Childhood Something?

1.7K 73 5
                                    

Cuatro: Childhood Something?

Donny's Point of view

"Hindi ko siya nilandi Kirsten" Nasa Gymnasium ako ngayon, nasa may pintuan lang ako.

Nasa gitna ng Gymnasium sina Heaven at Marco,yung nakaayaw ko dati. At Madaming tao ang nakapaligid sa kanila ngayon, pinagchichismisan sila.

Napaluha si Heaven pagkasabi niya nun kay Kirsten, na nasa may gilid ng gymnasium malapit lang sa kinaroroonan ko.

Bigla nalang akong nagulat ng biglang tumakbo si Heaven palabas ng Gymnasium at binigyan din naman siya ng daan ng mga estudyanteng nakapaligid.

"Wala naman kase talagang kasalanan si Heaven" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Clauda sa gilid ko bago naglakad palabas ng gymnasium.

Pero dahil nacurious ako sa kung ano ang meron kayla Kirsten,Heaven at Marco ay hindi muna ako lumabas ng makita kong nagpaiwan si Kirsten sa gymnasium, nakatayo lang .

"Bakit mo kailangang pahiyain si Heaven?" Tanong ni Kirsten habang nakatingin ng diretso kay Marco.

Lumapit naman si Marco papunta kay Kirsten bago sumagot "Dahil Gusto ko? It pleases me" Mapait na sagot nito at naglakad na palabas ng gymnasium

"Hold her tight or she'll drown with me" Bulong ni Marco pagdaan sa akin.

Anong gusto niyang iparating sa sinabi niya? Hindi ko makuha yung point ng sinabi niya.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Marco sa akin at iniwan ko nalang si Kirsten na nakatayo sa gymnasium mukha kaseng kailangan niyang mapag-isa.

Pero naglalakad na ako palabas ng bigla akong nakarinig na malakas na tunog ng pagbagsak ni Kirsten sa sahig kaya agad akong napaharap sa kanya at napahinga ako ng mahuwag ng makitang nakaupo siya, kala ko hinimatay na siya kanina.

Babalik na sana ako sa paglalakad palabas ng biglang magsalita di Kirsten

"Hindi naman ako masamang tao diba?" Tanong nito pero hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung tanong niya ito para sa akin o kung sa hangin lang dahil hindi niya naman alam na nandito ako.

Tinignan ko lang siya ng bigla siyang humarap sa kinaroroonan ko. "Sumagot ka naman!" Hindi ko alam yung kasalanan ko pero nagkasabi niya nun ay bigla siyang humagol-gol kaya wala na akong nagawa kundi palitan siya.

"Naging mabait na kaibigan ako kay Heaven, Sinusuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya, pinagtatanggol ko siya, tinuring ko siyang kapatid at si Marco! Shit siya yung first love ko! Siya yung taong kahit alam kong masasaktan ako, kahit alam kong gago siya, kahit alam kong Shit! Minahal ko siya! Pero bakit ganto?!" Hindi mapigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Kirsten.

Umupo ako sa tabi ni Kirsten bago hinawakan yung kamay niya.

"Hindi mo kasalanan ng hindi ka maging sapat sa kanila, kasalanan mo lang kung magpapaapekto ko dahil sa mga ginawa nila" Sabi ko sa kanya with my comforting voice.

Agad ko namang tinanggal yung kamay ko sa kamay niya at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya.

"Pano ako hindi maapektuhan kung parehas silang mahalaga sa akin, ayokong masaktan sila pero bakit ako nalang lagi ang nasasaktan!? Hindi ko na alam sino ang totoo sa akin" Saad ni Kirsten at tumingin sa lapag.

"Hindi ko na alam sino yung nagsasabi ng totoo sa kanilang dalawa "Nanlulunong saad ni Kirsten at nagpatuloy na naman ang pagluha niya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga nangayayari kay Kirsten kaya lumapit nalang ako sa gilid niya. Hinawakan ang baba niya bago pinilit itaas ang mukha niya para tiningin siya sa akin.

Love You So Bad |DonKiss|Место, где живут истории. Откройте их для себя