24| Matrimonial Bed

2.9K 114 11
                                    

SKIPPER

"It changed a lot," Tricia said after looking around the place.

Nasa Anda, Pangasinan kami ngayon dahil sumama si Tricia sa akin para sa gagawin ko na photoshoot. Isasabay na din namin ang bakasyon at pag-iisip kung paano mas mapapaganda pa itong resort.

I bought this property before I married Tricia.

Noon, wala naman akong interes sa pagpaparami ng mga ari-arian dahil lumalago naman ang pera ko kahit wala akong ginagawa. Panay invest lang ako kina Trey at Darco. Pero nang mahalin ko si Tricia, I got this urge to grow my assets more. Pakiramdam ko kasi ay hindi sapat ang mayroon ako para maipagmalaki n'ya.

Mas mayaman pa din si Tricia kaysa sa akin ngayon, pero gusto ko na mapantayan s'ya. It's not about my ego. It's all about my capability to provide for her.

I promised Tito Tee that I'll give my all to provide a good future for my wife and our future kids. Magsisikap ako para mabigyan din ang mga magiging anak ko ng buhay na naibigay nila Tatay at Tito sa amin ni Tricia.

"It's still under reconstruction kaya medyo magulo pa. Pero may part naman na na naayos na kaya doon na muna tayo," paliwanag ko kay Tricia.

Hinayaan ko si Tricia na tumingin-tingin na muna. Ngayon na lang ulit s'ya nakabalik dito matapos kong mabili ang lugar. Natataon kasi na abala s'ya sa trabaho o di kaya'y nasa ibang bansa sa tuwing bumibisita ako dito.

"Malaki na ang iginanda within a year," Tricia said then helped me with our luggage.

Ang handbag n'ya lang at ang camera bag ko ang ipinadala ko kay Tricia. Ako na ang nagdala ng lahat ng mga gamit namin.

We planned to stay here for two weeks. In two days, dadating na ang team ko sa G&S para ayusin ang lugar at mga props. The next day, the models will be here. We'll be taking shoots for two days, then I'll throw a party for them on the night of the second day, then they'll be leaving the next day.

On our second week, darating sina Adam at Tiana. I asked them to oversee the construction of the hotel. They'll be here for three days for their ocular visit. And the days after that, uubusin na lang namin ni Tricia sa isa't isa. We're still in the honeymoon stage after all.

"Medyo natagalan ako sa pagpapa-clear ng area. Nahirapan din 'yong kinuha ko na contractor sa paglalagay ng perimeter fence," kuwento ko sa kanya. "Busy pa kasi si Adam sa Cebu that time kaya lokal na lang dito ang kinuha ko."

Tricia giggled. "May ibang engineers naman ang AVPL. Kailangan talaga si Adam?"

"That's what your Daddy wants. He asked me to give this to Adam and Tiana," I smirked.

Tito Tee is trying to be a matchmaker. As a good son-in-law, I should support him.

"I want to keep everything here as natural as possible kaya hindi ko masyadong pinapagalaw 'yong sa bandang beach front," I informed my wife. "'Yong resort kasi na nakatayo dito dati panay mga cottages sa beach front ang nakalagay, kaya natagalan din bago nahawanan."

Tricia started giving out suggestions. I agreed on most of the things she suggested. Gusto ko din na medyo malayo ang hotel at mga villa sa dagat. Magpapalagay na lang ng wooden path patungong beach front. Gusto ko din na may mababang bakod na maghahati sa shore at establishments na ipapalagay ko sa resort.

"Mas maganda din siguro kung elevated ang hotel para kahit nasa medyo mababang floor, tanaw pa din ang dagat sa mga balcony," Tricia added.

"Itanong na muna natin kay Adam kung pwede ba 'yon. Na patambakan ang area para tumaas ang ground level," I smiled at my wife.

Kinawayan ko si Ampot, and anak ng katiwala ko dito, para lumapit sa amin.

"Baby, this is Ampot. Anak s'ya ni Mang Dong, 'yong katiwala natin dito," pakilala ko. "Pot, asawa ko, si Ma'am Tricia n'yo."

"Magandang umaga po, Madam!" masiglang bati ni Ampot. Nahalata ko pa ang paninitig n'ya sa asawa ko.

Nangiti si Tricia sa punto ng pagsasalita ni Ampot. Bahagyang kumaway lang s'ya at ngumiti.

Yeah. You can't expect Tricia to shake hands with the commoners.

"Pakidala na lang 'to d'on sa cottage namin. Iwan mo na lang sa may pinto. Salamat," bilin ko sa mga gamit namin.

Kinuha ko na ang bag ng camera ko kay Tricia at hinawakan ko s'ya sa bewang. Ako na din ang naghawak sa payong na dala n'ya.

"Gusto mo ba na tignan muna ang beach, o gusto mo na kumain na muna?" I sweetly asked her then leaned down to kiss her neck.

Tricia giggled a little. "Puwede ba na sa beach kumain?" 

I gently bit her shoulder then kissed her on the cheek. "Sure, baby. I'll have our foods served on the floating restaurant."

"May floating restaurant?"

"Uh-huh," I proudly said. "Hindi pa s'ya tapos pero may space naman na for few tables. Pina-rush ko para may kakainan din ang mga tao during the shoot."

Ang bandang dagat ay hinati ko sa tatlong area. Ang kanang bahagi ay ang floating restaurant na mapapagitnaan ng apat na floating villa. Sa ngayon, ang isang bahagi pa lang ng floating restaurant ang nayayari. Hindi pa tapos sa pinaka-kitchen dahil sturdy support daw ang kailangan doon. Ang sabi ng engineer ay nasa shoring pa lang daw sila.

Malapit sa floating restaurant ay magpapalagay ako ng wooden port na may boat house para sa rentals ng diving gears at water sports equipment.

Sa bandang gitna, I am thinking of an artificial sand bar. Maganda sana 'yon para sa picture souvenir. Pero kailangan ko pang i-consider ang magagastos ko para doon. Hindi ko naman puwedeng ubusin ang lahat ng pera ko para dito sa resort.

Ang kaliwang bahagi ay rock formations. Naisip ko na 'wag nang galawin 'yon para doon malayang makalangoy ang mga guests, at magandang magkuha ng pictures doon. Sa banda na lang ng shoreline noon ko iniisip na magpalagay ng mga sun loungers at umbrellas. Puwede din ang ilang mga maliliit na tindahan para mabigyan ko ng kabuhayan ang mga lokal dito.

Balak kong magpalagay ng malaking tiki bar sa bandang gitna ng resort, at maliit na stage para sa mga puwedeng mag-perform para sa mga guests sa gabi.

"Saan banda ang magiging room natin for now?" tanong ni Tricia habang nakasilong kami sa ilalim ng malaking puno.

"There," I pointed the top of the cliff.

I smiled when I saw the satisfied expression on my wife's face.

At first, naisip ko na buksan sa publiko ang parteng 'yong ng resort para sa cliff diving. Ngunit nang maisip ko na gusto ko nang pakasalan si Tricia, mas ginusto ko na iregalo ang rest house sa kanya sa kasal namin. Unfortunately, hindi iyon umabot. Hindi pa tapos ang construction ng bahay nang magpakasal kami.

"Ipapaayos pa ang daan paakyat kaya hindi pa kaya ng sasakyan na dumaan doon. Hindi naman s'ya masyadong matarik kaya hindi nakakapagod lakarin. But for now, we'll ride the backhoe to get there," natatawang sabi ko.

"Okay," Tricia replied. She's still in awe as she looked up at the house.

"You like it?" I asked then I hugged her from the back.

"Very," Tricia murmured.

I started kissing her neck. Soft moans erupted from her.

"Are you ready for the honeymoon?" I whispered near her ear.

We're married for months now, but I am still not claiming her. I want our first to be memorable, and I want it to be on our matrimonial bed.

'Yong kama namin d'on sa villa ang unang kama na pagsasaluhan namin na nabili ko bilang asawa n'ya.

I'm sure, this resort will be my favorite place.


_________________

11 January 2019

SkipperWhere stories live. Discover now