Confused

1K 51 3
                                    

Catorce: Confused

Kristen's Point of view

"Nasan na si Donny? Tinotoo niya talaga na di siya sasama"Tanong ni Markus ng makadating siya sa room at napansin niyang wala na si Donny.

Kahit nga kami hindi namin napansin na umalis na pala si donny e hindi man lang siya nagpaalam,Ano bang problema nun?

"Nag-away ba kayong dalawa Kirsten?"Hindi ko alam pero nainis ako ng natungin nila ako. Ewan ko na sanay na naman akong inaasar kay Donny pero naiinis lang talaga ako.

"Binasted mo ba?"-Ysabel

"LQ?"-Michele

"Tigilan niyo na nga kami"Nagpipigil kong sagot sa kanila pero hindi pa rin nila ako tinigilan at naglakad pa sila sa unahan ko.

Donny, kung nandito ka napatigil mo na sila kaso wala ka, first time wala ka para protektahan ako.

"Itigil niyo yung pang aasar niyo sa amin ni Donny dahil magkaibigan lang kami. Magkaibigan lang okay? Period walang namamagitan doon. Nakakairita na e"Saad ko at inis na naglakad ng mabilis papunta sa parking. Si Markus daw mag dadrive sa amin.

Umupo ako sa passenger seat dahil ayaw kong makatabi isa sa mga kaibigan ko.Ayoko ko muna.

Pagkadating namin sa ospital ay dumiretso na kami sa kwarto ni Tita pero si Heaven nalang ang nasa loob. Halos isang oras na daw pala nakakalipas ng magsimula na ang surgery ni tita.

"Si Donny?"Tanong ni Heaven ng nakita kaming lahat.

Napabuntong hininga ako pero hindi mo masyado nilaksan para hindi nila mapansin

"Di makakapunta"Cold na sagot ni Ysabel at inakbayan na si Michelle at Heaven "Tara laro tayo para hindi tayo mag alala sa surgery ni tita"Pinilit ko nalang ngumiti at tumingin kay Markus at inaya si Markus na makisali kaila Ysabel.

Kung ano anong ang nilaro nila at mukha naman sila masaya kaso parang wala lang akong energy maglaro kaya nagsabi ako na matutulog nalang muna ako sa sofa habang naglalaro sila.

Pero humiga lang ako at tumingin sa ceiling ng kwarto at hindi ko ko alam anong pumapasok sa utak ko. Halos ilang minuto akong nakatingin sa ceiling ng mapansin kong nasa may bintana pala ang sofa na to kitang kita yung labas kaya doon ko nalang tinuon ang tama ko.

"Kristenn!"Nagulat ako ng hilain ni Michelle ang kamay ko habang nakatitig ako sa labas kaya napatingin ako sa kanya.

"Labas tayo bili tayo ng pagkain. Wag dito sa canteen ng ospital kadiri fokd dito e gutom pa naman na ako"Saad ni Michelle sa akin at tumingin kaila Ysabel.

"Oo nga di masarap yung pagkain dito. Ewan ko ba kay Donny pano niya natiis yung magkain niya kagabi no Kristen?"Saad naman ni Heaven at tumingin sa akin habang nakatayo.

"Nandito si Donny kagabi?"Singit ni Markus.

Tumayo naman muna ako "Ewan ko sa kanya" at bago ako nag ayos ng sarili ko.

"Hinatid niya dito si Kirsten at inantay para ihatid pa uwi"Sagot ni Heaven sa tanong ni Markus.

Napatingin naman sila Ysabel, Michelle at Markus sa akin pero tinignan ko lang sila ng masama.

"Lalabas ba tayo o magtitigan lang tayo dito kase matutunaw na ako dito sa hinagawa niyo"Inis kong tanong at uupo na sana uli sa sofa pero bigla akong hinawakan ni Heaven

"Iritable ah meron ka ba? Tara na nga"Saad ni Heaven at inakbayan ako bago naglakad na kami palabas ng room.

Pababa na sana kami para kumain kaso biglang pagbukas ni Heaven ng pinto ay nasa labas si Tony.

Love You So Bad |DonKiss|Where stories live. Discover now