KABANATA 15

11.5K 516 40
                                    

(UNEDITED)

Azariah's POV

Umiiyak ako habang inaayusan ng mga make up artist na kinuha ni Gunner para mag-ayos sakin dahil kasal nga daw namin ngayong araw na ito. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa mga nangyayari ngayon sakin. Damn.

"Miss Riah, feel namin ang nararamdaman mo. Masaya dahil ikakasal kana sa lalaking mahal mo pero mamaya kana maging emosyunal sa simbahan. Naka-ilang ulit na kami ng pagme-make up sayo. Hindi na tayo matapos-tapos." Iritadong sita sakin ng isa sa make up artist. Tiningnan ko lang sya at ibinalik muli ang tingin sa malaking salamin na nasa harapan ko.

Hindi naman ako nagiging emosyonal dahil masaya ako na ikakasal. Umiiyak ako dahil pakiramdam ko wala akong kayang gawin para protektahan ang sarili ko mula kay Gunner.

Si Gunner na makapangyarihan. Si Gunner na kayang gawin ang lahat. Anong laban ng isang ordinaryong tao na katulad ko sa isang taong halos tingalain ng lahat?

"Miss Riah, may bisita ka po. S'ya po ata ang maid of honor mo." Pinahid ko ang mga luha ko at inayos ang sarili.

Masyado pang maaga kaya ayos lang kahit matigil ang pag-aayos sakin.

Pinapasok na nila ang bisita ko daw na maid of honor ko. Siguro isa sa pinsan ni Gunner, wala naman na kasi akong kamag-anak.

"Kamusta, bestfriend?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang bisita ko. Namuo agad ang mga luha ko dahil pakiramdam ko bigla akong nagkaroon ng kakampi sa mundong ito.

"Hannah? Oh, God!" Dali-dali akong tumayo at yumakap sa kanya.

Ang tagal naming hindi nagkita. Umalis pa ako sa kumpanyang pinagta-trabahuhan namin ng walang paalam sa kanya dahil sa nangyari rin noon. Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na makita sya ulit.

"I miss you, Riah! Gaaaad. Ang tagal nating hindi nagkita! Nakakainis ka. Bigla-bigla kana lang hindi nagpakita sakin." Tampo nya sabay kurot sakin na ikina-tawa ko ng bahagya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.

"I'm sorry. Pinuntahan kita sainyo noon kaso may naabutan akong lalaki doon na boyfriend mo pala kaya hindi na muna ako tumuloy." Paliwanag ko sa kanya bago humiwalay ng yakap.

Naupo kaming parehas habang magkahawak-kamay.

"Bakit pakiramdam ko iba ang dahilan ng pamamaga ng mga mata mo? O masyado ka lang talagang emosyunal ngayon dahil ikakasal kana?" Panunudyo nya pero umiling lamang ako.

Kinwento ko lahat-lahat ng nangyari sa kanya simula nung nawala ako at hindi na nagpakita sa kanya. At tulad nga ng inaasahan, kapag bestfriend mo, mas galit at gigil pa sayo ang reaction kapag may mga nangyayari sayong hindi maganda.

"Tanginang, Gunner yan! Parehas sila ng kaibigan nyang siraulo! Mga gago at walang puso! Hindi siguro sila mahal ng mga mama nila kaya ganyan mga ugali nila!" Gigil nyang sambit.

"Kaibigan? Sinong kaibigan?" Nagtataka kong tanong.

"Edi yung nagpakilala sayong boyfriend ko kahit hindi."

Naalala ko yung araw na tinawanan ako nila Gustavo dahil napagkamalan kong kasintahan ni Hanz si Damien. Sa klase ng pananalita ni Hannah ay alam kong hindi nga sila okay nung Damien, kaya siguro patago syang pumapasok sa loob ng bahay nila Hannah at kay Hanz sya dumi Anong klaseng utak meron si Gunner at Damien?

"Excuse me, Miss Hannah, kailangan na po maayusan ni Miss Riah. Mapapatay po kami ni Mr.Mondego kapag na-late sya sa kasal nila." Napairap kami ni Hannah sa sinabi ng isang bakla.

Niyakap muna ako ni Hannah bago sya lumabas.

Huminga ako ng malalim bago nagpa-ayos sa mga make up artist. After this, anong mangyayari?

Mafia Boss: Gunner MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon