Foudation Week

871 22 5
                                    

Kirsten's Point of view

Foundation week namin ngayon and it's been 6 months since last kaming nag usap ni Donny,ewan ko ba kung pano nami nagagawang hindi mag usap. Oo nga pala taga bantay ako ngayon ng booth para sa bussiness fair naming mga highschool students.

Lunch time na kase dapat namin pero dahil  hindi ko naman pwede iwanan ng walang tao yung booth ay nagpaiwan nalang ako sa  booth at pinauna nalang yung mga kagroup kong kumain.

" One piece of Kirsten Delavin pls "Nakayuko ako dahil sa naglalaro ako sa phone ng may familiar na boses ay magsalita sa unahan ko. Si Tony pala.

"Out of order po e, any other order sir?" Natatawa kong sagot sa kanya at ibinaba yung cellphone ko at tumayo ng ayos.

"Anong ginagawa mo dito Tons?" Tinignan ko pa yung dala-dala niyang paper bag at nakaporma pa siya.

"Binibisita ka for the last time?" Saad niya na dahilan para lumaki ang mata ko. Paanong for the last time?

"Hoy anong last time? Lika nga dito!" Pinapapasok ko sana siya sa booth namin kaso ayaw niya, ako nalang daw ang lumabas at mag usap kami. Pero dahil wala ngang mag babantay sa booth ay inantay pa naming makabalik ang mga kagroup ko bago kami nag-usap.

"Sure ka na ba talagang pumunta sa ng america?" Sigaw ko habang naglalakad kami kaya medyo may mga taong nagtinginan sa amin. Itong si Tony kase.

"Oo, for good na ito. Next week na flight ko,so Dapat sulitin mo na ang mag sandaling kasama mo ako. Pwede ka pang magtapat ng feelings mo sa akin" Pang aasar niya at inakbayan ako "Hindi naman kita irereject" Dagdag pa niya

"Wag ka feeling, baklang  'to" At tinulak ko tuloy siya ng mag malakas para bakasakaling matauhan.

"Uy Sharlene" Sakto naman pag tulak ko ay dumaan sila Donny at Sharlene. Nandito din pala si Sharlene sa school tulad ni Tony as outsider.

"Donny?" Napatigil tuloy kami ni Tony sa paglalakad ng nakita ni Tony si Donny na inalalayan si Shar.

Agad naman akong tinitigan ni Tony pero nakuha ni Donny yung atensyon ko na tumingin din sa amin ni Tony.

"Tony kamusta na?" Tanong ni Donny at pinaayos ng tayo si Shar dahil sa pagkaka-out of balance nito sa pagkakasagi namin ni Tony dito.

"Okay naman ikaw? Jowa mo?" Diretsong tanong ni tony pero halata kong awkward yun.

Hindi naman na nakasagot si Donnt sa tanong ni Tony nun ng biglang tumunog yung tiyan ko,sa sobrang gutom siguro.

"Okay ka lang Kirsten?"Alalang tanong ni Tony at inakbayan ako "Sige Dons una na kami ni Kirsten papakainin ko muna 'to at hindi pa 'to naglalunch" Pasintabi ni Tony kaya nauna na kami kila Donny. Lumingon pa ako sa kanila pero naglakad na sila papunta sa kubo. Siguro mag uusap silang dalawa doon.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo, hiwalay na ba kayo ni Donny?" Agad naman akong napaharap at napalakad ng ayos ng magsalita si Tony. Nanlilisik pa yung tingin niya.

"Gags ka, hindi naman naging kami" Siniko ko siya sa tagiliran niya.

"Pero dib---"

"Friends lang kami" paglilinaw ko pa rin sa kanya.

"Edi tayo nalang?"Napatitig ako sa kanya ng masama sa sinabi niya. Bago ko siya binatukan.

"Umalis ka na nga lang. Ngayon na ihahatid pa kita" Saad ko bago tumawa. Pagkatapos nun ay kumain na kami ni Tony at pagkatapos ay inihatid na ako sa booth namin bago nagpaalam. Susunduan nalang daw ako ni Tony mamaya para daw masulit yung oras niya na kasama niya pa ako. Tsk kala mo naman ako yung girlfriend niya.

Love You So Bad |DonKiss|Onde as histórias ganham vida. Descobre agora