Chapter 26

8.1K 195 14
                                    

PAGOD NA PAGOD NA UMUPO si Chantria sa upuan nito. Katatapos lang kasi ng meeting nila with her fellow officers at ngayon ay oras na para magpaka-estudyante naman siya. Time out muna sa pagiging VP ng SSC and hello for being a certified Class-S student.

She's now here at the Class-S Classroom and as usual siya ang pinaka-maaga. Well, ano ba naman ang aasahan niya sa mga kaklase niyang wala ng ginawa kundi ang magpa-late. At kung usapan lang na late ay una na sa listahan si Princess Nathalie.

Matagal daw kasi ito kung kumilos sabi sa kaniya ng kakambal nito na si Prince Nathan na laging bukambibig nito. She just spend a lot of her time in applying make up in her face. Naging daily routine na ito ng prinsesa kahit na para sa kaniya ay hindi na naman din nito kailangan. Hindi nga mukhang nagmi-make up ito sa totoo lang.

Well, maganda naman din kasi ito kahit walang kolorete sa mukha. Bumagay ang kagandahan nito sa pag-uugali nito. Kung gaano ito kaganda, ganun din ang puso nito. She's the embodiment of the woman with a beautiful face and heart.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Serena. Mga mahigit tatlong minuto ang pagitan ng pagdating nito sa kaniya. Sunod-sunod na rin ang pagdating ng iba pa maliban nalang kay Princess Nathalie at Prince Travis.

Speaking of Prince Travis, she failed to find him. Huli na siya bago niya ito naabutan na umalis. Sabi kasi ng Guard ay naka-alis na daw ito at hindi nito alam kung saan pumunta. Gusto man niya na hanapin pero nakita naman siya ni Prince Kenzo. That Prince told her that Prince Ice wants to talk to her too. Kaya kahit labag sa loob ay inuna niya nalang ang sa kanila ni Prince Ice at si Prince Kenzo mismo ang naghatid sa kaniya patungo sa office nito.

"Can I seat here?"

Napatingin naman siya sa nagmamay-ari ng boses na iyon. It's Prince Kenzo. Bago pa niya masagot ay napatingin siya sa pintuan ng biglang bumukas iyon. And a familiar man and woman shows up.

It's Princess Nathalie and Prince Travis.

Why are they together?

Nang makita niya itong magkasama ay tila nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya alam pero nalungkot siya at nadismaya kahit hindi naman dapat. Sino ba siya para makaramdam ng ganito?

Iniwas niya ang tingin sa mga ito at pagkuwan ay pilit na nginitian si Prince Kenzo. "Of course. Wala pa namang naka-upo rito."

Nginitian siya ng Prinsipe at pagkuwan ay umupo sa tabi niya. Si Princess Serena naman ay sinamaan ng tingin ang prinsipe na katabi niya kasi hindi sila seatmate for today's class. Very unusual lang ngayon kasi parati ay si Prince Travis ang kakompetensiya nito pero ngayon ay si Prince Kenzo naman.

Ano bang meron sa pagiging seatmate niya at napaka-big deal sa mga ito? Hindi naman siya ganun kagaling sa exam. Even her performance in class is not that excellent. Except when it was all about sparring and battle. Ibang usapan na kapag ganiyan.

Speaking of her seatmate, wala naman siyang nakikita na mali na makatabi sa upuan si Prince Kenzo. Komportable naman siya sa Prinsipe na ito. Hindi nga niya alam pero may something rito na hindi niya magpaliwanag. She wants to be closed to him since the first time they meet.

Napatingin naman siya sa kaniyang harapan ng makita niyang tumigil si Prince Travis. His eyes is asking to change her mind. Na dapat ito ang makatabi niya.

"Travis, dito ka nalang sa tabi ko maupo," aya ni Princess Nathalie rito. "Ang bagal mo kasi. Iyan tuloy naunahan ka."

Nanatiling nakatingin naman sa kaniya ang Prinsipe. Tila wala itong balak na umalis sa harapan niya at kung di pa ito pinilit ni Princess Nathalie ay di pa ito uupo sa tabi nito.

Dahil nasa kabilang row lang ang mga ito ay ramdam pa rin niya ang tingin ni Travis. Wala naman siyang lakas ng loob na tingnan ito dahil baka mas malungkot lang siya.

"Gusto mo palit tayo ng upuan?"

Napatingin naman siya sa kaniyang katabi. Tila ba alam nito kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

"Pwede ba?" Nahihiyang tanong niya rito.

Ngumiti naman ito. "Basta ikaw."

And they indeed exchange seats. She just couldn't stand the way Travis stares at her. Basta ang gusto niya lang gawin ngayon ay pansamantala itong layuan.

MATAMAN SIYANG NAKIKINIG sa itinuturo ng kanilang Professor sa harap. Ang pangalan nito ay Prof. Gin Orion, ang Guro nila sa History. It's their History Class after all.

Aminado siya na hindi siya interesado sa History pero habang pinapakinggan niya ang itinuturo nito ay biglang nagbabago ang kaniyang pananaw. Ang itinuturo kasi nito ay patungkol sa History ng bawat Kaharian. And now, he's teaching about the History of Fire Kingdom. Katatapos lang nito sa Water Kingdom.

"Hey," mahina niyang tawag kay Prince Kenzo.

Nilingon naman siya nito. "Why?"

"Is it true that you have a younger sister?" She asked in a low tone of her voice. Kasasabi lang kasi ng professor nila ang tungkol dito at gusto niyang makasigurado. Kasi naman hindi naman niya nakikita na may kapatid ito. O sadya lang talagang hindi siya updated sa pamilya nito.

"Yes." Napangiti naman siya.

"Pwede ko ba siyang makilala?" Tanong niya ulit sa mababang boses.  Patingin-tingin din siya harap dahil baka siya makita ng Professor. Mapagalitan pa siya.

"No need."

She pouted. Ginulo naman nito ang buhok niya.

"Don't be disappointed because you know her already."

Napangiti siya. Great.

"STOP IT!"

Muntik naman siyang mapatalon sa kaniyang kinauupuan ng marinig niya ang malakas na sigaw na iyon. Gulat siyang napatingin sa direksiyon ni Prince Travis habang bakas ng galit ang mukha nito. Sira na rin ang desk ng upuan nito dahil sa malakas na hampas nito roon.

"DAMN!"

Bago pa niya mausal ang pangalan nito ay dagli na itong lumabas at malakas pa nitong ibinalibag ang pinto. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa ginawa nito. This is the first time they saw him that mad.

"Ano bang problema nun?" Naitanong niya bigla. Wala siyang ideya kung bakit ganun nalang ang inakto nun.

Nagtataka naman siyang tiningnan ang iba pa at pansin niyang sa kaniya nakatutok ang atensyon ng mga ito.

"Alam mo Bes, maganda ka nga kaso nga lang manhid ka," Serena said at her.

Her forehead creased. Hindi niya makuha ang gusto nitong sabihin sa kaniya.

"What are you talking about?"

"Sundan mo na lang yun Dali!" Dagdag pa nito na lalong ikinakunot ng kaniyang noo.

"Bakit ko naman susundan?" Wala siyang ideya kung bakit niya susundin ang sinasabi nito. Atsaka, baka mapagod na naman siya ng walang mapapala.

"Huwag na maraming tanong. Follow him and tame that mad prince."

Nagtataka man ay sinunod niya ito. Kahit kasi ang professor nila suportado ito. Weird.

"Haist! Ano ba kasi problema ng lalaking yun!" Naiinis niyang sabi bago niya nilisan ang kanilang silid-aralan.

TO BE CONTINUED

HEALER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon