Practice

1.5K 56 5
                                    

Siete: Practice

Kirsten's Point of view

"Ano Kristen ganon-ganun nalang, Hindi ka man lang mag kukwento tungkol sa date niyo?" Nakuha ako ng gamit sa locker ko ng biglang nagsalita si Michelle sa gilid ko.

Napakunot naman ako ng kilay at tumingin ng masama sa kanya dahil sa sinabi niya, Date na naman to.

"Mich, magkaibigan lang kami ni Donny, Friends okay?" Sinarado ko na yung pinto ng locker ko at nilock yun.

"If you say so hmp! Maiba ko nga pala usapan, dahil hindi mo kami sinipot ni Tonny nung sabado wala ka man lang pag hingi ng tawad? Like kain sa labas or movie marathon sa bahay niyo?" Pangungulit ni Mich at ginigitgit pa ako.

"Michelle naman ang daming alam may paganun-ganun pa" Ingit ko at pumasok na sa room at umupo sa upuan ko

"Oo syempre kailangan nun, nang iinjan ka kase tapos alam mo namang patay na patay sayo si to-- ay " Napalaki yung mata ko at napatanong ng Ano.

"Ano! Sabi ko alam mo namang patay na patay kami sa magulang ni Tonny kase may jetlag pa naggala na tas di ka dumating, yun!" Saad ni Michelle at ngumiti baka nagpaalam na, para ding sira e.

Hindi ko nalang siya pinansin at inilapag nalang yung ulo ko sa desk ko at hinarap sa may bintana. Maaga pa kase wala pang masyadong estudyante, Lima palang kami.

--

10:40 na at Mapeh Time namin ngayon. Nasa practice room kami ng Singing lesson para sa music session namin tulad sa regular class room ang sitting arrangement namin kahit ang classroom mas malaki at malawak lang dahil may stage and tools para sa pag kanta ,may piano at iba't ibang instrument sa unahan, ang astig nga e.

Ang activity namin ngayon ay by group. Five persons per group at syempre pag grouping automatic na magkakagroup kami ni Michelle at Ysabel pero kulang pa kami

Pinabayaan ko na sila Ysabel at Michelle na maghanap ng makakateam at yumuko nalang, medyo wala din kase ako sa sarili ko ngayon dahil gutom na ako at lunch lang ang napasok sa utak ko, alam ko din namang ipapa-aasignment din yan sa amin dahil 20 minutes nalang time na at imposibleng gumawa ng performance sa ganong oras diba?

"Kirsten may balak ka bang makinig?" Napa taas ako ng ulo at nakita ko si Michelle, Ysabel, Markus at Donny.

"Oh komplete na pala tayo" Walang gana kong saad at tiningin kaila Ysabel at Michelle.

"Di pa tayo kompleto, wala ka sa sarili mo e" Saad ni Ysabel at inikot ang tungin sa aming lahat.

"Dahil wala na din naman time ngayon guys, pwede ba tayo mamaya mag meeting? After lunch kase para nasa sarili na din si Kirsten" Saad ni Michelle at pangiti naman ako. Gutom na ako e.

Napag usapan namin na mag kita kita nalang sa may parang park nalang ng school para mapag usapan yung activity.

--

1:45 na ng magkumpleto kami sa may park hindi na din kami nahirapan mag kita kita dahil magkakasama naman kaming tatlo at sila Donny at markus ay magkasama din

"Kelan ba ito ipeperform?" Tanong ko kaagad na nakapukaw sa kanila. Ako lang ata di nakakaalam kase sabay sabay silang sumagot ng Next Friday.

"Ahh, sorry naman. So ano na gagawin natin? Anong kakantahin?" Tanong ko at tinaas yung kilay ko.

"Sino marunong kumanta at mag instruments?" Tanong ni Ysabel.

Nagtaas si Markus na maruning daw siya kumanta.

Si Donny namang sinabing pwede daw siya mag Piano or drums

Si Michelle ay sinabing pwede daw siya mag guitar

Love You So Bad |DonKiss|जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें