusto kong takpan ang pagmumukha ko para hindi nya ako makita ay huli na. Nakita na nya ako at ngumisi lamang sya sakin.

Napatingin naman ako sa tabi ko nang may humawak sa bewang ko.

"Tanong mo kay Gunner best kung ano ang cherry boom boom." Humahagikgik na wika ni Hannah.

"Hannah." Tawag sa kanya ni Mr.SD na hindi naman pinansin ng pasaway kong kaibigan.

"Gunner, ano yung cherry boom boom?" Baling ko kay Gunner na nasa tabi ko.

Napaubo ito at nag-iwas ng tingin na tila ayaw akong sagutin. Siniko ko siya pero hindi parin ako pinansin. Tumawa ng malakas si Hannah na ikina-sulyap ng ibang bisita sa amin.

"Gunner, I'm sorry. Let's go, Hannah." Hinabol ko nalang ng tingin sila Hannah at Mr.SD.

Binalingan kong muli si Gunner na nasa tabi ko parin ngunit may kausap na sya kaya hindi ko natuloy ang dapat sasabihin ko.

Sa tingin ko ay nag-enjoy ang lahat sa engrandeng kasal namin ni Gunner. Nakilala ko halos ang buong angkan nya at hindi ko inaasahan na dadalo sa kasal namin ang kambal na si Ven at Van na talagang pinsan pala nila Gunner.

Hapong-hapo ako sa naging kasal namin ni Gunner. Akala ko ay uuwi na kami pero sa mamahaling hotel pala kami mag-i-stay ngayong gabi at kinabukasan daw ay maaga ang flight namin pa-Russia.

Kaya lang kami agad nakapasok dito sa kwarto ay dahil tinaboy na kami ng mga bisita. Mga pasaway.

This is our first night as husband and wife, and fuck! I really don't know what to do.

Nakasuot pa ako ng wedding gown ko at kating-kati na ako sa tela nito kaya pilit kong inaabot ang zipper sa likuran ko pero hindi ko maabot. Nakailang upo, tayo at ikot na ako ay wala paring nangyayari.

Isa nalang, Riah. Kapag hindi mo pa talaga naabot matulog ka nalang nang naka-wedding dress.

Aabutin ko sanang muli ang zipper nang may humawak sa kamay ko at naramdaman ko nalang na binababa ang zipper nito. Dahan-dahan ang galaw at masyadong pino na hindi ko malaman kung bakit para akong kinakapos ng hangin. Dahil ba sa nagdidikit ang mga balat naming dalawa?

Nang matapos sya ay pinaharap nya ako sa kanya at nasalubong ko ang mga mata nyang humahagod sa kabuuan ko.

"Perfect." Rinig kong bulong nya kaya agad akong natauhan.

"H-hoy! A-anong tinitingin tingin mo dyan?! Pikit mo nga mata mo!" Namumula at nahihiya kong sigaw sa kanya na ikina-ngisi lang nya. Taranta ko namang tinakpan ng dalawang palad ko ang dibdib ko para maharangan kahit naka-tube bra pa ako. Hinila lang naman nya pababa ang wedding dress ko.

"Akala ko likod." Ngising sambit nya na ikina-usok ng ilong ko sa inis.

"Bwisit ka!" Hinampas ko sya sa dibdib na ikinatawa lang nya ng malakas.


"Maligo kana, iche-cherry boom boom kita mamaya." What the hell?

Mafia Boss: Gunner MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon