His Pass

1.2K 63 5
                                    

Doce: His Pass

Kristen's point of view

Hinatid ako nila Mommy and Daddy papasok ng school dahil wala pa rin si kuya Chino baka bukas makadating na siya.

Pagdating namin sa may tapat ng school gate ay kumiss ako kay mommy at daddy bago bumaba.

Okay, hindi na hectic ang schedule namin, wala ng performance na iintindihin magiging tahimik na din ang buhay ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ay ang daming estudyante ang nagsisitinginan pero hindi ko nalang pinapansin at dirediretso nalang ako sa paglalakad papunta sa room namin.

"Kisses!"Habang nag lalakad ako paroom ay nagulat ako ng may umakbay sa akin, napatingala ko ay si Donny pala.

Oo nga naman Kirsten, si Donny lang naman ang natawag sayong Kisses at si Donny lang ang titingala ka muna bago mo makita ang mukha sa tangkad HAHA.

"Good morning"Saad ni Donny at napatingin sa paligid namin "Bat nakatingin sila?"Dagdag ni Donny at napataas yung kilay.

"Hi Donny!"Nagulat naman ako ng may biglang tumulak sa likod ko para makadaan at pumunta sa harap ni Donny at umirap pa sa akin. Problema ng mga yun?

"Uy"Buti nalang ay hinigpitan ni Donny yung pagkakaakbay sa akin kaya di ako masyado nasaktan "Mag ingat naman kayo nakakadali kayo"Pagalit niya doon sa Dalawang babae na tumulak sa likod ko. Buti nga sa kanila.

"Ay sorry donny"Sabi ni babae at ngumiti kay Donny "Sabi na nga ba Ikaw yung sa SBIS" Saad nung babae.

Napakuha naman ako Cellphone ko ng biglang nag vibrate at nakita kong nag text ni Michelle.

From: Bebe Michelle

Kristen pwede dumiretso ka nalang muna sa room pagpasok mo? May sasabihin kase ako sayo e

At dahil doon ay kinuha ko yung kamay ni Donny sa balikat ko na dahilan para napatingin siya sa akin at nakasabi ng "Wait lang" na walang boses. Pero agad akong nagpalaam sa kanya na mauuna na ako sa room dahil may sasabihin daw si Michelle.

Tumango naman si Donny at naglakad na ako papunta sa room papasok pala ako ng room ay nakikita ko na si Michelle, Ysabel at Markus na nakatayo na parang di mapakali samantalang tahimik naman ang class room namin

"Uy"Saad ko at binaba ko yung bag ko bago tumayo ng diretso

"Uy ka din, wala ba kayong wifi di ka man lang nagbubukas ng social media mo?"Saad ni Michelle at kala ko hindi makahinga.

"May wifi naman pero di naman talaga ako nagbubukas ng social media tuwing umaga diba?"Saad ko at umupo "Ano ba yun?"Tanong ko kaya agad naman lumapit si Markus,Ysabel at Michelle sa akin

"Masisiraan ka sa dami mong notifications mamaya"Saad ni Ysabel.

"Ha, bakit naman.Di ako popular adik ka ba?"Tanong ko at napataas kilay ko.

"Ngayon popular ka na"Sabat naman ni Markus. Kaya napa-ha nalang uli ako. Wala akong maintindihan e.

"Sabi ko na nga ba Galing si Donny sa St. bonaventure International School"Saad ni Michelle.

"And Singer siya doon, Basketball player. Heartthrob ng school"Dagdag ni Michelle pero hindi ko naman nakita yung point ni Michelle kaya napatanong akong "Ano naman?" Na dahilan para manlumo sila at umupo sa mga upuan sa gilid ko pwera lang kay Markus.

"Shet Di ka talaga normal Kirsten. Di mo ba alam na pag heartthrob ng SBIS sikat na sikat yun. Madaming fans madaming manlalandi madaming fantards" Saad ni Ysabel at nagkatinginan sila ni Michelle.

Love You So Bad |DonKiss|Where stories live. Discover now