"Fuck, Dem. Seriously?" Bahagya siyang tumawa. "I'm not gonna waste my money for that fucking reason."

"You mean... dito ka papasok? For real?" Gulat kong tanong.

Ano bang problema sa utak ng lalaking ito? Bakit ngayon lang sya papasok kung kailan nagmamanage na sya ng isang company?

Ganon na ba talaga ang mayayaman? They can easily get what they want?

Tumango siya. "Exactly."

Napatawa ako dahil sa sagot niya. I crossed my arms and raised my right brow.

"Why? Bakit mo naisipang pumasok ulit kahit abala ka ng tao? Ang tanda mo na kaya para pumasok pa! Hindi ka ba nahihiya?" Sarkastiko kong saad.

Ngumuso naman ito at napakamot sa batok. Nag-iwas pa ito ng tingin sakin at tumingin sa kabilang direksyon pagkatapos ay bumuga ng hininga na para bang nainsulto sakin.

"You know what? Sometimes, I really want to kiss you to shut your fucking mouth off." Bawat salita niya ay nalalagyan ito ng accent. "Puro kabastusan kase ang lumalabas sa bibig mo." He put his both hand inside his pocket and raised his left brow.

Ang taray naman!

Hindi niya kina-cool iyon. Mukha siyang bakla para sakin! Pero para sa iba siguro, laglag na panty nila.

Matt's eyes are different. Mapapasabi ka na lang talaga ng 'wow' once na tinitigan mo yung iris ng mata niya. Plus his thick brows? Parang tinalo pa yung akin lalo na sa shape!

Nang makabawi ay nginiwian ko lamang ito.

"As if naman na papahalik ako sayo e ang baho naman ng hininga mo." Wala sa wisyo kong saad.

I'm just lying. Lagi ko rin naman siyang sinasabihan na mabaho hininga nya when in fact, he has this perfect 24 white teeth. And his breath, laging amoy after wash. Hindi ko alam kung sinasadya nya yon lalo na tuwing magkausap kami.

"Hey! At sinong bad breath dito? Baka gusto mong i-try ko pa sayo 'to. I-french kiss pa kita dyan." Nagyayabang niyang saad.

Doon naman ako pinanlakihan ng mata at hinampas siya.

"Wag mo ngang dinadala kahayupan mo rito sa University! Kinikilabutan ako sayo, e!" Maang ko habang kinukuskos ang akong braso.

Tinawanan lang naman niya ako pagkatapos ay hinawi palikod ang grayish niyang buhok.

Hindi naman sa tumatanda na sya kaya nag-ge-gray yung kaniyang buhok. Ang alam ko ay nagpakulay ito noong isang araw bago niya ako ayain kumain.

Muli ko siyang tiningalaan. "Ano ba talaga kasing pakay mo rito?"

Then he turned to a serious face. "Gusto lang kitang makasama."

Kaagad ko naman siyang inirapan at sinigawan. "Yung seryoso!"

"Joke!" Muli siyang tumawa. "Matagal na talaga namin 'tong plano. Ngayon ko lang talaga naisipang pumasok."

Ngumuso naman ako at itinaas ang kilay. "Weh?"

He tss-ed. "Ask Maddy." He crossed his arms at bahagyang lumapit sakin. "Akala mo dahil sayo 'no? Assuming."

Itinulak ko naman s'ya. "Asa ka. Kailan pa ko nag-assume sayo?"

"Matagal na?"

"Ulol!" Inirapan ko ito pagkatapos ay kinuha sa aking skirt ang phone.

I'm going to talk to Maddy. Itatanong ko kung totoo nga ang sinasabi nitong si Matt.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz