Band

663 24 2
                                    

Diecisiete: Band

Kristen's Point of view

"Kristen!" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Michelle pala kasama sila Markus ,Ysabel at Donny. So ako lang pala ang wala.

Tinignan ko lang si Michelle ng "ano yun" look kaya nagsalita nalang agad siya.

"Official band na tayo ng school. Pumayag na si Donny na maging band tayo, at sabi mo naman kung ano say ni Donny doon ka"Masayang saad ni Michelle at nagsingitian sila pero agad akong napatingin kay donny na halatang pilit yung ngiti.

"Ah Donny pwede ba tayo mag-usap?" Diretso kong tanong at hinila si Donny palayo sa tatlo buti nalang at nagpahila din siya dahil mas malaki siya sa akin ang hirap niyang hilain.

Nung nasa may sulok na kami agad ko din naman silang binitawan at tinignan sa mata.

"Bakit ka pumayag?" Tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Dahil gusto kong maging banda tayo, kase syempre kung ayaw ko aayaw ako" Saad niya na medyo nainis ako.

"Diba sabi mo ayaw mong malaman yung tungkol sa pagpapasurgery mo sa bukol sa lalamunan mo ? At Donny, hindi maiiwasan na pakantahin ka pag naging banda na tayo sa school" Saad ko na parang hindi niya masyadong sineryoso.

"Masyado ka namang concern sa akin okay lang ako kaya ko sarili ko bestfriend" Saad niya at hinawakan ako sa magkabila kong balikat bago nagsabihing okay.

Hindi ko alam bakit ako nagagalit, bakit ba kase ang concern mo sa kanya e wala naman pala siya paki alam, siguro masyado ko lang siyang tinutulungan sa pag rerecover.

"Okay" Cold kong sagot at hinawi ko yung kamay niya sa balikat ko bago naglakad papabalik sa room.

Nang madaanan ko yung tatlo nginitian ko nalang siya at dumiretso na sa room.

Siguro dapat ilayo ko an yung sarili ko sa kanya, dapat ibalik ko yung buhay ko dati na mahilig makipag usap sa lahat.

--
Pagkatapos ng araw na yun nagsipuntahan na ang mga magulang namin sa school para sa contract signing namin para sa banda, nagulat ako kase nagawa nila tito anthony at tita maricel na pumunta kahit nasa manila sila.

Kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na kaming lahat sa bahay na provided ng school para sa amin.

Apat palapag na bahay pero halos lima na din dahil may maliit na hagdan naman galing sala papuntang kwarto namin, sa unang floor parang garder lang na may maliit na pool at gym tapos parking,sa second floor ay ang recording room at studio para sa pagpapractice. Third floor o sala/ kitchen at halos limang hakbang lang ay ang hallway papunta sa mga kwarto na namin.

Pinili kong kwarto ang ang pinaka unang kwarto katabi ng kwarto ni Michelle pero katapat ng kwarto ni Donny na medyo ayoko, bakit ba bakit yun ang pinili niya.

Samantalang katapat ng kwarto ni michelle ang kwarto ni ysabel at napapagitnaan ang kwarto ni markus.

Masyadong elegante yung dorm na provided ng school dahil may managment na din silang nakuha para imanage kami,if I know lang si Donny lang talaga pakay nila sa bandang ginawa nila.

Alam ko naman sa sarili ko, alam ko lang din kakayahan ng mga kaibigan ko at hindi yung talent na pinakita namin nung performance ang pupukaw sa atensyon ng school at isang management. Hindi naman kami artistahin tulad ni Donny.

May career na si Donny dati sa manila at sa pag kukwento nila Ysabel dati, siya ang pinaka sikat sa band niya, bakit nga naman nila papakawalan na kunin si Donny at pasikatin uli kung may fanbase na siya?

Agad akong nagkulong sa kwarto pagkadating namin sa dorm, gagawa nalang muna akong assignment at bumaba lang ako ng tawagin na nila ako para kumain

Si Ysabel ang nag luto ng pagkain namin, buti nalang ako may marunong sa amin mag luto. Atleast hindi kami magugutom. Okay na din.

Habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin, un nalang ginawa ko dahil hindi naman ako maaasahan sa pagluluto, ay biglang may kumatok sa pintuan namin. At pagbukas ng pinto ay may isang babaeng makatayo.

"HI, I'm Lyn ako ang magiging road manager niyo" Agad pinaupo ni Markus si Ate Lyn sa sala kaya nagsilapit na din kami sa kaniya.

Nagdiscuss siya sa magiging schedule namin every week, kelan ang practice namin,recording, if may gig kami or may dance lesson kami,acting lesson at voice lesson.

Medyo maguguluhan lang ako bakit may dance at acting lessons pa kami kung banda lang kami pero parang okay na din naman un kaya hindi na ako umalma.

Halos after 1 month ay magpeperform na kami sa school,may event ata at doon kami ipapakilala as band so sinabihan niya din kami na ihanda yung sarili namin.

Every monday ay free day namin parehas pag sunday.
Tuesday ay ang acting lesson namin
Wednesday ay ang voice lesson
Thurday ang recording if may irerecord pero pag wala, free day namin
Friday lessson namin sa instruments
And saturday ang dance lesson namin

So medyo full ang everyweek namin.

After nun ay umalis na si ate Lyn at nagsitulog na din kami pagkatapos ng ilang oras.

--
Its our official firstday sa dorm na to, first time namin maglalakad papasok ng school. 10 minutes lang naman daw ang layo ng dorm namin sa school pero dahil hindi pa ako ganun kasanay sa dorm maaga pa rin ako gumising at umalis.

Paglabas ko ng kwarto ko ay agad bumungad sa akin si Donny, What a morning.

Agad ko nalang inalis yung tingin ko sa kanya kahit nagkatitigan na kami. Nakain siya nun sa may dining table at mukhang naghanda siya ng almusal para sa aming lahat.

"Good morning Kisses" Saad niya at tumauo sa pagkakaupo niya at mukhang sasalubungin ako pero agad akong umiwas sa pagsalubong niya.

"Una na ako"Cold kong saad sa kanya at pinilit na ngumiti sa kanya

"Hindi ka ba kakain muna?" Tanong niya na dahilan para tumigil ako.

"Sa School na busog pa naman ako"Saad ko at nagpakita uli ng kunwaring ngiti.

Mapapahinga na sana ako ng maluwag at didiretso na palabas pero nagulat nalang ako ng bigla niyang hinalin ung kamay ko at inilagay ang isang apple sa palad ko.

"Di magandang pumasok ng hindi nag aalmusal"Saad niya at sinarado yung kamay ko hindi ko na siya tinignan naglakad nalang ako dirediretso.

Bakit mas pinahihirapan mo akong layuan ka donny? Pwede bang tigilan mo na yung pagiging maalalahanin mo sa akin kase naguguluhan lang ako,baka hindi ka lang sa akin ganto,baka talagang maalalahanin ka lang, gentleman, walang special sa yingin mo sa akin,kaibigan lang talaga.

©LYSB

Follow me here in wattpad,Dm me for Suggestions, Be updated

🐥Twitter: HeyLauraBel

Happy 15k+ Readers guys Road to 16k+!

Namiss niyo ba ang update? Mag uupdate na po ito si Author Promise.

Love You So Bad |DonKiss|Donde viven las historias. Descúbrelo ahora