1: Beginning

118K 2.4K 118
                                    

WARNING!

You are now entering the beginning of the story. Lame chapters ahead so your patience and understanding are a must.

***
Louise's POV

Nang marinig kong tumunog ang alarm clock ko ay nakapikit pa akong kinapa ito sa may sidetable ko at pinatay.

Tapos bumangon na ako at nag-inat sabay hikab.

Dumilat ako at hinanap ang slippers ko. Sinuot ko iyon at nagmartsa na papasok ng banyo.

Tinawag ko ang maid namin at pinahanda ang bathtub ko. Tapos nung sinabi niyang handa na, pumunta na ako sa CR ko at nagbabad sa bathtub.

At dahil medyo inaantok pa ako, nagpasya muna akong umidlip saglit. Haays, kapuyat kasi yung pinanuod kong movie kagabi. Tinapos ko kasi yung buong series ng Twilight. Hihi. Gwapo ni Edward eh.

_

Bigla akong nagising sa mahimbing na pagtulog nang marinig ko ang boses ng maid namin na kumakatok sa pinto ng CR.

"Mam Louise?! Mam Louise? Ayos lang po ba kayo diyan? Mam Louise! Ano na pong nangyari sa inyo?! Mam Louise!" tawag sa akin ng maid habang kinakatok ang pinto ng banyo. Tss. OA niya huh? Nakatulog lang naman ako dito sa bathtub akala mo naman kung makasigaw eh patay na ako.

"I'm still alive! Stop yelling!" sigaw ko. Bwisit naistorbo tulog ko.

"Sorry po Mam Louise. Malelate na po kasi kayo sa school. 7am na po. Nagagalit na po si Sir."

"Yaah. Whatev--Whaaat?!" agad akong umahon sa bathtub at sinuot ang bathrobe ko. Napahampas na lang ako sa ulo ko. I forgot that I have school to attend nga pala. Tsk. Pagkalabas ko ng CR ay nakita ko sa harapan ko ang maid.

"Bakit hindi mo naman sinabi agad sa akin?!" sabi ko.

"Sorry po Mam Louise. Kanina ko pa nga po kayo kinakatok sa banyo hindi naman po kayo sumasagot." napairap na lang ako sa dahilan niya.

"Okay. Get out. Magbibihis na ako." sabi ko kaya nga lumabas na siya. Nagmadali naman akong magbihis at mag-ayos. Tapos saka na ako bumaba papuntang garage.

Tsk. Wala na akong oras para kumain pa ng breakfast kaya papasok na ako.

Bigla kong makasalubong si Dad na mukhang papunta na ng dining area. Nakita ko sa mga mata niya ang disappointment.

"Louise, you're late again. I told you to quit staying up late." sermon niya sa akin. And there I told you he's gonna sermon me. Umagang-umaga.

"Wala na akong time Dad. Aalis na po ako." sabi ko sabay nilagpasan siya. Kasi for sure mahaba-habang sermon pa iyan kung papakinggan ko siya and I'm gonna be late for good.

Dumiretso na lang ako papuntang garage at sumakay sa kotse ko. Inistart ko ang makina at agad pinaharurot ang kotse papuntang school. Yeah, I have my own car. Perks of being rich sis.

Nang makarating na ako sa school ay pinarada ko na ang kotse ko sa parking lot. Sakto namang pagkababa ko ng kotse biglang nagring ang cellphone ko.

Nabasa ko ang pangalan ni Leen sa screen kaya agad ko itong sinagot.

"Hello."

[Hello, Louise. Nasaan ka na?]

"Nandito pa sa may parking lot. Naglalakad papasok ng building. Bakit?"

[Nandito kami sa may playground. Dito sa may elementary department. Pumunta ka dito.]

"Huh? Bakit? Nagcucutting kayo? Wow. Leen, himala ah? Nagcucutting ka na pala?" I chuckled. As if naman magcutting itong gaga na ito. Eh running for honors ito. Hahaha!

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon