Feelings

1.1K 55 3
                                    

Trece: Feelings

Kristen's Point of view

Nasa Woodside Park pa rin kami ni Donny at nakatingin pa rin sa langit ng biglang nagkwento si Donny tungkol sa Isang babae.

"Kaibigan ko siya simula nung bata pa kami, lagi kaming magkasama sa lahat dahil magkaibigan ang pamilya namin.."Panimula ni Donny.

Hindi maganda yung feeling ko sa kwento ni Donny na to.

"Hindi ko alam kung naalala niya pa na ako yung Kaklase,Kalaro, Kakulitan niya dati.."Dagdag niya pa.

Hindi ko alam anong pararamdam ko at gagawin ko sa mga sinasabi ni Donny.

"Pero Hindi ko din alam bakit minahal ko siya ng ganto" Nararamdaman kung nagkacrack yung boses ni Donny kaya napatingin ako sa kanya.

Shet, bakit parang nasasaktan ako na nasasaktan si Donny. Natural lang ba to sa magkaibigan? Magdamayan at malungkot dahil sa kaibigan?

"Mahal mo siya?"Hindi ko alam kung saan nanggaling yung tanong ko na yun.

"Oo. Pero hindi niya ako mahal tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Kaibigan lang ako para sa kanya. Wala ng iba pa, kaibigan lang"Saad ni Donny.

"Kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon pabalik na siya" Napakagat ako ng labi ko sa sinabi ni Donny.

Magtatanong sana ako kay Donny ng biglang tununog ang Phone ko dahil may tumawag kaya hindi na ako nakapagtanong at nag excuse muna sa kanya.

Hindi ko na nakita kung sino ang tumawag basta sinagot ko nalang.

Ako: Hello? Sino to?

Caller: Kristen....si Heaven 'to

Napastop ako ng ilang segundo ng marinig ko yun, Si Heaven to, Kaibigan ko 'to. Bakit parang iba ang tono ng boses si Heaven?

Magtatanong sana akong anong kailangan niya ng marinig kong napahikbi si Heaven at mahahalata nung umiiyak.

"Heaven anong problema?Nasan Ka?"Hindi na ako nagdalawang isip na mag alala kay Heaven. Kaibigan ko pa rin siya.

"Kristen.... Si Mama... nandito kami sa ospital"Pagkasabi niya nun ay hindi niya na napigilan na umiyak kaya natakot na ako.

"Wag ka mag alala. Papunta na ako dyan" Saad ko at inend call yung tawag .

"Kisses ano yun?"Tanong ni Donny sa akin at umupo na siya.

"Ang Mama Heaven Donny"Saad ko at kinuha yung bag ko "Pupuntahan ko muna si Heaven sa ospital, Alam kong hindi niya kaya yun mag isa. Salamat sa treat ah"Dagdag ko pa at maglalakad na sana paalis ng hawakan ni Donny yung kamay ko.

"Mag cocommute ka? Sasamahan na kita"Saad ni Donny at tumayo pero tinanggal ko yung pagkakahawak niya.

"Donny hindi na, kaya ko naman"Saad ko at naglakad ako pero nagulat ng bigla hinawakan ni Donny yung kamay ko

"Kulit mo din e, Tara na"Saad ni Donny at hinala na ako papunta sa parking lot.

Agad akong pumasok ng kotse at nagdrive din si donny papunta sa ospital.

"Sige mauna ka na Kisses, magpapark muna ako tas susunod nalang ako"Saad ni Donny sa akin at dinrop ako sa main entrance ng ospital

"Hindi na Donny. Umuwi ka na, masyado na akong nakaistorbo sayo ah"Saad ko

"Hindi ah. Hindi susunod nalang ako sa loob"Pakikipagtalo sa akin ni Donny at nagtaas ng Kilay.

"Ang Kulit ah, Pag ikaw nakita ko pa mamaya tignan mo di kita papansinin, Umuwi ka na nga!"Saad ko sa kanya at naglakad na pero napabalik ako "Thank you pala "Saad ko at nag flying kiss at ngumiti at naglakad na papasok ng ospital

Love You So Bad |DonKiss|Where stories live. Discover now