You RACE me up!

Start bij het begin
                                    

Siya ba ang karma ko?  Mabait naman po ako ah? Hindi naman po ako suwail, although masungit  lang po at isnabera pero hindi naman po yun malaking kasalanan di ba po?

Shemay naman oh!

Sa sobrang pagkagulat ko hindi na malaman ang dapat kong gawin.

At imbes na siya ang gulatin ko dahil ako ang kakarera nito, Ako ang nagulat dahil siya pa pala ang kakarera ko!

As in! Gulat to the max!

Seriously talaga? Siya pa rin talaga? Wala bang ibang tao dito sa school at siya na naman toh?

"I-ik-ikaw??"- Finally.  Nagawa ko na rin mabigkas yan. Ang hirap ah! Di ko talaga akalaing  ganito. Sana pala hindi ko na siya kinompronta. Tsk..

"Talagang sinusundan mo ako noh?"- Pasigaw kong sabi.

Ano pa nga ba? Palagi nalang kaming nagpapangabot eh.

"Excuse me miss, wala akong panahon sayo."- Walang emosyon niyang sabi. Siya pa mukhang galit ah? Makikita mo!

Biglang naginit ang ulo  ko sa kahambugan nito ah. Wala daw siya panahon sa akin? Kaya pala  palagi niya kong inaabangan. Kakatawa ang unggoy.

At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na nga siya na ang kapal ng mukha niya.

Sira ulong ito, denial pa. If I know, stalker nga siya.

Kapal ng pagmumukha nito sarap hampasin ng helmet.

"At first nag-dive ka sa akin, second nakila Ackerman ka, tapos ngayon nakikipagkarera ka naman sa akin. Tell me, are you planning to get close to me?"- Poker face lang siya habang sinasabi yan. Kilay niya lang ang kumukunot sa tuwing  nagsasalita rin siya ng pagalit.

"What? Why the hell on earth would I plan to get close to you? I never knew you exist!"- I said  that from top of my lungs! Super kapal ng face sabihin yun?

Ako pa daw ang trying to get close to him? Kadiri! Yuck! Bwaaak!

"At first, ikaw ang  humara hara sa tatakbuhan ko kaya ako napa-dive sayo! Siguro sinadya mo yun noh? Inintay mo talagang daraan na ako kaya lumabas ka na dun para  makabangga ako!"- Pasigaw ko pa ring sabi.

Napansin kong sumama ang tingin niya lalo sa akin. Mukhang pumapatol toh sa babae ah.

"Second, I lived there that's why nandun ako, ikaw ang dumayo. Siguro talagang sinusundan mo ko hanggang sa makauwi ako noh? At lastly, ikaw ang unang nanghahamon sa akin noon na kumarera kaya ikaw ang nauna!"- Totoo naman diba? Siya  naman talaga ang nauna eh.

"Siguro stalker ka talaga noh? Tss."- Siguro nga talaga.

Syempre hindi siya pumayag na siya ang stalker kaya nakipagbangayan ang unggoy, parang bata naman ito. Tsk.

Habang nagbabangayan kami, tila para na siyang napuno.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit sa akin.

To make it official daw, magkarera daw kame. What a stupid idea! Parang nakipaghamon siyang  unggoy na makipaglangoy sa pagong. Tss.

Ang yabang talaga!

"On Saturday, C.E. Ackerman Sports Complex."- Siya.

"Seriously?"-  Nabigla ako sa sinabi niyang venue. Alam niya pala yun?

"If I win, you'll gonna admit that your the stalker.."- Siya.

What the--? Me? No way!

"Seriously? And if I win?"- Ako.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu