KABANATA 4

16K 595 30
                                    

(UNEDITED)

Azariah's POV

DALAWANG linggo na ang lumipas nang mangyari ang trahedya sa mama ko. At natutuwa ako na kahit papaano ay may mga lead na kung sino ang pupwedeng gumawa ng ganoong kahayupan kay mama, ngunit hindi ko pa sila nakikilala dahil ang sabi sakin ni Gunner ay ipaubaya ko sa kan'ya ang lahat. Ibibigay daw niya ang nararapat na katarungan para sa pagkamatay ni Mama. Malaki ang tiwala ko sa kan'ya kaya hinayaan ko sa kan'ya ang lahat. Alam kong mas maalam rin siya kumpara sakin pagdating sa mga gnitong bagay. Nagpapasalamat lang talaga ako na mayroong isang tao na tumatayo para sakin.

At yung tungkol sa ginawa kong kalat sa hotel kung saan ay muntik na akong mapahamak ay naayos na niyang lahat. Yung lalaking hinampas ko ng vase ay buhay naman daw at nasisiguro niyang may plano na ito para balikan ako at gawan ng masama kaya mag-iingat daw ako lalo kaag hindi ko siya kasama.

Nakaupo ako sa sala ng mga Mondego nang pumasok ang isa sa pinsan ni Gunner na si Deangelo. Malaki ang takot ko sa kan'ya dahil sa una naming pagkikitang hindi maganda. Mag-iiwas sana ako ng tingin nang makita ko ang duguan niyang damit at mga kamay. Tila pagod na pagod din siya habang pasuray-suray na naglalakad. Umalis ako sa sofa at lumayo nang bahagya sa kan'ya. Tinitingnan ko lang siya hanggang sa ibagsak niya ang sarili sa mahabang sofa. Nang iangat niya ang kan'yang mukha ay nilukuban ng takot ang dibdib ko. Putok ang noo niya at umaagos ang dugo mula doon. Putok din ang kanyang labi na ikinatakip ko sa bibig ko. Nagsisimula na akong mataranta lalo na't kami lang ang tao ngayon dito sa mansyon.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at tiningnan ng mabuti ang mga sugat niya na malalalim. Umalis ako sa tabi niya at kinuha ang mga kailangan ko para malinisan ang mga sugat niya. Umupo akong muli sa tabi niya at hinawakan ang mukha niya. Nanghihina siyang dumilat at lumapat sakin ang mga mata niyang madilim.

"K-kailangan kong gamutin ang mga sugat mo," Kinakabahan kong sambit dahil baka magalit siya sa paghawak ko sa kanya. Nakahinga lang ako ang maluwang nang hindi siya kumibo at ipinikit na lamang ang mga mata.

Nilinisan ko ang mga sugat niya at nilagyan ko iyon ng gasa. Ginupit ko rin ang damit niyang puro dugo para mapalitan ng malinis na damit. Lumantad sakin ang magandang hubog nang katawan niya na ikinalunok ko. Mabuti na lamang at nakaupo siya kaya nabihisan ko agad siya.

Sakto namang pagkatapos kong ayusin ang higa niya dahil nakatulog na siya ay narinig ko ang isang sasakyan na kadarating lamang. Lumayo agad ako kay Deangelo dahil baka si Gunner o isa sa pinsan niya ang dumating, ipapaalam ko sana ang nangyari sa pinsan nila. Ngunit napahinto ako nang pabalyang bumukas ang main door at pumasok doon ang isang ginang na sopistikada at isang babaeng napakaganda. Nadako agad ang tingin nila sakin na ikina-ilang ko.

"Who are you?" Tanong ng Ginang na ikina-kaba ko.

"She's Azariah Cadiente, tita. Ang kinababaliwan ngayon ng anak mong si Gunner." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ang babaeng nasa harapan ko pala ay ina ni Gunner.

Sabay silang lumapit sakin na mas lalong kinakabog ng dibdib ko. Hindi ko malaman ang gagawin dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ang biglaang paghaharap namin ng ina ni Gunner. Napalunok ako ng ilang ulit bago alanganing ngumiti sa kanila.

"Magandang araw po, Mrs. Mondego and sayo miss...?" Napahinto ako nung taasan ako ng kilay nang babaeng katabi ng ina ni Gunner.

"Walang maganda sa araw kung ikaw ang makikita namin!" Mataray niyang sabi bago ako lampasan at tila may hinahanap. "Where's Gunner?"

"H-hindi ko ala..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko si Gunner na papasok at 'tila nagmamadali. "Heto na pala siya." Sabi ko sa babae.

"Kanina ka pa namin hinahanap pero sabi ng babae na 'to ay hindi niya alam kung nasaan ka. Ayaw ka niyang ipakita sa amin ni Tita!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae at agad akong umiling kay Gunner para iparating na hindi totoo ang sinasabi ng babae.

Humalik muna si Gunner sa pisngi ng Ina niya bago lumapit sakin. Hinapit niya ako sa beywang ko na ikinapula ng mukha ko sa hiya lalo na't ang mga mata ng ina niya ay nasa kamay niyang nakahawak sakin.

Mabilis lumapit ang babae samin at akmang yayakap kay Gunner pero agad siyang pinigilan ni Gunner at tinitigan ng matalim.

"What are you doing here, Rosaly?" Malamig na tanong ni Gunner sa kan'ya. So, siya pala si Rosaly.

"I miss you babe. At pwede bang paalisin mo na ang babaeng 'yan dito? Dahil naaalibadbaran ako sa presensya niya," mataray niyang utos kay Gunner na ikina-yuko ko. Pakiramdam ko ay naapakan ang pagkatao ko sa sinabi niya. "Ano pang hinihintay mo? Makakaalis kana! At 'wag ka ng lalapit kay Gunner!" Duro niya sakin pero napa-singhap kami ng ina ni Gunner nang hampasin niya ang kamay ni Rosaly ng malakas na ikina-ngiwi ng babae.

"Out! I want you out in my house!" Galit na sigaw ni Gunner na ikinatalon namin sa gulat. Napakapit ako sa braso niya at pilit ko siyang pinapakalma.

May sinenyasan si Gunner na mga tauhan niya na agad nagsi-lapitan para ilabas si Rosaly na nagwawala at kung ano-anong masasamang salita ang lumalabas sa bibig na nakapagpangiwi sakin.

"Ma, this is Azariah Cadiente, my girlfriend." Tila nabato ako sa kinatatayuan ko sa sinabi ni Gunner.

Ngumiti ng matamis ang ina ni Gunner at ibinuka ang mga braso para anyayahan akong yumakap sa kanya na ginawa ko naman.

"I'm so glad to meet you dear. You're so beautiful!" Sambit niya bago humiwalay ng yakap sakin at hinila ako ng marahan para maupo sa isang sofa.

Nasa mahabang sofa pa rin si Deangelo at natutulog. Hinalikan muna ng Ginang ang tulog na binata bago siya naupo sa kabilang sofa. Si Gunner ay natanaw kong pumasok sa kusina para siguro kumuha ng miryenda namin.

"I'm sorry kanina hija. Hindi agad kita binati dahil kapag ginawa ko 'yon ay magwawala tiyak si Rosaly. But the truth is... I like you for my son. Malamig lang siya pero marupok din 'yun. Matutupok din ang kalamigan niya sa katawan oras na bigyan mo siya ng init." Namula ako sa sinabi niya. Natawa siya ng bahagya at hinawakan ang isang palad ko. "Ingatan mo ang anak ko hija. Huwag mong hahayaang maagaw siya ng kahit sinong babae lalo na ni Rosaly." Ngumiti siya sakin ng matamis bago bitawan ang palad ko. "May tiwala ako sa'yo." Alanganin akong ngumiti sa kan'ya bilang sagot.

Napasabo ako ng wala sa oras.

Dumating si Gunner na may dala ngang miryenda. Sinulyapan pa niya si Deangelo bago bumaling sa ina niya.

"How's Dad?" Tanong niya sa Mama niya.

"He's doing good son. Bisitihan mo siya minsan at isama mo ang kasintahan mo tiyak na matutuwa iyon."

"I'm looking forward for it, Ma."

"Hija, yung sinabi ko sayo ha?" Baling niya sakin na ikina-lunok ko. Si Gunner naman ay kumunot ang noo saming dalawa na tila nagtatanong. "It's nothing hijo. Don't mind us." Natatawang sambit ng mama niya na ikina-ngiti ko ng maliit. "And, Riah... just call me Tita, okay?" Tumango lamang ako at muling ngumiti sa kan'ya. "Oh s'ya! Dumaan lang ako. Mag-iingat kayo dito." Niyakap niya kami parehas ni Gunner bago namin siya hinatid sa sasakyan niya.

Naka-ngiti akong pumasok sa mansyon ng Mondego habang si Gunner ay nasa likod ko. Napahinto lamang ako nang marinig ang sinabi niya.

"Our wedding is tomorrow so, be ready."


What?

Mafia Boss: Gunner MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon