Chapter THIRTY-SIX --> Unexpected Visit <--

Start from the beginning
                                    

     Nakatayo sa harapan namin ngayon yung kambal-engot...

     At hindi ko masyadong maipaliwanag yung expression sa mukha nila..

     Parang... magkahalong kaba at pag-aalala...

     “Beshfren..” sabi ni Weendy at saka kinagat yung ibabang labi.

     “Kasi...” umiwas ng tingin si Jenica.

     Napatingin ulit ako dun sa kotse. Sa gray BMW..

     At biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.

     Tinitigan ko yung kambal-engot..

     “Wag niyong sabihing....” simula ko.

     Tumango naman yung dalawa.

     Napahinga ako ng malalim sa nakuha kong kompirmasyon.

     Nandito nga sila.

 

 

     Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Den.

     Napatingin siya sakin.

     “Go home,” sabi ko ng hindi siya tinitingnan.

     “Angel,” mahinang sabi ni Den.

     “Just... Go. I’m fine. Okay?” Napahawak ako sa noo ko at napapikit. Shet. Umiinit na naman ata yung ulo ko...

     “Okay.” Mababa yung boses ni Den. Tumalikod siya at lumakad paalis. Hindi ako makalingon sa kanya habang sumasakay siya sa kotse. Ang narinig ko nalang ay ang tunog ng makina ng kotse niya habang papalayo sa apartment.

     Suddenly, I felt defenseless.. Without him by my side.

     I felt... Vulnerable..

 

 

     Pinapasok na ko nung kambal-engot.

GIRLFRIEND 4 SALE [fin]Where stories live. Discover now